Chapter 4

23 4 1
                                    

Chapter 4

"Do you remember anything?"

"Hmm... glimpse," sabi ko habang nakatingala at tinitignan ang mga bituin. Nakaupo kami sa bubong ng kotse niya kaya nandito kami ngayon at nakaharap sa tahimik na siyudad.

Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na tumango siya. "Hindi pala ako dito lumaki?" wala sa sariling tanong ko.

Napalingon siya sa tanong ko. "How can you tell?"

"There's a palace in my dream..." pinilit kong alalahanin. "Guards are everywhere and I'm playing with some girls wearing a dress?" hindi ko siguradong sabi.

"I remember my parents and I went somewhere and had a tattoo under my left boob," tumigil ako para alalahanin muli ang iba. "Actually, my hair is natural brown blonde not black. And, childhood memories. That's all I knew," kibit kong balikat.

"Do you know what's the meaning of my tattoo?" tinignan ko siya ng may pagtatanong sa mga mata.

"I'll tell you soon," seryoso nitong sagot. Nagtataka man ay tumango na lang bilang pagsagot.

"Paano tayo nagkakilala?" iba kong usapan pero kuryuso na rin kung paano nga kami nagkakilala.

"I was one of your professors when you were in college," unti-unting lumaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"Really? You're one of my professors! That's cool!" namamangha ko pang sabi. Napailing-iling na lang ito sa reaksyon ko.

"What was I, then? I mean... am I good student?" masaya kong tanong.

"Bagsak ka sa finance," nakangisi nitong sabi. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Bakit ikaw? Sure ako bagsak ka rin don," inirapan ko pa siya.

"Ha! Ako pa nga ang nagtuturo sa'yo," napangiwi ako sa sinabi nito. Ang yabang!

"Tapos nalaman ko na may gusto ka raw sa'kin," may pang-aasar nitong sabi. "And I knew in myself that I liked you too," napaiwas ito ng tingin at ibinaling na lang sa harapan. "Kaso hindi tayo pwede nung time na 'yon. Kaya iniwasan kita. And one day,I received a letter from you, you confessed how you felt to me. I was so happy that time. Kaso nung pag pasok ko sa room niyo nakita kitang may kahalikang ibang lalaki."

Hindi ko alam parang na-iimagine ko ang scene na 'yon.

Busy akong nag-rereview sa isang tabi nang kinalbit ako ng isang lalaki na classmate ko. Ang sabi sabi ay may gusto raw ito sa'kin pero binabalewala ko na lang dahil may iba akong gusto.

"Uhmm... Aella," napa-angat ako ng tingin at hinintay ang sasabihin niya.

"Ano 'yon?"

"May sasabihin kase ako. Sa totoo lang m-matagal na kitang gusto..."

"Oh my ghad! May aminan na magaganap!" dinig kong sabi ng mga kaklase ko.

"Uy pre! Buti at hindi ka na torpe!" tawanan ng mga ibang lalaki.

"Tama 'yan! Mag pakalalaki ka!"

Napakamot na lang ang lalaki sa batok nito at namumula na ang mukha.

"P-puwede ba akong manligaw s-sayo?" tinagilid ko ang ulo ko para ihanda ng i-reject siya.

"Uhm... pasensiya na pero wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ouch basted!" sigaw ng isang kaklase ko.

"Oh my ghad, nandiyan na si Sir Damien!" nagkagulo na sa classroom kaya yung mga kaklase kong mga usisero ay nagtulakan.

Nanlalaking matang napatingin ako sa lalaking umamin sa'kin nang natulak siya at maglalanding siya sa'kin!

Gulat na nakatingin ako sa mukha ng lalaki na nanlalaki rin ang mga mata. Nakatukod ang mga kamay nito sa gilid ng inuupuan ko.

"Hindi ko akalain na may live show palang nagaganap dito," malamig na boses ang nag pagising sa'kin. Dali dali kong tinulak ang lalaki at humingi naman siya ng sorry.

"Miss Aella and Mister James, this is not a place to flirt. You can continue if you want. The door is open," napalunok ako sa klase ng tingin nito.

"I'm disappointed with both of you. I thought you were different from others," nakatingin ito sa'kin kaya parang pakiramdam ko ako lang ang sinabihan niya nito.

"Sir, mali po kayo ng—"

"Let's start!" sigaw nito bago tumalikod at humarap sa board. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang galit ko dahil hindi man lang niya ako pinag-patuloy sa pag-sasalita. Dahil na rin sa sama ng loob ay tumayo ako ng marahas kaya dinig ang ingay na nanggaling sa upuan ko.

Naagaw ko ang atensyon ng lahat pero si Sir Damien ay nanatiling nakatilikod. "Walang nangyari, sir. Hindi dumikit ang balat nito sa balat ko. Natulak siya ng isa naming kaklase at nasaktuhan na pumasok ka at nakita kami sa ganong posisyon. I hope you listened first before you judge someone. You can ask everyone. Many eyes see what happened not just you, sir," taas noo ko itong malakas na sinabi at nagpasalamat naman dahil hindi ako nautal kahit nangangatal ang mga labi ko.

"Excuse me," kinuha ko ang bag ko at diretsong lumabas.

Napaka-gago ko nung time na 'yon dahil alam ko na nasaktan kita dapat nakinig ako sa sasabihin mo pero nagpadala ako sa emosyon ko," napa-buntonghininga ito. Magpapatuloy na sana nang nagsalita ako.

"Yes, you're really gago," inirapan ko siya. "Hindi nga dumikit ang balat nito sa balat ko no'n eh."

Nakita kong bumaling sa'kin si Damien na naka-kunot ang noo. "You remember?"

"Huh? I think so... may mga imaheng pumasok sa isip ko pero hindi ganon kalinaw."

"I'll wait until you remember everything," masuyong sabi nito.

"What happened next?"

"Hmm... days passed you're cold. I mean, I feel like I need to apologize. That's why I called you to come to my office and ask for forgiveness. I admitted that what I said was wrong. Tumango ka lang sa sinabi ko. Sinabi mo pa sa'kin na sana nakinig muna ako bago magsalita ng masasakit. And I feel like you're going to cry so I approached you," napangiti ito at tumingin sa kalangitan na para bang inaalala ang nangyari. "Namumula na yung ilong mo at konti na lang tutulo na yung luha mo sa kakapigil mo ng iyak," natawa ito ng mahina kaya pinalo ko ito sa braso.

"Stop it."

"And when you were in 2nd-year college I confessed my feelings to you. Then, I started courting you. 3rd year college ka nung sinagot mo ko tapos sumabay pa ang issue sa'tin no'n kaya kailangan kong umalis para makapagtapos ka."

Sa kuwento nito gustong gusto ko na makaalala. At alalahanin lahat ang mga masasayang memorya.

"Based on your smile I believe we were happy back then," nasabi ko na lang.

"Yeah, I became miserable when you fell into a coma," malungkot nitong sabi. "Every minute I feel like I'm going to lose you. Hindi ko alam kung magigising ka pa ba kase ang tagal mo ng nakahiga ro'n," parang sinasaksak ang puso ko nang may nakitang tumulong luha sa mata nito.

Inabot ko ang mukha nito at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi nito. "I'm sorry. I'll try to remember you."

"I'll wait..."

"Thank you so much for the tireless wait. Babawi ako. Promise."

Ngumiti ito sa'kin. "Bawing-bawi ka na, Aella, simula nang magising ka."


The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon