Chapter 20

13 3 0
                                        

Chapter 20

"Oh my gash! You are really real?!" hinawak-hawakan ni Shrielle ang mukha ko at ginalaw-galaw na parang may tinitignan sa mukha ko. "Do you remember me?" isteriko nitong tanong.

Carol tongue clicks. "Stop it, Elle. Wala ngang maalala," dinapuan niya ako ng malamig na tingin kaya naman napakunot ako ng noo. Anong ginawa ko? Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila na naaalala ko na sila.

"Naku! Alam mo ba, Ella," hinawaka ni Shrielle ang dalawa kong kamay na nakapatong sa lamesa. Nasa isang kaming resto matagal ko na kase silang gustong makita kaso ang mga girls lang ang available. Ang alam ko sinabihan sila ni Damien sa sitwasyon ko. "...nung nalaman ko na si Rhianne ay may pagka-ahas. Gusto ko na siyang sunugin!"

Napakunot ako ng noo dahil paanong nalaman nila? Did Damien tell them?

Nang makita ni Carol ang ekspresyon ko ay agad niyaang tinakpan ang bunganga ni Shrielle. "Ano ba?! Lasang alcohol ang kamay mo!" inis na tinanggal ni Shrielle ang kamay ni Carol.

"Ang daldal mo," inirapan siya ni Carol. Napangiti na lang ako sa kakulitan ng dalawa dahil na-miss ko sila! Napapansin ko nga na kanina pa may sumusulyap-sulyap sa lamesa namin.

Hindi ko naman maitatanggi na maganda sila. Carol has a fair skin tone, black hair, her hair length is just enough. Ang mga mata nito akala mo masama ang tingin tapos dinagdagan niya pa ng eyeliner, ang labi naman nito may pagkakulay na orange and pink? And she has a perfect body. Matangkad. Hubog ang curves sa katawan.

Si Shrielle naman ay may pagka-fair skin din. Nagpakulay ng buhok. Metallic ash gray. Short hair. She has a round eyes, small pointy nose, pink lips. Sakto lang ang height niya pero nagmumukhang maliit kapag pinagdikit-dikit kaming tatlo. Maganda rin ang katawan nito.

May mga nagbago sa kanila. Si Carol kase ay napaka-good girl niyan tignan noong nag-aaral kami ngayon parang mang-aaway na. Si Shrielle naman mang-aaway talaga noon ngayon ay mas lalong nadagdagan dahil sa look niya.

"May boyfriend ka na, Shrielle?" natanong ko. Natigilan naman sa pagdaldal si Shrielle.

"Boyfriend? Hindi ko kailangan no'n. Focus ako sa sarili ko ngayon. Atsaka, no one's deserve me," maarteng sabi nito sa huling pangungusap. "Kung magkakaroon man ako, gusto ko yung mas higit pa sa sarili ko kung magmahal. In short. Wala."

Napatango-tango na lang ako at napatingin kay Carol na umiwas lang ang tingin. "I'm filing an annulment," napakurapkurap ako sa sinabi nito. Si Lervin at Carol ba?

Hinintay ko pa ang susunod nitong sasabihin pero parang ayaw niya magkwento. Humarap si Shrielle kay Carol at ngumisi. "Ako ba ang magkwento?"

"Whatever, Elle."

Kaya tumingin ako kay Shrielle na handa ng magkwento. "In-arrange marriage kase siya sa kaibigan ng parents niya. Matagal na pala ang deal na 'yon. Eh, si lola mo, ayaw dahil sila nga nung time na 'yon ni Lervin. Kaso ang parents ng lola mo. Hindi raw tutustusan ang pag-aaral niya sa med-school. Kaya ayon, pinakealam ang buhay niya. And you know what is the worst? Sinasaktan siya ng asawa niya!" tumigil na siya. "Hanggang do'n lang dahil parang makakapatay ako ng tao pagnaaalala ko yung mga pasa ni Carol sa katawan pati mukha."

"Nasa'n na si Lervin ngayon?"

"Ewan," kibit-balikat nitong sagot at sumimsim sa iniinom na juice.

"Makikipag balikan ka ba, Carol?"

"I don't know," nakatulala ito sa hangin. "Baka may pamilya na 'yon."

"Hindi ka sure," wala sa sariling banggit ni Shrielle kaya pareho kaming napatingin sa kanya. "May alam ka ba, Elle?" naniningkit ang mga mata ni Carol. Nanlalaking mata naman na tumingin sa'min si Shrielle.

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon