Chapter 13
"D-Dad..." napalunok na lang ako dahil naduduwag akong sagutin si Daddy. "I'm fine, Dad," nangangatal ang mga labi ko at ang kabang naramdaman kanina ay ramdam ko pa rin hanggang ngayon.
Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa'kin kung mahuli nila ako, lalo't hindi pa alam ng mga magulang ko kung nasaan ako.
"Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko, Aella! Umuwi ka na. Mag-uusap tayo."
Napakagat na lang ako ng labi nang binaba na ni Dad ang tawag. Alam kong papagilitan nila ako pag-uwi pero kailangan kong harapin iyon.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko na hindi pa rin nakakabawi sa nangyari. Litong-lito pa rin sila at makikita mo rin sa mga mata nito ang takot. Pinalibot ko muna ang mata ko sa paligid at marami pa rin talagang hindi pa naka bawi kaya naman na pagdesisyunan ko na kalbitin si Shrielle na nakatulala.
"Hey, Shrielle," pinatong ko ang kamay ko sa balikat nito at gulat na tumingin sa'kin. Napakunot ako ng noo dahil sa reaction nito. "You okay?" tumango ito na wala sa sarili.
Nag-aalala man ay niyakap ko na siya. "Kailangan ko ng umuwi," tumango ito kaya naman nagpatuloy ako. "Ipapahatid kita kay Adam. I can take care of myself."
Katapos kong magpaalam kay Shrielle ay nilapitan ko si Adam na busy na sa kanyang cellphone at naka kunot ang noo. "Adam," tawag ko rito kaya naman binaling niya sa'kin ang atensyon. "Uuwi na ako. Hinahanap na ako sa'min."
"Tara ihahatid na—"
"No need," kumunot naman ang noo nito dahil sa sinabi ko. "Ihatid mo na lang si Shrielle."
Sa huli ay tumango na ito kaya naman kinuha ko na ang bag ko. Bahala na sila Adam na magpaalam para sa'kin. Kailangan ko na talagang umuwi. Tinignan ko ang madilim na daan na tatahakin ko palabas sa village nila Carol.
I can fight as much I can. I learned Aikido, Judo, Taekwondo and Krav Maga so I can take care of myself. When I was a child, someone taught us how to defend ourselves. Taas noo akong naglakad hanggang sa gate ng village na ito. Na-alerto ako nung may humintong kotse sa harap ko. Sinilip ko sa gilid ng mata ko ang guardhouse na malapit na lang.
Emotionless, I watched the man get out his car. Biglang kumabog na lang dibdib ko nang malaman kung sino ito. It's been what since we saw each other? Ang huling kita namin ay nung lasing ako at bigla na lang siya na wala no'n. Ilang months na hindi nagpakita. Kaya naman ngayon ay naka-awang ang labi at gulat na nakatingin sa kanya.
Nagalit ako sa kanya kahit na wala akong karapatan na magalit dahil buhay niya iyon kaya kahit saan man siya pumunta, mawala man siya, umalis ng ilang araw o buwan ay wala akong pakialam.
Lumapit ito sa'kin at pinagmasdan ako na para bang minememorya niya ang bawat hugis ng mukha ko. Napansin ko na humaba ang buhok nito at pagod ang mga mata nitong nakatingin sa'kin pero may kaginhawahan din akong nakikita.
Walang lumabas na tinig sa mga labi nito pero ang mga mata nito ay parang ang daming sinasabi.
'How are you? Where have you been? Bakit ang tagal mong dumating? Bakit biglaan ka na lang umalis? Ano ang nangyari?' mga tinig sa loob ko pero hindi ko kayang magsalita.
Ilang minuto kaming nakatitig lang sa isa't isa bago siya nagsalita. "How are you?" sa paos nitong boses.
"You are tired," nasabi ko at hindi sinagot ang pangangamusta nito. Ngumisi ito at napa yuko pero nanatili akong nakatitig sa kanya.
"Bakit? Hindi na ba ako gwapo?" pabiro nitong tanong at parang nahihiyang mag-angat ng tingin.
Napangiti ako sa naging kilos nito. "Hmmm..." nag-angat na ito ng tingin at seryoso ng nakatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Freedom Desired
RomanceAella Rai Delcour was comatose for eight years. She was 21 years old when the incident happened. Aella woke up and lost her memories. Her family told her that she was in good condition before the accident happen. She had wealth, a perfect family, wo...
