Chapter 26
Nagpasalamat si Constancia bago ito mabilis na umalis. Hindi ko na ito nahanap pa kaya umupo na lang sa tanggapan ng palasyong ito at hinintay na matapos ang meeting nila Damien.
Nilalapitan ako ng mga kasambahay para sabihin na mayroon silang hinandang kuwarto para sa'kin upang magpahinga pero tinanggihan ko ito at naupo na lang sa sofa.
Sa pag-iisip ko sa sitwasyon ko at ng sitwasyon ni Constancia. Hindi ko maikukumpara ang sakit na dinaranas namin dahil may kanya-kanyang tayong kahinaan.
But... I believe in Him. Alam ko na mas maganda ang ibibigay nito sa buhay ko at sa buhay ng iba kung hindi natin makuha ang gusto natin.
Napaangat ako ng tingin nang may umupo sa harap ko. Pamilyar ang mukha nito pero hindi ko maalala kung sino.
Malawak ang ngiti nito sa'kin at para bang nasisiyahan na makita ako. Ang kulay nitong black na buhok na sakto lang ang haba ay nakakapagbigay sa'kin ng pamilyar. Nakasuot ito ng skinny white pants, white top turtle neck na pinatungan ng coat. Nakasuot din ito ng boots na hanggang ibaba ng tuhod.
"Aella, right?" tumango ako at pinagmamasdan pa rin siya. Natawa ito dahil sa titig ko sa kanya.
"I'm sorry..." I hissed. "You are just familiar..."
Ngumiti ito. "Xyrhylyn your fourth cousin."
Fourth cousin? Fourth princess?
Nanlalaki ang matang tumitig ako rito ng maalala. "Xy! Oh my god..." nasapo ko ang bibig ko dahil sa hindi makapaniwalang nasa harap ko ang matalik kong pinsan!
"Oh my... I've missed you!"
"How are you, my dear cousin?" napalawak ang ngiti ko sa tinawag nito sa'kin. Arggg! I really missed her!
"I'm doing good. You? How are you? How about the others?" pinalibot ko ang tingin sa paligid namin. "How was your sister? Morticia?" sunod-sunod kong tanong.
Nawala ang totoo nitong ngiti at masasabi kong may problema dahil hindi na umabot pa hanggang sa mga mata niya ang ngiti. "I'm fine... the others are busy with their shopping for King's birthday."
Huminga ito ng malalim para bang malalim ang dinadala nito. "My sister... is missing. I don't know if she's dead or just missing."
"W-what happened?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"She has a photoshoot in France, she was missing when her photo shoot started. We don't have any news about her. We tried to ask her friend but they said..." umiling ito bilang pagpapatuloy sa sinasabi.
"What? Have you tried asking grandpa's help? What about your parents? Did they already investigate it?"
"They didn't care..." napatanga na lang ako sa sinagot nito. "Morticia is my half-sister to my father, Aella. She's the second princess that I should be. It's almost three years since she's been missing."
Hinawakan ko ang kamay nito bilang pag-comfort sa kanya. "I hope she's doing fine..." wika nito.
Hindi ko alam na marami na palang nangyari. Sa halos ilang taon ko sa Pilipinas marami talaga akong makakaligtaan na nangyari. Nagsisisi tuloy ako dahil ang mga tao dito sa palasyo ay naghihirap pero ako sa ibang bansa ay ninanamnam ang sarap ng buhay.
Morticia Cinna the second princess. Hindi ko man siya nakasalamuha ng matagal pero naramdaman ko ang pagiging ate nito nung magkakasama pa kami. Alam kong hindi maayos ang turin ng mga magulang niya sa kanya pero hindi ko akalain na anak ito ni Uncle Manuel sa ibang babae.
BINABASA MO ANG
The Freedom Desired
RomantizmAella Rai Delcour was comatose for eight years. She was 21 years old when the incident happened. Aella woke up and lost her memories. Her family told her that she was in good condition before the accident happen. She had wealth, a perfect family, wo...
