Chapter 30

21 2 0
                                    

Chapter 30

I'm lucky... I'm lucky to say that from the beginning, I have my freedom. I've never lost it. I had a complete family, wealth, good life, good friends.

And now... I have my own family with the man I love.

I sighed and savored the breeze in the garden of our house. Ang basang damo na inaapakan ko, mga dahon na nagkalat dahil sa malakas na ulan at ang basang lupa ay naamoy ko. Ang kulay kahel na langit ay unti-unti ng nagiging asul at lumilitaw na rin ang sinag ng araw bilang isang umaga. Ang mga huni ng ibon ay napakasarap pakinggan.

Suminghap ulit ako at tumingin sa langit bago pumikit. Bumanggit ako ng mahinang panalangin bilang pasasalamat sa panibagong araw na makakasama ko pa ang mga mahal ko sa buhay.

"Mama?" nagmulat ako ng mata at lumingon sa glass double door na papunta dito sa garden. Nakita ko si Zeus na bagong gising sa bungad ng pintuan. Nakasuot pa rin ito ng pajama niya, napansin ko rin na suot din nito ang slippers niya.

Naglakad ako palapit sa kanya upang lapitan siya. Nakatingin lang ito sa'kin habang papalapit ang sa kanya. Nang makarating na ako sa harap niya ay sinikop ko ang manggas ng white sleepwear dress na suot ko para hindi sumayad sa sahig bago umupo sa harap niya.

"Good morning, honey... how is my baby boy feeling this morning?" inayos ko ang buhok nito dahil humaharang sa mga mata niya.

"I dreamed about grandma and grandpa. I asked them where they are and told them Rine and I miss them," tumango ako sa kinukwento nito habang matiim na nakikinig sa kanya. "And they said listen to daddy and mommy so we can already see them."

Ngumiti lang ako, hindi alam ang sasabihin. Buti na lang ay nagsalita ito. "How is your sleep, mama? Ang aga-aga niyo pong nagising."

Kinurot ko ang pisngi nito kaya naman pilit niyang iniiwas kahit na nahihila pa rin ito. "I've slepth soundly. How did you know I am here? Did you go to our room?" tinanggal ko na ang pagkakakurot sa pisngi nito kaya napahawak naman siya dito at hinimas-himas.

"I just peeked."

"May excited..." pang-aasar ko. May sumilay naman na ngiti sa labi nito.

Pinangako kase namin ni Damien na pupunta kami ng Palawan upang mag-bonding at makapag-relax na rin. Nag-leave kami ni Damien ng one week at pina-excuse naman namin ang mga bata sa klase nila.

Gusto raw kase ng mga bata sa Palawan dahil maganda ang beach don kaya napag-desisyunan namin ni Damien na pumunta roon. Mamayang alas otso kami aalis at sa tingin ko ay mag-aalas sais pa lang ng umaga o alas sais na. Bago kase ako lumabas sa kuwarto namin ni Damien ay mga nasa alas singko y medya pa lang.

"What do you want for breakfast? I'll cook."

Naglikot naman ang mga mata nito, nagsisimula ng mag-isip. "Just fried rice and sunny-side up egg..."

Napataas pa ako ng kilay nang hindi pa ito tapos sa sasahin. "... and avocado shake."

"Okay! But before that, where is my morning kiss?" ngumuso ako kaya naman lumapit siya at hinalikan ako sa labi. Ngumisi naman ako. "Good boy!" ngumiwi naman ito kaya natawa na lang ako.

Tumayo na ako at hinawakan ang kamay niya bago pumunta ng sabay sa kitchen. Wala sila Aira at Dexton para maghanda ng kakainin naming dahil piauwi ko sila para makapag-ayos ng mga gamit dahil sasama sila sa amin.

I'm not good at cooking, but I can still learn. Patapos na ako nang napalingon ako sa dinning table namin. Nasilip ko lang na binati ni Damien si Zeus at bumalik ko rin ang tingin sa niluluto pancake. Naramdaman ko na lang ang presensiya nito sa likod kaya agad kong sinaka ang tapos na pancake bago lumingon.

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon