Chapter 14
Bumalik ang lahat nung nagsimula na ulit ang klase namin. Bumalik kami sa unibersidad, bumalik din si Sir Damien sa pagtuturo niya, at bumalik din ang kalayaan ko. Hindi na ako pinaghihigpitan pa. Kung aalis ako ay pumapayag na sila, nagkataon lang siguro ang mga 'yon.
Naging maayos naman ang takbo ng buhay ko sa nagdaang araw. Studyante at nagttrabaho ng Friday hanggang Sunday. At ngayon araw na ng mga puso! Kaya maraming nag-uusap tungkol sa kani-kanilang date. Narinig ko rin ang usapan ng mga kaibigan ko.
"Hey, Lervin! Kilala mo ba si Dawin?" tanong ni Shrille nang minsan nagsama-sama kami sa cafeteria.
"Ahh, Si Dawin na walang apelyido?" sarkastikong tanong ni Lervin kaya inis na inirapan lang siya ni Shrielle.
"I think, he's biology—"
"Si Dawin Kyle Castro?!"
"Yon ang pangalan niya?! Naks! Salamat ng marami, Lervin!" agad na kinalikot ni Shrielle ang cellphone para siguro i-search ang sinabing pangalan ni Lervin.
"Uhm... He's gay, Shrielle," pagputol ni Lervin sa kasiyahan ni Shrielle. Napatigil naman si Shrielle sa ginagawa niya at napaangat ng tingin.
"What?" bumuntong hininga ito at ibinagsak ang ulo sa lamesa. "Why naman ganon?!" nagpapadyak ang mga paa nito sa ilalim ng lamesa.
Napa-iling-iling na lang kami sa inakto nito. Napatingin naman ako kila Lervin at Carol na magkalayo at hindi nagpapansinan. Anong problema ng dalawang 'to? Kaya naman pinuna ko.
"Oh, kayong dalawa? Anong nangyari sa inyo?"
Tinignan ako ni Carol na walang gana at umiling kaya naman nagtaas ako ng kilay sa tugon nito. Binalingan ko ng masamang tingin si Lervin na tahimik din. "Lervin, anong ginawa dito?"
"Huh, anong ginawa? Wala akong ginagawa 'no!" Tumingin ito kay Carol na nakatingin din pala sa kanya ng seryoso bago kinuha yung mga gamit niya at nauna ng umalis.
"Carol!"
Nakakunot ang noong humarap naman ako kay Lervin na pinanood lang ang papalayong Carol. "Lervin! Anong problema niyo?!" naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko at nakitang nag-message through messenger.
Carolina Ortega:
'Una na ako. May quiz kami. Hindi na muna ako sasabay may pupuntahan ako :)'
I know that she's giving me an excuse to avoid my questions. I just gave up and looked at Lervin who's eating now. Wala ako sa lugar para pakialaman pa ang problema nila. Ganyan sila pag nag-aaway pero sa huli magkakabati rin.
Tumayo na ako para pumunta na sa susunod na klase. Nagpaalam na ako sa kanila na aalis na ako. Habang naglalakad nag-iisip ako kung ano ang ibibigay ko sa parents ko ngayong darating na Valentine's, nang biglang pumasok sa isip ko si Sir Damien.
Kaya naman naka-isip ako ng gagawin. Lumipas ang mga araw at nag-aalala na ako dahil hindi pa rin nagkaka-ayos sila Lervin at Carol, kaya halos hindi naming nakakasama si Lervin o kaya minsan si Carol dahil sa pag-iwas nila na makatagpo.
Nag-usap kami nila Shrielle at Adam. Nagplano kami na ipagka-ayos silang dalawa kaya sana magka-ayos na sila. Kumuha kami ng isang kwarto na uupahan at nilagyan ito ng mga disenyo. May pabilog na lamesa s agita at dalawang upuan na magkaharap, nakapaloob ito sa puso na ginamitan ng petals ng mga rosas.
At sa araw ng mga puso, ang araw kung saan susupresahin si Lervin at Carol ay dumating na. Kapasok ko pa lang sa klase ay marami ng nakatambak na bulaklak, tsokolate at mga stuffed toy sa pwesto ko. Pero hindi ko masyadong pinansin 'yun. Iniwan ko ang mga gamit ko at kinuha ang putting sobre na may gintong disenyo sa gilid.
BINABASA MO ANG
The Freedom Desired
Roman d'amourAella Rai Delcour was comatose for eight years. She was 21 years old when the incident happened. Aella woke up and lost her memories. Her family told her that she was in good condition before the accident happen. She had wealth, a perfect family, wo...
