Chapter 2
Nung nalaman ko na bumibisita siya ng gabi binalak ko kaagad na hintayin siya. Hindi ko naman alam na sobrang late pala niya bumisita! Kaya ang nangyari nakatulog ako!
Kagising ko ng umaga alam kong wala agad ako sa mood. Napuyat ako sa wala! Napairap na lang ako sa sarili ko.
"Ma'am? Pinapagising na po kayo ni Madame Akihira," katok ng isang kasambahay namin. Tumayo ako sa kama ko at pinuntahan ang pinto.
"Maliligo lang po ako saglit. Bababa na rin po ako," sabi ko. Aalis na sana siya nang pinigilan ko siya.
"Bakit po?"
"Dumaan ba si Damien dito kagabi?" napaiwas na lang ako ng tingin sa tanong ko. "Ay naku, ma'am! Hindi ko po alam eh. Tanungin niyo na lang po si Mang Carlos, siya po kase nagbubukas lagi kay Sir eh."
"Sige po salamat."
Agad akong naligo. Parang wisik nga lang iyon dahil sa pagmamadali. Nag-ayos agad ako at mabilis na bumaba sa hagdanan namin. Nakita ako ni Manang Rose kaya nanlalaking matang tumingin ito sa'kin.
"Jusko, ma'am! Dahan dahan po sa pagbaba. Naku mayayari tayo sa magulang mo nito," natatarantang inalalayan ako ni Manang Rose kahit na kaya ko naman.
"Salamat po," didiretso na sana siya sa dining room nila ng may maalala.
"Ahh, manang nasaan po si mang Carlos?" tanong ko.
"Nasa garahe 'ata ngayon. Naglilinis ng kotse," sagot naman nito. Nagpasalamat ako ulit at dumiretso na sa dining room.
Nang nasa hapag na nagpaalam ako sa magulang ko. "Mom, dad? Can I go outside?" natigilan silang dalawa at tumingin sa'kin bago sila nagkatinginan.
"Can I?" tanong ko ulit.
"Dito lang ba, anak?" tanong ni mommy.
"Yes, mom, dito lang sa loob ng village."
"Okay," Yes!
"Thanks, mom!" tumango lang silang dalawa at nagpatuloy na sa pagkain. Masaya kong tinapos ang pagkain ko at dumeretso na sa study room namin. Ilang minuto rin ay dumating na ang magtuturo sa'kin. Double ang kailangan para narin mapabilis dahil marami rami rin kase ang mga kailangan ko pang pag-aralan.
Hapon na nang sumilip ako sa labas dahil hindi na ganon kainit kaya napagdesisyunan ko na ring lumabas. Pumunta ako sa office ni Daddy para na rin makapag-paalam.
"Nasa kuwarto siya ngayon..." dinig kong boses ni Daddy. "...may balak siyang lumabas baka maya maya mag-paalam na siya..." natigil ito at parang nakikinig sa kausap. "Yes, that's good. Send some bodyguards."
Nang tumahimik na ay kumatok na ako. "Come in."
"Uhm dad, lalabas na po ako," tinignan niya ako na para bang inaasahan niya na ako darating. "Take care," sabi nito bago ibinalik ang tingin sa mga papel na nagkalat sa lamesa nito.
"Thanks dad! I love you!" pasigaw kong sabi habang masayang palabas ng opisina nito.
Nag suot ako ng grey jogging pants at white sando crop top. Kumuha na rin ako ng cardigan bago bumaba para makalabas na.
"Ma'am! Pinahanda po ni Sir Anton," sigaw ni mang Carlos. Nakita ko ang puting golfcart na nakahanda na sa harap ng gate namin. Napakunot ako ng noo sa sinabi nito.
"Ahh, ma'am, malaki po kase itong village hindi po kakayanin ng mga paa ninyo atsaka halos naman lahat dito ay gumagamit ng ganito," napatango ako sa sinabi nito.
Tinuro niya sa'kin kung paano gamitin, madali lang naman kaya mabilis din akong natuto. "Ahh, mang Carlos, dumaan po ba kagabi si Damien?" nag-aalangan kong tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/265018392-288-k46628.jpg)
BINABASA MO ANG
The Freedom Desired
RomanceAella Rai Delcour was comatose for eight years. She was 21 years old when the incident happened. Aella woke up and lost her memories. Her family told her that she was in good condition before the accident happen. She had wealth, a perfect family, wo...