Chapter 5

17 3 0
                                        

Chapter 5

Nagdaan ang mga normal na araw. Patuloy pa rin ako sa pag-recover ko sa mga kailangan kong mahabol. Napansin ko na mas lalong na-busy sila Mommy at Daddy kaya hindi ko na rin sila masyadong ini-sturbo. Ganon din ang napapansin ko kay Damien na late na minsan nakakabisita at minsan tulog na ako kaya hindi ko alam kung masasabi kong bumisita ba siya o hindi.

Sa mga nagdaang araw na 'yon ay may mga naaalala na rin ako paunti-unti. Pero dahil na rin dito ay hindi ko maiwasang mag-isip kaya minsan ay sumasakit ang ulo ko.

"Are you okay, Aella?" napaangat ako ng tingin at nakitang nakatingin sa'kin si mommy na may pag-aalala sa mukha nito.

Ngumiti ako para hindi ipahalatang may iniinda. "I'm okay."

"Your pale," naka-kunot na nitong noo. Napansin ko rin na nag-angat na rin si Daddy ng tingin mula sa binabasa nitong papel.

Nandito kami ngayon sa office ni Daddy dahil pinag-uusapan na namin ang muli kong pag-babalik sa pag-tatrabaho.

"I'm really fine, please continue," nginitian ko sila para makasigurado na ayos lang ako.

"You will work as secretary of your husband," napaisip naman ako sa sinabi nito.

"How about his secretary?" baka magtaka ang secretary nito.

"He doesn't have a secretary."

"He's the owner of Rousseau Enterprise. And it's called Empire because many businesses are under Rousseau Enterprise. And he's the owner of Rousseau Real Estate Company? With almost ten branches all over the world? How could you tell that he doesn't have a secretary?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

Halos malaglag ang panga ko nung sinabi ang mga business na hawak ni Damien. Kaya pala pagod 'to lagi kapag galing sa trabaho.

Napatingin kaming lahat nang mag-ring ang cellphone ni Daddy. Tumingin sa'kin si Daddy bago nagsalita. "You can go. Take a rest, don't force yourself," sabi nito bago kinuha ang cellphone at tumayo bago sinagot ang cellphone.

Hinawakan ni mommy ang braso ko para alalayan na makalabas na. "Pinipilit mo ba ang sarili mo makaalala, 'nak?" magaan nitong tanong.

"Hmmm... yes," pag-amin ko. "Gusto ko ng makaalala."

"Makakaalala ka rin. Everything will be fine."

Nakatingin ako sa kisame ng kuwarto ko at iniisip ang mga sinabi ni Daddy. Sa trabaho kong iyon makikilala ko na rin ang mga dati kong kaibigan. Nagttrabaho raw kase ang mga ito sa company ni Damien kaya pinili nila Daddy na doon na lang din ako and for assurance na rin raw na ligtas ako. Nagtaka ako nung una pero isina-walang bahala na lang din.

Napabaling ako balcony nang may narinig na ingay na tumama sa pinto nito. Tumayo ako at dahan dahang lumapit upang buksan ang kurtina na humaharang dito.

Hinawakan ko ang kurtina at hinawi ito. Pinalibot ko ang tingin ko bago sana lalabas nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Padilim na ang paligid.

"Mom," nakakunot ang noong tinignan ko siya dahil para siyang balisa.

Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ko at sinara ang kurtina na hinawi ko kanina. "Let's go."

"Huh?" pero hindi niya ako sinagot at hinila na lang palabas sa kuwarto ko. "We need to hurry!" mabilis kaming tumatakbo sa hallway nang may narinig kaming may nabasag sa ibaba.

"Mom, what's happening?" nag-aalala kong tanong. "Where's daddy?"

Pero hindi niya ako sinagot at patuloy lang sa pagtakbo. Nagtuloy tuloy ang mga narinig naming mga nabasag kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang nanlalamig na kamay ni Mommy para pigilan ito.

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon