Chapter 6
"The judges are looking for her," panimula ni Ezekiel. Nandito na kami sa opisina ni Daddy para pag-usapan ang mga kailangan. Nakaupo sila mommy, daddy at Ezekiel sa L-shaped sofa. Si Damien ay nakaupo sa single sofa ako naman ay nasa gilid nakatayo sa tabi nito.
Napailing-iling na lang ako sa naalala dahil hindi niya ako hinayaang makalayo sa kanya. Kaya lumapit man lang kila mommy ay hindi ko magawa dahil pinipigilan niya ako.
Nagamot na ang mga sugat ni Daddy, ginamot siya ni Aira bago kami magsimulang mag meeting. Ang mga tauhan ni Damien ay naiwan sa living area para linisin ang mga kalat.
Itong si Ezekiel pala matagal-tagal na akong hinahanap. Hindi ko naman alam kung bakit. Kanina pa nga ako naguguluhan sa mga pinag-uusapan nila.
6th Princess? Me? Tapos King? Ano 'to? Kalokohan!
"Pinahanap na kayo sa'kin ng hari bago pa kumilos ang mga hukom."
"Give us time, Ezekiel, kakagising lang ni Aella galing sa walong taong comatose," paliwanag ni mommy.
"The coronation was performed without the sixth princess so now the judges are looking for her. Natunugan na rin ang mga kalaban na nandito ang prinsesa kaya umatake na sila dito. Kung hindi ako dumating at ang mga tauhan ni Damien ay maaring mangyari ulit ang nangyari makalipas ang walong taon. At mapahamak ang anak niyo," malamig na sabi ni Ezekiel.
"Paano mo nalaman ang nangyari noon?!" sigaw ni mommy. Pinilit naman siyang kinalma ni daddy.
"Even if she got married, she could not run away from being a princess."
Napahawak ako sa bigla sa braso ni Damien nang biglang sumigid ang sakit sa ulo ko. "You okay?" nag-aalalang tanong ni Damien.
Nakuha na rin namin ang atensyon ng parents ko at ni Ezekiel. "'Nak, your nose is bleeding!" sigaw ni mommy. Napahawak ako sa ilong ko at nakitang may dugo nga.
"I'm fine—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang nandilim na ang paningin ko.
"What are you doing here?!" dinig kong pasigaw na bulong ni Damien.
"What? I used to be here," rinig kong boses ng isang babae.
Natigilan ako sa narinig. Nasa loob ako ng kuwarto nakatapis ang hubad kong katawan sa makapal na kumot. At nasa pinto dahil hahanapin ko sana sa labas si Damien dahil wala ito sa tabi ko nang magising ako pero napatigil din nang may marinig na mayroon itong kausap. Katatapos lang namin pag-saluhan ang init ng katawan namin ni Damien. Kagagaling lang namin sa trabaho bago masayang umuwi sa aming bahay.
"Atsaka ang misyon mo ay protektahan siya diba? Bakit kailangan pakasalan pa siya?" tuloy ng kausap nitong babae.
"Umalis ka na rito!" mariing sabi ni Damien.
"I'm your girlfriend, Damien, tapos ginawa mo lang akong kabit? Hindi ko akalain na ako pa ang magiging kabit! Hindi ko alam na kailangan mo pa siyang pakasalan para lang ma-protektahan mo siya."
Napahawak ako sa bibig ko sa sinabi nito. Hindi ko namalayan na tumutulo na rin ang mga luha ko. Ibig sabihin isa siya sa pinadala para protektahan ako? Sino?! At simula una alam niya na na isa ako sa prinsesa?
"Pumasok ka rin sa University niya para maging isang professor para lang ma-protektahan siya. Don't forget your position, Damien. You are nobody. You are just here to protect her."
"Alam mo na ang sagot sa tanong mo," huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. "Pinakiusapan ako ng parents ni Aella na pakasalan ko siya para mapalitan ang apelyido nito. Para na rin hindi siya makilala ng mga humahanap sa kanya," nanikip ang dibdib ko sa nalaman. Paano nila nagawa 'to sa'kin?

BINABASA MO ANG
The Freedom Desired
RomansAella Rai Delcour was comatose for eight years. She was 21 years old when the incident happened. Aella woke up and lost her memories. Her family told her that she was in good condition before the accident happen. She had wealth, a perfect family, wo...