Chapter 23

15 2 0
                                        

Chapter 23

"Magpahinga na tayo, Aella," nandito ako sa kuwarto ngayon ni Damien. Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ang diwa ko dahil sa pag-iisip sa mga anak ko.

Naramdaman kong lumapit si Damien sa pwesto ko at niyakap ako galing sa likod. Nakatayo ako at nagmamasid sa balcony. Nasa loob lang kami ng kuwarto nito at parehong malalim mag-isip.

"I want to see them..." tinanggal ko ang braso nitong nakapalupot sa'kin at handa ng lumabas sa kuwarto nito nang pigilan niya ako. "Aella, let's sleep. Bukas magiging maayos na ang lahat. Kakausapin ko si Zeus."

Huminga ako ng malalim at sumuko na sa kagustuhang makita sila. Binisita na namin sila kanina bago kami dumiretso sa kuwarto ni Damien. Humiga na ako sa kama at naramdaman ko kaagad ang mainit na yakap ni Damien. Niyakap ko naman ito pabalik at hinalikan sa noo.

"Let's sleep, love," may sumupil na ngiti sa labi ko sa tawag nito sa'kin. "Hmmm... finally. I can sleep peacefully..." paos nitong sabi. Natigilan naman ako sa paghaplos sa buhok nito dahil sa sinabi nito.

"I can't sleep without having you by my side... kaya kahit madaling araw, pinupuntahan kita. You are my rest, my home, my love, my life."

"I'm sorry..." tumulo ang luha sa gilid ng mata ko. Hinalikan ko ang noo nito dahil ang mukha nito ay nakabaon sa leeg ko. "I was devastated when I thought you had left me. I can't even sleep... can't move. Lifeless. Pero dahil sa kanila parang binigyan ako ng pag-asa na sumaya muli," patuloy nito.

"I'm really sorry..." bulong ko dahil iyon lang sa tingin ko ang makakapagpagaan ng loob nito.

"Don't be... wala kang kasalanan. I failed to protect you," humigpit ang yakap nito sa'kin.

"Let's stop blaming ourselves, Damien. Let's sleep. Babawi pa ako bukas sa inyo at sa susunod pang bukas."


Kinabukasan ay maaga akong nagising. Umaga pa lang ay nakangiti na ako dahil ang bumungad sa'kin ay ang mukha ni Damien na mahimbing ang tulog. Hinalikan ko ito sa noo bago dahan-dahang umalis sa kama at magsimula ng mag-ayos.

Natutulog pa rin si Damien nang lumabas ako sa kuwarto namin. Napatingin ako sa isang pintuan sa gilid kung saan ang kuwarto nila Rine at Zeus.

Naglakad ako papunta ro'n at dahan-dahang pinihit ang pinto. Malamig ang naramdaman ko dahil sa aircon. Six-thirty pa lang ng umaga kaya halos masarap pa ang mga tulog nila. Simple lang ang disenyo ng kuwarto nila.

Pagpasok mo sa pinto sa right side ang dalawang kama na at nasa gitna ay ang side table nila. Dalawang cabinet na kulay puti. Isang pahabang study table na kakasya na ang pangdalawahang tao. Nakaayos ang mga gamit nila. Ang kay Zeus ay puti o blue, ang kay Rine naman ay may mint green o kaya naman pink.

Dumapo ang tingin ko sa isang kama kung saan mahimbing na natutulog si Zeus. Lumapit ako dito at pinagmasdan ang mukha nito. Ilang minuto akong nakamasid nang magmulat ang mga mata nito.

Nakita kong nagulat ito pero tinakpan niya ito sa reaksyong pagtataka. "I'm sorry..." malumanay kong salita. Ngumiti ako sa kanya at huminga ng malalim bago napagdesisyunan na tumayo na.

Nilapitan ko rin si Zephyrine na mahimbing pa rin ang tulog. Yumuko ako at hinalikan ang noo nito. "I love you..." bulong ko sa tenga nito bago tumayo ng tuwid.

Naglakad na ako papunta pinto para lumabas nang matigilan. "Mama..." hindi ko alam na masakit na pala ang pagiging masaya. Kumirot ang puso at nag-init ang gilid ng mga mata.

"I-I'm sorry for what I did last night," suminghap ako at pinunasan ang luha sa psingi ko bago humarap sa kanya ng nakangiti. Nakaupo na ito at nakatingin sa mga kamay nitong naglalaro.

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon