Chapter 19

12 2 0
                                        

Chapter 19

Busy ako sa pagtitipa sa laptop ko nang magsalita si Damien. "What's my schedule today?"

Tinignan ko naman ang schedule nito bago magsalita. "Wala naman masyado. Meron ka lang meeting mamayang one ng hapon sa Marketing Department at may client kang i-memeet mamayang tanghali."

Tumango-tango ito. Sa opisina niya ipinalagay ang table ko para raw makita niya ako. At para na rin hindi na raw siya mahirapan kapag may ipapagawa siya.

May binabasa ako presentation galing sa General Department nang tumayo ito at naglakad palabas ng opisina. Hindi man lang nagpaalam. Napatingin ako sa lamesa nito na maraming documento na kailangan niyang pirmahan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pumunta sa lamesa niya.

Binasa ko ang iba ro'n nang nag-vibrate ang cellphone nito sa gilid. Message galing kay Rhianne.

'I'm back. Where are you? I'm already here.'

Napakunot ako ng noo at napatingin sa pintong nilabasan ni Damien. Nagpupuyos na ako sa galit dahil sigurado akong nakipagkita si Damien kay Rhianne ngayon! Gano'n na ba ka-importante para iwan ang tambak niyang trabaho?!

Nagdadabog akong umupo sa puwesto ko at nag-iisip kung hahanapin ba siya o hindi. Pero ilang minuto ay wala pa rin siya kaya napag-desisyunan ko na lumabas. Ipipihit ko pa lang ang pinto nang bumukas ito kaya natulak ako.

"Ouch!"

"Aella?" nag-aalalang banggit nito sa pangalan ko. Bumungad naman si Damien na may dalang supot na sa tingin ko na may laman na pagkain at coffee sa isa nitong kamay. "Anong nangyari sa'yo?"

Tinulungan niya akong tumayo at ang sakit ng pwetan ko!

"Sa'n ka galing?" nakangiwi kong tanong.

"Sa baba. Bumili ako ng pagkain," inalalayan niya akong umupo sa upuan at inilapag ang dala sa lamesa kung saan puwedeng kumain. Pang dalawahan ang upuan kaya umupo siya sa harap ko.

"Bakit ang tagal mo?" nakakunot kong tanong habang tinitignan ang pagkain na binili nito. "Hindi ko alam kung ano ang gusto mong pagkain."

May iba't ibang klase na naka slice na cake pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang red velvet cake. Kaya kinuha ko ang tinidor at tinikman ito. Habang ngumunguya ay napatango na lang ako dahil nagustuhan ang lasa.

"Masarap?" tanong ni Damien. Tumango ako. "Masarap tikman mo," at isinubo sa kanya. "Diba?" tinignan ko pa ang seryoso nitong mukha habang ngumunguya. Tinikman ko rin ang iba at nasarapan din ako sa strawberry cake kaya isisnubo ko rin sa kanya.

"Masarap din 'to. Tikman mo," isinubo ko ulit sa kanya. "And this," isinubo ko sa kanya ang chocolate cake. "Hindi gaano katamis."

"What's this?" turo ko sa isa dahil hindi malaman kung anong flavor. Kumuha ako ng kaunti at pinatikim sa kanya dahil ayaw kong tikman kung hindi masarap. "I think it's carrot cake," sagot nito.

Nagtaka naman ako dahil meron pa lang ganon. "Masarap?" kuryoso kong tanong.

"Okay lang."

"Hindi ka nga pala mahilig sa matatamis," wala sa sariling sinabi ko at sumubo ng cake.

"What?" parang gulat nitong tanong.

"Anong 'What'?" tinikom na lang nito ang labi at umiling. Kinuha nito ang cup na may naglalaman ng coffee. Kinuha ko naman yung akin at tinikman. It's iced sweet black coffee. Hindi ako mahilig sa kape kaya naman nagustuhan ko ang lasa dahil hindi ganon kapait.

"What's yours?"

"Cappuccino. You want to try?" inabot nito sa'kin kaya naman kinuha ko at tinikman. Tumango ako. "Okay lang," at sumimsim pa. 

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon