Chapter 12
Naka-sakay na kami sa sasakyan niya. Hindi ko na masyadong tinuunan ng pansin ang detalye ng sasakyan na gamit nito. Naka sandal ang ulo ko sa headrest ng passenger seat nito, naka pikit ang mata.
Napakunot ako ng noo nang hindi pa rin niya ito pinapaandar.
"Seatbelt, Aella," napa mulat ako ng mata sa tinawag niya sa'kin. Ang sarap pa lang pakinggan ang pangalan ko kapag siya ang magbabanggit.
"Huh?"
"Seatbelt," naka tingin na ito sa'kin. Hindi ko alam kung galit ba ito dahil sa ipinapakitang emosyon sa mga mata nito.
"What?"
Tumatalim na ang mga mata nitong naka tingin sa'kin pero matapang ko itong hinarap kaya siya rin ang umiwas ang tingin.
Pumikit ulit ako at sumandal sa backrest. "I don't know how..." napa kagat na lang ako ng labi para pigilan ang sarili na ngumisi. Narinig ko naman itong bumuntong hininga.
Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang paglapit nito. Nagmulat ako ng mata at nakita ang lapit nitong mukha. "Do you mind if I steal a kiss?" I asked. Bumaba ang tingin ko sa labi nito na naka awang na.
Pinalibot ko ang braso ko sa batok nito kaya mas lalong napalapit ang mukha nito. Ang mga mata nito ay punong-puno ng emosyon. Hindi alam kung ano ang gagawin. "Hmmm? Can I steal a kiss from you?"
Ipinikit ko na ang mata ko at unti-unting nilapat ang labi sa labi nito. Napaka lambot! Hindi ko na alam kung ano na ang naramdaman ko basta feeling ko ay lumulutang ako.
At hanggang ngayon ay nahihiya pa rin akong harapin si Sir Damien! Nakakahiya talaga! Hindi ko alam paano siya haharapin. Pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako iinom o kaya naman magpaka-lasing.
Ilang buwan na rin ang lumipas at nagtaka na lang ako ay hindi na nakikita si Sir Damien sa university namin. Nung una akala ko mga ilang araw lang pero lumipas na ang buwan ay wala pa rin ito. May nag sub teacher lang sa major niya.
Umalis na rin pala si Rhianne. Nagkakamustahan na lang kami gamit ang social media. Nag-start na rin akong magtrabaho sa company ng magulang ko. Sa una ay nagmamasid lang ako pero kalaunan ay binigyan na ako ng trabaho. Mag-aaral ako sa umaga at pagdating ng two o'clock ay tapos ng klase naming kaya uuwi muna ako sa'min para magpalit ng damit.
Three in the afternoon to five I'm working. I work three days, Friday, Saturday and Sunday. I've been busy for the past few days. Ganon din ang mga kaibigan ko. Naghahanap na rin sila ng papasukan nila para may kaunting karanasan bago mag-graduate.
Nagdaan na rin ang Christmas at New Year. Wala namang pinagbago dahil sa bahay pa rin kami nag-cecelebrate. Hindi ko lang maiwasan isipin ang narinig kong usapan nila mommy at daddy bago mag bagong taon no'n.
"They were silent for several months, Anton," dinig kong nag-aalalang sabi ni mommy. "Nag-aalala na ako dahil baka isang araw bigla na lang silang umatake!"
"Calm down, hon'. Walang mangyayari at pina-higpitan ko na ang pagbabantay."
"Kailan ba darating ang personal bodyguard ni Aella? Ilang months na siyang wala..."
"Hindi ko pa nakukuha ang sagot na kailangan ko, Aki, kaya hindi pa siya makakauwi. Pero malapit na..."
Umalis na ako at pumasok na lang sa kuwarto ko. Napansin ko rin iyong paghigpit ng seguridad ng bahay. At kapag umaalis naman ako ramdam ko na may mga bodyguards talaga ako sa paligid hindi gaya ng dati na parang wala lang. Hindi rin ako masyadong pinapayagan na lumabas.
BINABASA MO ANG
The Freedom Desired
RomanceAella Rai Delcour was comatose for eight years. She was 21 years old when the incident happened. Aella woke up and lost her memories. Her family told her that she was in good condition before the accident happen. She had wealth, a perfect family, wo...
