Chapter 17

8 2 5
                                        

Chapter 17

Mabilis na ang sumunod na pangyayari sa buhay ko. At ngayong second-year college na ako si Sir Damien pa rin ang professor ko. What a coincidence.

I was hurt when I heard the news that Professor Damien Rousseau and Angelic Ramos are already dating. And, yes, Ma'am Angelic confirmed that they were already dating. But Professor Damien keeps silent on the news.

"Oh my gosh! Bagay talaga sila!" sabi ni Shrielle. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil ang kaibigan kong si Shrielle ang nag sabi sa'min ng balitang iyon.

"Stop it," dumapo ang tingin sa'kin ni Carol kaya naman napahinto si Shrielle sa pagsasalita tungkol kila Sir Damien and Ma'am Angelic.

Nanlalaking mata na tumingin sa'kin si Shrielle. "Don't tell that you still like him?!" umiwas na lang ako ng tingin. "Hindi sila bagay, Ella! Ang tangkad ni Ma'am at si Sir din, kaya hindi sila match para sa isa't isa. Kase ang mas bagay kay Sir Damien mo ay yung kasing liit mo."

Dinapuan ko siya ng masamang tingin at natawa na lang siya sa ginawa ko kaya naman inirapan ko siya. Nasa 5'6 lang ako pero si Sir Damien nasa around 6'1, I think.

Tumingin ako kay Lervin at naka isip ng ideya! Maayos na sila ni Carol at ang alam ko ay sila na. They're doing good naman and I can say that they really love each other at mas lalo pa silang na-i-inlove sa araw-araw na magkasama sila.

"Lervin! Diba na kwento ko sa'yo na parehas lang kayo ng building ni Sir Damien?" naningkit ang mga mata nito sa'kin. "Punta kami sa condo mo! Do'n tayo!"

"Walang pagkain sa condo ko. At magulo kaya h'wag na lang, Aella."

Tumingin naman ako kay Carol at humihingi ng tulong. "Love," napangiti na lang ako nang tinawag ni Carol si Lervin. Alam kong wala itong magagawa kapag si Carol na ang humingi ng pabor.

"Fine," pagsuko ni Lervin. "Pero ako na nagsasabi sa inyo walang pagkain at magulo ro'n."

Lumawak ang ngiti ko kaya naman nabaling ang tingin ko kila Adam at Shrielle na nakikinig lang sa usapan. "Ano sama kayo?"

Napa-iling silang dalawa. "We have a quiz tomorrow. Kayo na lang muna."

Tumango na lang ako. "Alam mo ba kung ano ang condo unit ni Sir Damien?" napahinto ako sa tanong ni Lervin at napa-iling. Nanlulumong napatingin ako sa mga kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Don't worry, Ella! What are friends for?! I have connections. I-send ko na lang mamaya sa'yo," kinidatan pa ako ni Shrielle kaya naman gumaan ang pakiramdam ko. Marami talagang kakilala si Shrielle kaya kampante ako na matutulungan niya ako.

Kaya naman pagpunta namin ni Carol sa condo ni Lervin ay nagdala kami ng makakain at maiinom. I don't have a plan to drink tonight but yeah... Nasend na sa'kin ni Shrielle ang unit ni Sir Damien kaya naman ininom ko ang wine na dinala namin ni Carol. Pang palakas ng loob.


Nasa 13th floor ang unit ni Sir Damien kaya naman bago napagdesisyon na umakyat do'n ay naka inom ako ng kaunti... kaunti lang naman. "Hoy, Aella Ria! Kapag wala ka pa ng ten to twenty-minutes, aakyatin ka na namin," paalala ni Carol kaya tumango-tango lang ako sa sinasabi nito.

Naka harap na ako sa pinto ng unit nito at hindi ko alam kung bakit biglang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Dahil siguro sa naka inom ako.

Kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagbubukas sa'kin kaya naman kumatok ulit ako, nakaramdam ako ng inis kaya kakatok na ulit ng mas malakas nang bigla itong bumukas. Muntik na akong mawala sa balance kaya naman tumuwid ako ng tayo.

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon