Chapter 24
Sa kalagitnaan ng pagttrabaho namin tumawag sa'kin si Daddy. May pag-uusapan daw kaming importante. At saktong may sasabihin din ako sa kanila dahil hindi ko pa nasasabi na alam ko na ang lahat. Na naaalala ko na at alam ko na may mga anak ako. Naka-set ng dinner ang usapan namin sa bahay ng mga magulang ko.
Ngayon ay hiniram ko ang cellphone ni Damien dahil sinabi nito na may album sila Zephyrine at Zephyrus sa cellphone nito. Pinapanood ko ngayon ay ang pag-video ni Damien kay Rine na pilit na pinagsasalitang 'Daddy'.
"Zephyrine, say daddy," malambing ang boses nito. Nakatutok kay Rine ang camera. Nasa crib ito at nakikita ko rin sa gilid ang mahimbing na tulog ni Zeus.
"Da-ddy, say daddy, Rine," narinig ko ang tawa ni Damien sa likod ng camera nang sinubukan ni Rine na hawakin ang cellphone nito. Sa tingin ko ay ilang buwan pa lang ang mga ito.
"You can't sleep, huh?" sa sumunod na nangyari ay naging magulo at parang nag-pinause nito ang pagkuha ng video pero ilang segundo lang ay inilapag nito ang cellphone kung saan kita na sila ng buo.
Nag-init ang gilid ng mga mata ko nang makita si Damien na nakasuot pa rin ng pang-opisinang damit at nirolyo nito ang manggas hanggang siko. Yumuko ito kay Rine na nakatingin lang sa Daddy nito. Nakita ko kung paano pinadulas ni Damien ang index finger nito sa bridge ng ilong ni Rine bago maingat na kinarga.
Isinandal ni Rine ang ulo niya sa balikat ni Damien at si Damien naman ay hinahaplos-haplos ang likod nito habang sinasayaw si Rine. Ilang segundo lang ay luamapit si Damien sa camera at pinatay na ito.
Pumindot pa ako ng isa pang video. Nagsimula ang video ay naglalakad si Damien sa pasilyo at huminto ito sa isang pamilyar na pinto. Binuksan nito ang pinto at nakita ko kung paano silang sabay na lumingon sa pinto nang bumukas ito.
Busy sila sa paglalaro ng mga laruan pero iniwan nila ito at patakbong lumapit sa daddy nito. "Da-da!" natawa ako sa pagkakabigkas ni Zeus sa pagtawag na daddy kay Damien. Ang mga bata ay naglalakad na at malaki na ng kaunti kaysa sa mga naunang mga video. Ilang segundo lang ang video dahil sa tingin ko ay nagpakarga ang dalawa kaya tinigil na nito ang video.
Pipindot pa sana ako ng panibago nang mag-ring ang cellphone nito. 'My Baby Zephyrine is calling'
Sinagot ko at inilagay sa tainga ko. "Daddy! Where's mommy? I want to talk to her." Ang matinis na boses ni Rine ang bumungad. Napatingin ako sa orasan sa opisina ni Damien at nakitang mag-lunch na.
"Yes, baby. What's the matter?" nakita ko na bumaling si Damien sa'kin pero hindi ko ito pinansin.
"Hi, mommy! I miss you. What are you doing?"
Napatingin ako sa lamesa ko na may mga paperworks. "Working, baby. Ikaw? Napatawag ka? Is something wrong?" I asked.
"No, mama," narinig kong boses ni Zeus. "Do we only get to call you when something is wrong?" napangiti ako sa boses nito na may pagtatampo.
"No. It's not that," I laughed softly. "May sasabihin pa ba kayo?"
"Susunduin niyo kami ni daddy, mommy?"
"Yes, yes, of course. Pupunta tayo sa bahay ni grandma and grandpa."
"Okay, mommy! Bye! I love you. Say my I love you to daddy!"
"I love you both, sweetie..." hinintay ko na patayin nila ang call bago napagdesisyunan na bumalik na sa trabaho. Tumayo ako at ibinalik kay Damien ang cellphone nito. "I love you raw sabi ng mga anak mo."
Tumingin ito sa'kin at tumango. "By the way, your cousins are alive," napasinghap ako sa sinabi nito. "It's just a fake news..." nanghihinang napakapit ako sa unang nahawakan ko dahil napagaan nito ang loob ko. Bumakas naman ang pag-aalala sa mukha ni Damien. "I'm just relieved."
BINABASA MO ANG
The Freedom Desired
RomanceAella Rai Delcour was comatose for eight years. She was 21 years old when the incident happened. Aella woke up and lost her memories. Her family told her that she was in good condition before the accident happen. She had wealth, a perfect family, wo...
