Chapter 18

10 2 3
                                    

Chapter 18

May mga bagay na kailangan ay maghintay kahit na napakatagal man nito I can say that I am not a person who has long patience, so I thought everything was easy. Life is like a seesaw, when you are on the ground, you get excited to go to the top, but when you are already on the top, you will still return to the bottom.

Paulit-ulit lang.

Sineryoso nga ni Damien ang pagliligaw niya sa'kin. After our classes we go on date. At minsan naman nagugulat na lang ako dahil nagpapadala siya ng bulaklak sa kalagitnaan ng klase kaya naman todo pang-aasar ang mga kaklase ko at mukhang naiinis naman ang mga Professor ko. Hindi ko nga alam kung pwede ba iyon eh. Pero sinabi ko naman kay Damien na tigilan niya iyon at buti naman nakinig.

Sinabi ko rin sa mga kaibigan ko at siyempre ang unang naka alam ay si Carol dahil siya ang unang naging supporter sa relasyon namin. Hindi naman magkandauga si Shrielle nang malaman niya iyon at nag-aya pang mag-pa-party raw ako. Parang tanga.

Si Adam ay seryoso sa pag-aaral pero nababalitaan ko kay Shrielle na may dinidate raw ito na taga ibang university kaya naman halos hindi namin siya makasama pero lagi naman siyang game sa mga yayaan, minsan na nga lang dahil busy. Si Shrielle naman ay ganon din ay seryoso sa pag-aaral. Napansin ko nga ay hindi na ito masyadong lumalapit sa mga lalaki baka dahil na rin sa pag-aaral niya. Sila Lervin at Carol naman ay going strong ang relasyon. At si Rhianne... wala na kaming masyadong balita pero ang nalaman naming kay Shrielle ay busy lang daw ito sa pag-aaral at paghawak ng negosyo ng pamilya niya.

Third year college ako nung sinagot ko si Damien. Bago ko nga ito sinagot ay nagkaroon ng issue sa'min. Kaya halos hindi kami magkita ng ilang araw dahil sa kalat na iyon. At ang sabi ni Damien ay nilipat daw siya ng department kaya hindi na siya nakakapunta sa building namin at hindi kami nakakapagkita. Naiinis ako dahil kumakalat na inakit ko raw si Damien para ipasa niya ako at hindi na raw sila magtataka kung maka-graduate nga ako. Muntik na akong bumagsak sa isang major dahil na rin sa stress na ibinigay nila kaya napag-desisyunan ni Damien na umalis at bumalik na sa company niya. Sakto namang kailangan na nga siya ng company niya kaya umalis na rin siya sa kung saan ako nag-aaral.

Nalaman din ng magulang ko iyon at sa una ay hindi pabor sa relasyon namin pero parang pumuti ang uwak dahil isang araw ay pinag-uusapan na nila ang future namin ni Damien. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nila.

Nakapag-graduate ako sa kursong kinuha ko. At sa araw mismo ng graduation ko ay inaya akong magpakasal ni Damien. Alam kong mabilis pero para sa'min ayaw na naming pang pakawalan ang isa't isa. We've been trough kaya alam kong kakayanin din namin ang susunod pang mangyayari.

Hindi ibig sabihin na nagpakasal na kayo ay happy ending na. Ang buhay naming mag-asawa ay hindi naging madali. Sumubok sa mga pagsubok at ang hindi inaasahang pangyayari sa buhay namin ay nangyari. Hindi ko alam kung nagsisi ba ako na tinanggap ko ang alok niya na magpakasal kami dahil nalaman ko na I'm just his mission that he needed to protect. I was hurt... pinagdudahan ko ang pagmamahal niya sa'kin. Kinuwestyon ko ang pagmamahal niya sa'kin.

Parang trinaydor ako ng mga nakapaligid sa'kin. Ang pamilya ko, si Damien at ang kaibigan kong si Rhianne na simula pa lang pala sa una ay alam niya na prinoprotektahan ako ni Damien. 

That's what happened before I fell into comatose for eight years. Ang alam ko ay may tumama na bala sa ulo ko at naubusan din ako ng dugo dahil sa tinamo ko galing sa nang baril sa'kin. Himala pa nga na nabuhay pa ako.


Now, I remember everything...

I've been avoiding Damien for a few days when I started to remember everything. Wala pang nakakaalam na nakakaalala na ako. At wala pa akong balak na sabihin na ito sa kanila.

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon