Chapter 25

10 2 0
                                    

Chapter 25

Dumating na nga ang araw kung kailan kailangan na naming umalis. Patungo sa isang palasyo sa Thailand. Kung saan kami namalagi noon. At ang base ng organisasyon namin.

"Mommy, hindi talaga kami pwedeng sumama?" hindi ko na alam kung ilang beses na ito natanong sa'min ni Rine. Ang mga mata nito ay nagsusumamo.

Nakahanda na ang lahat dahil bukas na bukas ang alis namin. Maaga pa lang ay sinabi na naming ito sa mga bata upang maintindihan nila.

"Babalik kami, Rine. Hindi kayo pwede ro'n," isinabit ko sa likod ng tainga nito ang takas na buhok. Nandito kami sa kuwarto naming ni Damien at dito raw matutulog ang mga anak namin. "Listen to me. Ang lugar na 'yon ay hindi pwede sa mga kagaya niyo. Delikado para sa inyo 'yon. At hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa inyo."

Pinakatitigan ko itong mabuti. Si Zeus ay walang imik. Kinakabahan na kami ni Damien dahil simula nung sinabi namin sa kanila na aalis kami ay hindi ito kailanman nagtanong.

"I'll explain everything to you when we come back," I smiled at her to ease her sadness, but that didn't help. Her eyes and nose began to redden, she restrained herself from crying.

Parang kinurot ang puso ko sa nakita. I don't want to see them hurt. I touched her face and caressed. "Shhh..." I hushed. "Don't cry. Pag-uwi namin ni daddy mamasyal tayo. Kahit araw-araw pa 'yan. We will go home no matter what happens. This our home, Rine. Uuwi kami."

Napatingin ako kay Damien na nasa pintuan, nakahalukipkip habang nanonood sa'min. Umayos ito ng tayo at lumapit sa kama. Binuhat nito si Rine na humihikbi. Lumayo ito sa'min kaya hindi ko na narinig kung ano ang ibinulong nito sa anak.

Tinignan ko naman si Zeus na busy sa paglalaro ng mga daliri nito. Magsasalita sana ako nang mag-angat ito ng tingin. "I'll understand, mama. But you need to keep your promise, that you'll come back home to us with daddy."

Napangiti ako sa sinabi nito dahil naiintindihan nito ang sinasabi ko. I patted his head and slightly bend down to kiss him in the forehead. "I promise, honey. I promise..."


Sa gabing iyon ay pinagmasdan ko silang dalawa at nakapatong ang braso ko sa tiyan nila, ganun din ang mga kamay nila ay nakahawak sa braso ko. Napaahon ang ulo ko nang tumayo si Damien galing sa tabi ni Zeus. Nakapagitna kase ang mga bata at kami ay nasa pareho gilid nito.

"What are you doing?" bulong ko nang humiga ito sa tabi ko. Naramdaman ko ng ilang segundo na pilit nitong isinisiksik ang sarili sa tabi ko. "You don't fit, Damien. You are big!" pasigaw kong bulong habang ang ulo ko ay nakalingon sa kanya.

"Kasya ako. And thanks for the compliment," napaiwas ako nang bumulong ito sa tainga ko. "I'm big. It gives you pleasure."

Napapikit ako ng mariin at naramdaman na nag-init ang mukha ko. "Oh, shut up, Damien."

I heard him chuckled so I just rolled my eyes. "I just want to hug you, love."

Nakayakap na ito sa'kin pati sa mga bata kaya nanliliit ako dahil sa yakap nito. Ilang segundo kaming walang imik at galaw, akala ko ay nakatulog na ito pero narinig ko itong huminga ng malalim kaya bahagya akong napalingon sa pwesto niya.

"Are you okay?" nag-aalala kong tanong.

"I don't want to leave them... iisipin ko pa lang na malalayo ako sa kanila. Ayoko," akala ko ako lang ang nakakaramdam nito, pati rin pala siya. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung paano maiibsan ang nararamdaman nito.

Hindi ko na namalayan ang oras at dinalaw na ako ng antok kaya hindi ko alam kung nakatulog na ba si Damien. Nagising ako ng maaga. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako ng maayos dahil parang pumikit lang ako. Alas singko pa lang ay gising na gising na ang diwa ko.

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon