Chapter 7
"Hey, Aella!" napatingin ako kay Rhianne nang tinawag niya ako. Our first class will start at 8AM. 7:40AM pa naman kaya nagbabasa basa muna ako tungkol sa marketing.
"What?"
"Meron tayong bagong professor!" excited nitong sabi. "He's handsome and hot! Oh my gash!" tuloy pa nito. Napailing-iling na lang ako at binalik ang tingin sa binabasang libro.
"Terror?" nakangiwi kong tanong. Mapapasabak buong klase pag terror. Nagkibit balikat lang ito ng balikat at umupo sa tabi ko. Nilabas niya ang iPad niya at dumukdok na ron.
"What major?" habang nakatingin pa rin sa binabasang libro.
"Hmm... Finance," sagot nito. Tumango na lang ako at itinuon na ang tingin sa binabasa.
Ilang minuto lang ay nagsimula na ang first class namin. Accounting. Kasisimula pa lang sumakit na ang ulo namin dahil dito. Seryosong nakikinig ang lahat sa professor na nagsasalita sa aming harap dahil isa ito sa pinakamahirap na subject.
9 AM class ends, and I accustomed to rewrite my notes so I'll study later. Sa natitirang minuto ay maingay ang lahat dahil break time. Siyempre pagkatapos mong humarap sa madugong laban kailangang ma-rest yung utak mo! Dahil ang susunod na major ay Finance!
Nakayuko ako at busy sa pagsusulat nang tumahimik ang lahat. Napatingin ako sa relo ko sa palapulsuhan ko at nakitang 10AM na. Our second class will start.
"Hello class," napaangat ako ng tingin nang biglang may nag-salita sa harap. Ahh, yung bago. Isinara ko na ang notebook na sinusulatan ko at ang libro na kanina ay ginamit. "My name is Damien Luan Rousseau. I'm your new prof in this major. I was reading through the syllabus and found myself wondering exactly what you will be looking for with regard to the discussion posts. I am looking forward to the class," pinalibot nito ang tingin at nang dumapo ang tingin nito sa'kin ay parang kinapos ako ng hangin.
"Do you have any questions before I proceed?" inalis nito ang tingin sa'kin. May mga nagtaas ng mga kamay upang magtanong.
"What is your related to Rousseau Enterprise?"
"I owned the company," banayad nitong sagot. Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. He's wearing white long sleeves, black fitted slacks, and pair of black shoes.
"Oh my gad! Kaharap natin ang isa sa mga may ari ng mga building na dinadaanan natin!" rinig kong bulong nila.
"Ang alam ko may bago pa siyang ipinapatayong kompanya!"
"Why did you come here as our professor? You are successful," isa sa kaklase ko.
"I want to share my knowledge," hindi ko alam kung nayabangan ako sa sinabi nito or what? napahinga na lang ako ng malalim. Tumingin ako sa labas ng bintana upang doon ituon ang pansin. Patuloy na nagtanong ang iba at hindi ko na ito pinansin dahil alam kong nagpapasipsip lang sila.
"How old are you, Sir?" napalingon ako kay Rhianne nang magtanong ito. Tinignan ko si Sir na dumapo ang tingin nito kay Rhianne na ngayon ay nakataas ang kamay.
"Twenty-three years old," ngumisi si Rhianne sa sagot nito. "Do you have a girlfriend?" natahimik ang lahat sa tanong nito.
"Rhianne, that's too personal," bulong ko.
Ngumiti si Sir Damien sa'min bago sumagot. "I don't have. Okay, class let's start!"
Nagsimula ang klase. Nagtanong ito tungkol sa mga pinag-aralan namin noong nakaraang araw. Nagbalik aral lang kami sa lessons namin sa corporate finance. Nagdagdag din siya ng mga kaalaman niya sa Socratic questions and answer approach.
![](https://img.wattpad.com/cover/265018392-288-k46628.jpg)
BINABASA MO ANG
The Freedom Desired
RomansaAella Rai Delcour was comatose for eight years. She was 21 years old when the incident happened. Aella woke up and lost her memories. Her family told her that she was in good condition before the accident happen. She had wealth, a perfect family, wo...