Chapter 10
Two weeks na ang lumipas at hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang naabutan. Naging busy ang bawat isa sa'min dahil malapit na ang parating na midterms. Kapag oras na ng lecture niya ay umaakto lang ako na parang walang nangyari. Hindi na rin niya ako kinausap... at hindi naman ako nag-eexpect na kakausapin niya pa ako tungkol doon.
At ang issue naman na may gusto ako kay Sir Damien ay humupa na dahil normal lang naman daw na magka-gusto kay Sir. Kaya lang naging big deal dahil hindi ako kailanman umamin na may natitipuhan akong lalaki.
Kinausap din ako ng parent ko na mag-tratrabaho na ako sa company nila. Pumayag ako para mamulat na rin sa mundo ng mga business. Pagkatapos ng midterm namin ay magsisimula na akong magtrabaho.
I'm old enough to take care of myself. Kaya gusto ko na rin magtrabaho para sa sarili ko. Ayaw kong umaasa ako sa mga magulang ko na busy sa pagtratrabaho at pagtatago sa'kin.
"So, you mean hindi ka dito magtatapos ng college?" tanong ni Carol kay Rhianne.
At first, we were surprised by Rhianne's sudden news that she's leaving the country. Hindi kami maka-kalma sa sinabi nito dahil siya rin ay nabigla sa desisyon ng kanyang magulang.
"Yeah, may pinapa-manage rin sila mama at papa ro'n."
"Diba ang kuya mo na ang naghahandle ng business niyo ro'n? Bakit biglaan?"
"Hindi ka ba nasasakal sa parents mo, Rhianne?" nabaling ang tingin namin kay Lervin na kanina pa nakikinig sa usapan namin. Nasa coffee shop kami upang mag-review at saktong may sasabihin naman si Rhianne.
"Can you stay?" tanong ko at nakapalupot ang braso ko sa braso nito. Tinignan niya ako ng may lungkot sa mata at umiling.
"You know I can't, right?"
"Nalulugi na ba ang negosyong hawak ng kuya mo kaya ka pinapapunta ro'n?" nakakunot ang noong tanong ni Shrielle.
Handa na sana sumagot si Rhianne nang nagpatuloy pa si Shrielle sa sinasabi nito. "O baka nabobobo na siya sa sobrang talino niya?... Alam mo, Yan? Sabihin mo nga sa kanya na nakaka-bobo rin ang pagiging sobrang talino! Angkinin niya na lahat para mas lalo siyang ma-bobo!" inis na sabi ni Shrielle.
"Hindi halatang galit na galit ka sa ex mo," asar ni Lervin. Inirapan lang siya ni Shrielle. "Ex crush kamo!" pagtatama nito.
Napabuntonghininga na lang ako. Iniisip ko pa lang na aalis siya parang ang lungkot. Pagnahiwalay ang isa sa'min ay parang magkakawatak-watak na kami kaya ayaw ko rin na umalis siya. At isa pa, naging malapit ako sa kanya, hindi lang dahil na parehas kami ng kurso. Dahil nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay.
Malungkot na nagpatuloy kami sa dapat naming gagawin. Pilit na pinasigla ni Rhianne ang sitwasyon pero hindi pa rin maaalis ang pagkalungkot namin. Kaya hanggang sa huli ay nakapalupot ang braso ko sa braso nito.
"You're being clingy, Ella," puna ni Carol. Napanguso na lang ako sa pagpuna nito sa'kin. "Hindi pa naman siya aalis. Pagtapos pa lang ng midterm."
"Kahit na. Malapit na rin 'yon."
Sinundo kami ng driver namin at ang iba kagaya ni Lervin ay may sarili ng kotse kaya hinatid na lang niya si Carol sa bahay nila. Nauna na akong nakaalis at naiwan pa si Rhianne dahil may kikitain daw siya. Maraming kaibigan si Rhianne kaya baka magpaalam din siya sa iba.
BINABASA MO ANG
The Freedom Desired
Roman d'amourAella Rai Delcour was comatose for eight years. She was 21 years old when the incident happened. Aella woke up and lost her memories. Her family told her that she was in good condition before the accident happen. She had wealth, a perfect family, wo...
