Chapter 8
Nandito ako kila Carol para mamaya sa pagpunta namin sa Midnight Club. Nakahiga ako sa kama niya at hinihintay siya na matapos sa inaasikaso niya. Lumipad ang isip ko kay Sir Damien, hindi ko alam na may itsura pala ito kaya pala hindi maiiwasan na pag-usap usapan ito ng mga babae pati ang mga ibang prof sa iba't ibang department.
Ang mga mata nito na para bang ang daming tinatago pero ang sarap tignan. Ang labi nito ay parang malambot at ang sarap dampian! Napatayo ako sa hinihigaan ko dahil sa iniisip! Oh my gosh! Ano ba itong iniisip ko?!
Naramdaman kong biglang uminit ang mukha ko kaya napatakip na lang ako ng mukha. Argh! Hindi naman ako ganito sa iba. Wala akong pakialam sa mga itsura nila ngayon lang ako nag-isip ng ganito na parang pinangarap ko na mahalikan niya ako!
Nakakahiya!
"Hoy, Ella!" nabaling ang tingin ko kay Carol na nakaupo sa pang office chair nito at nakaharap sa study table na may maraming papel. "Okay ka lang? Naiinitan ka ba?" kunot noong tanong nito.
"Ahh, hindi, okay lang ako."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Namumula ka."
"May iniisip lang..." sabi ko at iniwas ang tingin.
"Lalaki 'yan 'no?!" napakurap ako ng mata sa sinabi nito. "Hoy, hala ka!" tumayo ito sa kinauupan niya at lumapit sa'kin na may ngising nakapaskil sa labi nito.
"B-bakit?"
"Sino 'yan ha?" napangiwi ako nang hinawakan niya ang braso ko at niyugyog.
"A-ano ba?! Ang OA mo ha?" pikon kong sabi.
Inirapan niya ako bago siya nagsalita. "Duh, ngayon ka lang nagkaganyan! Namumula ka pa! Alam kong lalaki 'yan!"
Nginiwian ko siya. "'Di ka sure."
Bumaba ako sa kama niya at kinuha ang cellphone ko na nasa side table ng kama ni Carol. "Hoy! 'Wag mo akong tinatakasan ha?!"
Inirapan ko lang siya at pumunta sa balcony nito upang tawagan ang parents ko. Kailangan kong magpaalam para kung may mangyari mang hindi maganda ay maagapan nila agada ko.
Ilang ring lang ay sinagot na ni Daddy ang tawag ko. "Dad," bati ko.
"'Nak," sambit nito.
"Uhmmm, I'm going out with my friends tonight," alangan kong paalam.
"Hm-mm? Where are you?"
"I'm at Carol's House."
"Clubbing?"
"Yes, dad," napakagat ako ng labi. "Wear your necklace," napangiti na lang ako dahil alam kong pumayag na siya. My necklace is not just a normal necklace it has a GPS tracker.
"Thanks, dad! Love you!" bago binaba ang tawag. Inihilig ko ang katawan ko sa railings ng balcony at bumuntong hininga. Alam ko na may ipapadala na naman si Dad ng magbabantay sa'kin pero okay lang iyon dahil hindi ko naman kilala kung sino sila.
Bumalik ako sa kama ni Carol at tinuon na lang ang pansin sa cellphone. Si Carol ay bumalik na sa study table nito at nakatutok na sa laptop nito.
Sinilip ko muna si Carol bago pindutin ang 'Search' sa facebook. I typed 'Damien Luan Rousseau', 'Damien Rousseau', 'Damien Luan', 'Luan Rousseau'. Minsan ay 'Search Not Found' o kaya may mga lumabas pero wala roon ang facebook account ni Sir!
"Ahh... Carol wala pa lang facebook account si Sir Damien?" tanong ko. Napansin ko naman na lumingon siya sa'kin. Pinagpapawisan man ang kamay dahil sa titig nito pero nagpatay malisya na lang ako.
"Wala raw talaga pero meron siyang Instagram account," kinuha nito ang cellphone niya at pinakita ang username ni Sir Damien. Nakitang requested ang nakalagay ron dahil naka-private ang account nito, 0 posts, 12,892 followers, 304 followings.
Sinubukan kong i-search sa mismong ig account ko pero ganon din lumabas. Psh. Pa-private private pa ng account wala namang ka-interes.
Lumipas ang oras at nakatutok lang ako sa cellphone ko. Masasabi kong second house ko na itong bahay nila Carol dahil kapag may gala or yayaan ay dito na ako dumideretso. May mga damit na nga rin ako dito.
Dala ni Carol ang kotse niya papuntang Midnight Club. I'm wearing a black midriff top and it's pair of black skirts and chunky black boots. Holding my clutch purse we enter the club.
It's already quarter 11 of the night and the people are so wild! Ang mga iba't ibang ilaw ay nakakahilo pero nasanay na rin. Marami-raming tao ngayon dahil biyernes na. Ang mga iba pumupunta rito upang mag-libang, o kaya, mag-enjoy, meron din naman yung mga brokenhearted tapos papatayin nila yung atay nila sa alak. Kami pampa-good vibes lang. Libangan na naming 'tong magkakaibigan dahil minsan lang naman kami pumupunta sa mga ganitong mga lugar.
Kaya rin pala nag-aya si Lervin dahil may birthday sa batch nila. Nauna na nga iyon sa'min. Lervin is an architech student, while Carol is a Medtech student that's why she's always busy with her papers. Adam and Shrielle are engineering students.
"Aella! Carol!" sabay kaming naglakad palapit sa puwesto nila Adam nang tinawag niya kami. "Hey," tinapik ko ang balikat ni Adam bilang pagbati na nakasuot ng army green shirt na pinatungan ng black bomber jacket and pair with black jeans. Amoy rin ang mabango nitong pabango.
I kissed Shrielle's cheeks as a greeting. She looks hot with her red strapless dress. "Where's Lervin?" unang tanong ni Carol na ngayon ay nakakunot habang pinalilibot ang tingin.
"Nambabae," ngising sagot ni Shrielle. Inirapan lang siya ni Carol kaya natawa kaming tatlo bago umupo. May mga nagkalat na ng baso sa lamesa kaya sa tingin ko ay naka-inom na itong dalawang ito.
Iniabot sa'kin ni Adam ang tequila kaya naman tinungga ko ito. Napapikit ako nang dumaan ang init nito sa lalamunan ko hanggan tiyan. Inabutan pa ako ni Adam kaya tinungga ko rin ito agad.
"Sarap!" sigaw ko nang nakatatlong beses na. Natawa na lang kami ni Adam sa sinabi ko. "Hoy, babae! Ikaw ha kararating mo lang!" nabaling ang tingin ko kay Lervin na nakaduroang daliri nito sa'kin na kararating lang sa puwesto namin.
Dumapo ang tingin nito kay Carol na nakatingin ng masama sa kanya. Pinagmasdan nito ang damit na suot ni Carol. "I-ikaw! Bakit ganyan ang damit mo?!" puna nito sa suot ni Carol. Carol's wearing a white spaghetti strap cropped top and black mini skirt. Kaya halos lumuwa ang mga mata ni Lervin sa suot nito.
Maarteng hinawi ni Carol ang kinulot nitong buhok at mapang-akit na tinignan si Lervin na ngayon ay nakaawang na ang labi. Ilang segundo lang ay ngumisi si Lervin kay Carol kaya naman nawala ang ngiti nito sa labi niya.
"What?!" inis na tanong ni Carol.
"Ang ganda mo," seryosong sabi ni Lervin. Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Lervin dahil namula ang mukha ni Carol.
Iniabot ko ang beer na inorder ni Adam kani-kanina lang at iniinom ito. Muntik na akong masamid nang makita si Sir Damien sa second floor na nakatingin sa puwesto namin.
What is he doing here?!
He's leaning on railings, wearing a black shirt, Rolex watch on his wrist, and a glass of whiskey in his hands. Nagtama ang mga mata namin at naramdaman ko na lang na parang tumahimik ang paligid.
"S-sir Damien!" nabanggit ko dahil bigla akong siniko ni Carol na nasa tabi ko. Nilingon ko si Carol na nanlalaki ang mga mata. "What?" takang tanong ko.
"Do you have a crush on Sir Damien?!" tili nito.
"H-ha?"
"Nasabi ni Carol na may nagugustuhan ka na raw kaya tinatanong ka niya kung sino tapos nabanggit mo si Sir Damien!" may mapang-asar na ngiti sa labi ni Shrielle.
"Dalaga na ang baby Ella namin!"

BINABASA MO ANG
The Freedom Desired
RomansaAella Rai Delcour was comatose for eight years. She was 21 years old when the incident happened. Aella woke up and lost her memories. Her family told her that she was in good condition before the accident happen. She had wealth, a perfect family, wo...