Chapter 22

12 2 0
                                        

Chapter 22

"Aella, calm down. Relax."

"I want to meet them, Damien. I want to see them. Please..." pagmamakaawa ko.

"Let's have dinner first before—"

Pinutol ko ang sasabihin nito. "Pero Damien. I want to see them!" tinignan ko ito sa mata para ipakitang seryoso ako sa sinasabi ko.

Huminga ito ng malalim at tumingin sa relo nito bago ibinalik sa'kin ang tingin. "Nasa school pa sila ngayon, Aella. May oras pa para makapaghanda ka."

Hindi na namin namalayan ang oras sa dami kong tanong kung paanong nangyari. Kating-kati na akong malaman kung ano ang pangalan nila. Gusto ko na silang makita.

Pero nandito kami ngayon sa lagi na naming pinagkakainan na resto simula nang magtrabaho na kami. Gabi na at kanina ko pa pinipilit kay Damien na dalhin na ako sa kanila. Naiinis na nga ako dahil parang ayaw ni Damien na magkita kami.

Tahimik na kumakain si Damien ngayon habang ako ay pasulyap-sulyap sa kanya. Huminga ako ng malalim at binitawan ang kubyertos na hawak dahil sa pagtitimpi. "Galit ba sila? I mean, wala ako sa buong buhay nila ng ilang taon."

"They love you, Aella. Gusto ka nilang makita pero..." nagbaba ito ng tingin. "Walang kasiguraduhan kung magigising ka pa ba."

Napatingin naman ako sa pinggan ko na halos hindi ko pa nauubos ang pagkain. "I told them that you are a princess. My princess..." nag-angat ako ng tingin kaya naman nagtama ang mga mata namin. "I need to tell them that you are sick na kailangan tignan ang kalagayan mo dahil sa sakit mo. I think they understand your situation."

Ilang segundo kaming natahamik bago ko binasag ang katahimikan. "How... are you?" nag-angat ito ng tingin at napaawang ang labi. "Tell me. Gusto kong malaman ang pinagdaanan mo," masuyo kong sabi.

Nakatingin lang kami sa isa't isa nang magsimula itong magkuwento. "I'm happy... and at the same time scared. Naging mabuti akong ama sa kanila, pinalaki ko silang maayos, ibinigay ko ang mga gusto nila pero may isang bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanila. Ang makita ka," namula ang mga mata pero nanatili pa ring nakatingin sa'kin. "A mother that they want... hindi ako makatulog ng gabi dahil dinadalaw ako ng konsensya ko."

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko kailanman na sinisi siya sa naging sitwasyon ko. Hindi ko alam na sinisisi niya ang sarili niya!

"Kung mas inagahan ko sana ang pagdating. Hindi mangyayari sa'yo iyon..." umiling ako sa sinasabi nito. "Wala kang kasalanan, Damien. Wala."

Lumipat ako ng upuan sa tabi nito at niyakap siya, walang pakialam sa mga taong nakapaligid. "You've been a good father, husband. I'm so proud of you," gumanti ito ng mahigpit na yakap. Hinaplos ko ang buhok nito at bulong sa tenga nito. "I love you, Damien," napangiti na lang ako nang mas humigpit pa ang yakap nito sa'kin.

"Let me meet our angels, Damien."

Huminga ako ng malalim upang ihanda ang aking sarili na makita ang mga anak ko. Halo-halo ang mga nararamdaman ko. May galit, saya, lungkto at panghihinayang.

I've been comatose for eight years and I didn't know that I have a child. Damien said that I was pregnant when I fell into a coma. They did everything to stay healthy for the baby and also for me. And I gave birth to a twin. A boy and a girl. My parents and Damien are so happy because the babies are healthy.

Nanlalamig ang mga palad ko dahil hindi ko alam kung paano sila haharapin.

"They've... no. We've been waiting for you," Damien started the talk.

"What is their name?" habang nakatingin sa harapan ng kotse niya.

Sumilip ito sa'kin bago tumingin sa harap.

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon