Chapter 11

6 2 0
                                    

Chapter 11

"Let's get drunk!" Shrielle shouted. We're at Midnight's Club. Drinking till we drunk. Katatapos lang ng midterms namin kaya naman napag-pasiyahan namin na lumabas ngayon gabi.

Kasama na namin ngayon si Rhianne dahil paalis na siya sa Monday. Today is Friday. "Shrielle!" tawag ni Rhianne na ngayon ay lasing na.

"What?!" dumilat ito at tumingin kay Rhianne.

May tinuro si Rhianne na lalaki sa bar counter. Lahat kami napatingin do'n at napa-iling na lang dahil alam na kung ano ang pakay. Pag nagkakasama si Shrielle at Rhianne grabe ang sabog ng grupo namin! Pinapatos kahit ano basta alam nila na magiging masaya sila rito! Kailangan mo ng kapal ng mukha dahil minsan kami ang nakakaramdam ng hiya para sa kanila!

"Nice catch, girl!"

Kinindatan siya ni Rhianne dahil sa papuri na narinig. Pinagmasdan muna ito ni Shrielle bago tumayo upang lapitan. Natatawa pa nga ito dahil umaalon na raw ang paningin niya.


"Pucha, Shrielle!" napamura na lang si Adam dahil muntik nang matumba si Shrielle paupo sa hita ni Adam na nakasandal sa sofa at pilit na hinihimasmasan ang sarili.


"Opsss... sarreh," natawa na lang kaming pareho ni Rhianne kay Shrielle.


Pinanood namin si Shrielle na lumapit at landiin ang lalaking tinuro ni Rhianne pero lumingon siya sa'min na nanlalaki ang mga mata at parang nagising sa kalasingan.

"Taken na ang napili mo, Yan," nasabi ko at kinuha ang baso na may lamang vodka. Natatawang pinanood ni Rhianne si Shrielle na pabalik na sa'min.


Sumimsim ako sa baso ko habang nakatingin ang mga mata kay Shrielle. "Gago! Professor niyo 'yon!" umupo ito sa inuupuan niya kanina.

"Huh?"


"Professor niyo 'yon! Nakakahiya!"


"Sino?" Rhianne.


"Si Professor Damien Rousseau! Gaga ka talaga, Rhianne!" inis na sabi ni Shrielle at kunwaring sinabunutan si Rhianne na may kaunting gulat sa mukha at tumawa lang kalaunan dahil sa kalasingan.

Bahagya rin akong nagulat dahil sa sinabi nito. Lagi ba siya dito? Noong last na punta rin namin dito ay nandito rin siya. Baka libangan lang din.


Napatingin ako sa likod nito. Hindi namin masyadong maaninag ang puwesto nito kaya naman hindi namin alam na si Sir Damien pala ito. Sa tingin ko naka suot ito ng maroon long sleeve base sa nakikita ko. At parang malalim ang iniisip dahil mag isa lang ito sa kanyang puwesto.

Napansin ko rin ang mga nakapaligid sa kanyang mga babae ay pasulyap-sulyap sa puwesto niya pero walang lumalapit.

"Ano?! Lasing na 'yan? Sino maghahatid diyan?" nalihis na ang tingin ko. Si Carol ay hindi pa ganoong lasing para raw may magbantay raw sa'min.

"Hoy!" sita ni Carol kay Shrielle nang akmang tatayo at mukhang aalis sa upuan. "Saan ka pupunta?!"

"Sa dancefloor lang ako, Inay! Byeeee," tuluyan ng umalis. Si Rhianne ay naka salampak na sa sofa, natutulog. Si Adam naman ay palinga-linga sa paligid, mukhang naghahanap ng babae. Nang may nakita na ay tumayo ito at walang paalam na umalis.

Bumuntong hininga na lang ako. Magpapaalam sana ako kay Carol na mag-restroom lang kaso may kausap kaya lumapit na lang ako puwesto niya at tinapik ang hita nito para kunin ang atensyon. "Restroom."

The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon