Chapter 15

12 2 1
                                    

Chapter 15

Sa sumunod na araw ay tahimik ang naging buhay ko at iwas pa rin kay Sir Samien kahit na laging may pagkakataon na nagkikita kami dahil inuutusan niya ako sa mga kung ano ano.

Nagbalak ako na pumunta ng mall upang maghanap ng mga kakailanganin kong gamit sa kurso ko. Wednesday naman ngayon kaya wala akong trabaho sa kumpanya namin, malaya akong makaka pamili.

Tinext ko na rin ko si Dad kung saan ako susunduin ng driver namin. Katapos ko bumili ng mga kailangan ko sa National Bookstore ay napapadaan ako sa mga boutique kaya naman pumasok na ako namili na rin ng mga nagugustuhan ko at dinagdagan ng pang opisinang mga damit. Nakakita rin ako ng mga pang opisinang heels kaya kumuha na rin ako ng tatlong set. Habang bitbit ang mga napamili napadaan din ako sa Watsons kaya tumingin na rin ako ng mga lotions, shampoo at kung ano ano pa.

Napalobo ako ng bibig nang makitang marami-rami na pala ang mga nabili ko at masakit na rin ang paa ko. Kaya napagdesisyunan ko na kumain muna dahil nagugutom na ako. Pumasok lang ako sa nakitang kong fastfood chain, doon kumain at doon ko na rin tinawagan na ang driver namin na sunduin na ako.

"Ma'am, pasensiya na, ma'am. Traffic po kase baka ma-late po ako pagpunta diyan."

"Gano'n ba? Sige kaya ko naman maghintay. Hintayin na lang ba kita sa harap ng mall o sa parking lot po?" tanong ko habang nakatingin sa mga pinagkainan at mga gamit na bibitbitin ko.

"Wala po ba si Sir Luan diyan?" napakunot ako ng noo dahil sa hindi kilalang pangalan na binanggit nito.

"Ano po?"

"Ah, wala. Saan ka ba malapit? Kung saan ka na lang malapit dun na lang kita sunduin," luminga ako at nakitang nasa dulo ako kaya sinabi ko kay manong ang puwesto ko. Saktong malapit lang naman ako sa exit kaya dun na lang niya raw ako susunduin.

Nang makalabas ako ay naghintay ako halos thirthy minutes. Kinakabahan ako dahil madilim na pala at kaunti lang ang mga taong nakikita ko dito banda. Buti naman walang nangyaring hindi maganda.

I'm busy typing on my iPad when Sir Damien entered our classroom. Nakita ko lang sa side view ko, hindi ko binalingan. "Good morning," dinig kong bati nito pero ang mga mata ko ay nakatutok pa rin sa ginagawang report para sa Accounting.

Patapos ko na ang part ko kaya naman kinalbit ko ang nasa harap kong kaklase na si Andrew na kagrupo ko at tinanong kung tama ba ang pagkaka-compute ko.

"Hey, Andrew. Tinignan mo nga 'to. Tama ba?" humilig ako palapit sa kanya para ipakita ang tinype ko sa iPad.

"Tapos mo na? Hindi ko pa tapos yung sa graph ah," gulat pa nitong tanong pero tinignan din ang ginawa ko. Dinouble check nito at tumango para sabihing tama. "Send ko na lang yung part ko mamayang gabi para maayos mo na sa powerpoint o kaya ikaw na magsend at ako na lang ang gagawa."

"Hindi na, kaya ko na. Atsaka para mas madali na lang ayusin hindi mo na ililipat yung files."

"Sige, ikaw bahala. Isend ko na lang mamaya through email. Anong email address mo?" kumuha ito ng notebook at ballpen kaya naman lumapit pa ako sa puwesto niya para isulat do'n nang may tumkhim ng malakas.

Wala sa sarili na nag-angat ako ng tingin at nakita si Sir Damien ay nakatingin sa'min. Ganun din ang mga kaklase namin kaya naman umupo ako ng maayos at tumingin na sa board.

Nang matapos ang klase nito ay agad akong lumapit kay Andrew upang ibigay ang email ko. "Aella," napaangat ako ng tingin dahil tinawag ako ni Sir Damien sa mismong pangalan ko.

Hindi ko ito sinagot at hinintay lang siya sa sasabihin niya. Bumuntong hininga ito at ini-abot ang lalagyanan ng tubig niya. "Pakilagyan ng tubig at padala sa opisina ko."

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon