Chapter 16

10 2 2
                                        

Chapter 16

I didn't curse him. I just have a lot of confidence in myself that he will like me more than I like him...

After that conversation. I've been busy with our upcoming finals. Nalulungkot ako dahil sila Carol at Lervin ay hindi pa rin nagkaka-ayos hanggang ngayon. It's been a what? A month since they didn't talk to each other. I missed our bonding. I miss them.

"What happened ba, Carol?" nag-overnight ako kila Carol ng isang gabi. She's not just my friend, but she's like a sister to me, a family. Nakahiga kami ngayon sa kama niya at nag-uusap kaya naman nang nagkaroon ng pagkakataon na ipasok ang usapan na iyon ay agad ko na itong tinanong.

"What do you mean?" nagmamaang-maangan niyang tanong.

"Sa inyo ni Lervin? Nag-aalala na ako, hindi lang ako pati rin sila Adam at Shrielle."

Bumuntong hininga ito bago nagsalita kaya naman hinanda ko ang mga tainga ko upang makinig. "It's my fault, Aella," panimula nito. "Ayaw ko pang pumasok sa isang relasyon dahil mataas ang tingin ko sa sarili ko. Sa tingin ko kapag pumasok ako sa isang relasyon, masisira lahat ng ginawa ko. Dahil marami akong nakikitang nasisira dahil sa pag-ibig na 'yan, na hindi na kayang tumayo kapag nasaktan."

"Do you love him?"

Suminghot ito at alam kong umiiyak na ito. "Y-yes, I love him, Aella. But I think I will hurt him. Hindi man ngayon pero sa pagkakataon na darating na iyon, hindi ko kakayanin," natahimik ito ng ilang segundo bago muling nagsalita. "Pero nasaktan ko na siya. Hindi ko kailanman ipinakita na nakapasok na siya sa puso ko pero hindi niya alam hawak niya na ito," tumawa ito ng pagak sa huli nitong sinabi.

"I want to ask you, Carolina."

"Hmmm?"

"Kaya mo bang makita siyang may kasamang iba?" natahimik ito sa tanong ko. "This is a realtalk, Carol, kaya makinig ka sa'kin. 'Wag mong ipasok sa utak mo na ikaw lang. Ikaw lang ang mamahalin niya habang buhay, na wala ng makakapalit sa'yo sa kanya. Sabihin na natin na sobra ang pagmamahal niya sa'yo pero darating ang araw na makahanap siya ng iba, alam ko na mas mamahalin niya 'to kaysa sa'yo. And he learned from you."

Hindi na ito nakapagsalita. Ilang minuto bago ito muling magsalita kaya akala ko nakatulog na ito.

"What should I do?"

"It's on you. Pinalinaw ko lang ang isip mo. H'wag mong isipin ang future, isipin mo ang ngayon."

Umupo ito bigla sa pagkakahiga kaya napa-upo rin ako dahil sa gulat. "Where are you going?" tanong ko nang tumayo ito at kumuha ng cardigan sa closet nito at sinuot. Naka suot kase ito ng nightgown silk na cream, may pagkahubadera rin kase itong babaeng 'to.

"Pupuntahan ko siya."

"Huh? Pero oras na ng gabi! Alam mo ba kung nasa'n siya?"

"Hindi ko alam. Pero pupuntahan ko siya," naguguluhan man ay tumayo rin ako.

"Sasama ako! Jusmeyo! Hindi kita pwedeng pabayaan."

"Let's go," aya nito. Hindi na ako nag-ayos pa dahil naka terno pajama naman ako kaya okay na ako. Kinuha ni Carol ang susi niya at lumabas na, na hindi man lang ako hinihintay. Nagdala ako ng cellphone kung sakaling kailangan bago patakbong lumabas.

Madilim na ang gabi kaya hindi na ako nagtaka nang biglang bumukas ang mga ilaw sa loob ng bahay nila Carol nung naka alis na kami.

"Tatawagan ko si Lervin," tumango-tango ito habang kagat kagat ang labi na nakataingin din sa harap. Hindi na gan'n ka-traffic kaya maaliwalas ang daan.

Tinawagan ko si Lervin at ilang ring bago rin nito nasagot. "Hello, siguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo! Sinira mo ang tulog ko!"

"Hey, it's me..."

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon