Chapter 21

14 2 0
                                        

Chapter 21

Nagpautos si Damien para bumili ng makakain. Ala-una pa lang ng hapon kaya naman nagugutom na ako dahil hindi pa ako nakakapagtanghalian.

"Damien, na-aprobahan mo na ba ang layout ng Marketing Department? Kailangan na raw iyo. Aprobahan mo na rin pala yung sa Accounting Department," tumayo ako at lumapit sa lamesa niya. "Pirmahin mo na rin pala ito para maipasok na ng mga empleyado ang mga sahod nila sa account nila," binasa ko pa ang mga ibang report na kailangan talaga ng pirma niya bago inilapag sa lamesa niya.

May kumatok sa pinto kaya naman binitawan ko na muna ang mga papel na hawak ko bago pumunta sa pinto. "Hi, Ma'am, eto na po iyong pinauutos ni Sir."

Isang lalaking naka pangsuot ng pang opisina, isa sa empleyado ni Damien. "Thank you!" nginitian ko siya at parang nahiya ito dahil namula ang mukha nito. Kinuha ko na sa kanya ang mga pina-order ni Damien at muntikan ko ng mabitawan ang isang paper bag kaya natawa na lang kami pareho.

"Aella..." rinig kong tawag ni Damien kaya nginitian ko ulit ang lalaki at nagpasalamat. Dinala ko na ang pagkain sa lamesa kung saan pwede kaming kumain ni Damien. Umupo na si Damien sa harap ko nang mag-vibrate ang cellphone ko. Binasa ko ang message galing kay Shrielle na nag-aaya mamayang gabi sa Midnight Club.

Shrielle:

Mrs. Rousseau, mamayang 9 P.M sa Midnight Club. Nagpa-reserve ako ng VIP dapat makapunta 😉. May sasabihin din akong mahalagang balita!

Nangingiti ko siyang ni-replyan.

Ako:

Sige. See you!

Kaka-send ko lang nang may humablot nito. Napatingin ako kay Damien na masama ang tingin sa'kin. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula ng kumain.

"Uh, nag-aaya pala si Shrielle mamayang nine ng gabi sa Midnight. Pupunta ako," habang busy lang sa pagkain.

"I'm coming with you," napahinto ako sa pagnguya at nag-angat ng tingin. BInigyan ko siya ng nagtatanong na tingin kung seryoso ba ito.

"Pero, Damien, kami la—"

"Sa kabilang table ako kung gan'n. Basta nakikita kita," nilunok ko ang kinakain ko at napainom ng tubig. Napakamot na lang ako sa ulo at napa-iling-iling.

"Bahala ka sa buhay mo," at nagpatuloy na sa pagkain. "Where do you stay when you can't come home? Malayo pa naman ang biyahe papunta sa village mo."

"I have condo. Malapit lang dito," pinaningkitan ko siya ng mata at nagtaas naman ito ng kilay. "What?"

Umiling na lang ako. Napahinto kami pareho nang may kumatok, tatayo na sana ako para pagbuksan ang taong kumakatok pero naunahan na ako nito.

A girl wearing a pants and satin top pair with heels. Ang kaputian nito ay lumalabas dahil sa curl black hair at red lipstick nito. Ang nakangiti nitong mukha ay biglang nawala nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa muli naming pagkikita.

Ilang segundo kaming nagtitigan bago nito binasag ang katahimakan na bumalot. "A-aella..." kita pa rin sa mga mata nito ang gulat kahit na nakangiti na ito ng peke. Dumapo ang tingin nito kay Damien na nasa likod ko. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon nito pero parang may namuong galit sa puso ko nang magtagal ang tingin ni Rhianne kay Damien.

"You're here," bumaling ang tingin nito sa'kin. "H-hindi mo naman sinabi sa'kin na gising na ang asawa mo, Damien," mabagal itong naglakad palapit sa kinatatayuan namin.

"Sino ka ba?" nagulat ito sa inakto ko pero tinignan ko lang siya ng malamig.

"What did you do to her, Damien?" tumawa ito ng pagak pero nagmukhang peke kaya naman awkward itong tumigil. "I'm Rhianne one of your friend," matamis itong ngumiti sa'kin pero alam ko namang peke iyon.

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon