Chapter 3

23 4 0
                                        

Chapter 3

Nagising akong magaan ang pakiramdam. Saturday ngayon kaya late na akong bumaba kase umaalis ang magulang ko kada sabado o linggo. Pero madalas naman ay sabado.

Hindi ko alam anong oras umuwi kagabi si Damien basta ang alam ko lang ay pinatutulog niya na ako. At dahil inaantok na rin no'n ako trinaydor na ako ng mga mata ko.

Inaantok pa man ay tumayo na ako para makapag ayos bago bumaba. Dahil wala akong gagawin ngayong araw ay nagkulong na lang ako sa kuwarto ko nanood ng mga palabas. Bumababa lang para kumuha minsan ng pagkain.

Nakauwi na rin pala ang parents ko bago magtanghalian. Kinamusta nila ako kung may naaalala na raw ba ako. Ang lagi kong sagot sa kanila. "May mga napapanaginapan ako pero hindi ko alam kung isa iyon sa mga memorya ko," tumatango lang sila sa sagot ko at 'wag ko raw puwersahin ang sarili na makaalala.

Bumalik din ako sa kuwarto ko at sila naman ay magtatrabaho na. Hindi ko na namalayan ang oras kaya nakatulog ako. Nanaginip ako na nasa palasyo kami ng mga magulang ko at may mga kasama akong kasing edad kong mga babae. Mabilis ang nangyari, sa tingin ko ay nasa 12 years old pa lang ako nang dinala raw ako sa tattoo shop? Tapos ang mga sumunod kong mga nakita ay may simbolong crown na may roman numeral number.

Minulat ko ang mga mata at bumungad sa'kin ang madilim na paligid. Tinignan ko ang wall clock sa kuwarto ko at nakitang 8:37PM na. Napahaba ang tulog ko. Pumikit ulit ako pero wala ng balak matulog ulit.

"Wala ka bang balak na tumayo?"

Napamulat agad ako sa narinig na boses at nilingon ang bandang kaliwa ko. Nanlalaking mata na tinignan ko siya. "K-kanina ka pa ba diyan?" nauutal kong tanong.

Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa dito sa kuwarto ko at lumapit palapit sa kama ko. "Let's have dinner and we'll go outside," malaki ang tiwala nito sa sarili na sasama ako sa kanya.

Umupo ako sa kama ko at hindi na nag-abalang ayusin ang magulo kong buhok kahit na dinadapuan ako ng hiya dahil sa mabango niyang amoy. "Bakit naman ako sasama sa'yo?"

Pinagkrus nito ang braso niya at tinignan ako ng mariin bago nagsalita.

"Hindi ka pa nag-didinner at balita ko hindi ka pinapayagan ng magulang mo na lumabas dito," napakunot ang noo ko sa sinabi nito dahil ang boses nito ay para bang nang-aasar.

"And for sure, hindi ka nila papayagan na isama mo akong lumabas," tinignan ko siya ng masama at inirapan. "Dream on," habol ko pa bago tumayo para makapag hilamos man lang ng mukha.

"You bet?" nilingon ko siya at may nakapaskil na ngisi sa labi nito na para bang nang-aasar. Pinaningkitan ko siya ng mata at tuluyan na siyang tinalikuran.

Paglabas ko ng bathroom buti naman ay wala na siya. Nagsuot ako ng sweatpants and plain shirt. Nakaharap ako ngayon sa vanity mirror, sinusuklay ang buhok kong sakto lang ang haba. Naglagay rin ako ng liptint sa labi at tinapik tapik ang pisngi ko para pumula bago bumaba.

Naabutan ko si Damien sa living area naka upo ito sa pang isahang sofa, nakayuko ang ulo nito at naka-krus ang mga braso at nakapande-kwatrong upo. Pumunta ako sa harap niya para tapikin siya pero nag-angat na siya ng tingin bago ko pa mailapat ang kamay ko sa balikat niya.

"Kumain ka na?" tanong ko para takasan ang tingin nito. "Sabay na tayo kung hindi ka pa kumain."

Tumango lang ito kaya naglakad na ako papunta sa dining room. Naabutan ko si manang na kalalabas lang sa kitchen na nakakonekta sa dining room. "Manang, sa countertop na lang po kami kakain."

"Sige, hija. Ihahanda ko na la—"

"'Wag na po, kami na po ang bahala. Kaya naman po namin," nakangiti kong sabi kaya naman wala na itong ginawa at tumuloy na sa pag-alis.

Tumuloy kami sa kitchen at ininit na lang namin ang natirang ulam bago kumain. Ang kalansing lang ng mga kubyertos ang naririnig habang kumakain kami.

Hindi ko alam na naparami ang kuha kong kanin kaya naman nilagay ko sa plato ni Damien ang iba at itinira ang kayang ubusin.

Napatigil ako sa pag-subo ng ma-realize ang ginawa. Tinigilid ko ang ulo ko sa pag-iisip dahil nung ginawa ko ito ay parang nakasanayan ko nang gawin ito.

"Bakit?" tanong ni Damien nang makitang natigilan ako.

"Ahh... kaya mo bang ubusin?" tumingin ako sa kanin na nilagay ko sa plato niya kaya pati ay napatingin.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero may pumuslit na ngiti sa labi nito. "Old habits..." bulong nito.

"Huh?" takang tanong ko dahil hindi ko narinig masyado ang sinabi nito.

Nagkibit na lang ito ng balikat at nagpatuloy na sa pagkain kaya nagpatuloy na rin ako. Tahimik naming natapos ang pagkain at siya ang naghugas ng mga pinggan, ako naman ang nag-linis.

"Saan ba tayo pupunta? Alam mo bang gabi na?" tanong ko kahit na obvious naman ang sagot. Naglalakad na kami sa kuwarto ng parents ko kase wala na si Dad sa opisina nito.

"Tulog na sila," sabi ko nang nasa harap na kami ng pintuan ng parents ko. Mabilis niya lang akong dinapuan ng tingin bago humakbang at kumatok ng tatlong beses.

Ilang segundo lang ay lumabas si Dad na nakasuot na sa usual nitong damit kapag matutulog na.

"Good evening, father," napakunot pa ako ng noo sa pormal na tawag nito kay Daddy, "Ipagpapaalam ko lang po sana si Aella ngayong gabi na lumabas," pormal nitong sabi.

Napakunot ang noon ni Daddy sa sinabi nito. Napangiti na lang ako dahil alam ko na ang sasabihin nito!

"Uhm, okay, ibalik mo lang siya sa'kin," tapos nagtinginan sila sa mata na para bang nag-uusap. Napaawang pa ang labi ko dahil sa pinayagan niya ito.

"I promise, I'll protect your daughter, father," napakunot pa ako ng noo dahil sa sobrang seryoso ng mukha nila.

"I'm an adult, dad. I can take care of myself. Don't worry," lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"I know, I know. Goodnight. Take care, okay?" tumango ako at naramdaman ko rin na dinampian niya ako ng halik sa noo.

"Where are we going?" sabi ko habang nakatingin sa bintana ng kotse niya pero hindi niya ako sinagot. Napabuntonghinigna na lang ako. Ano naisipan ko at naisipan kong sumama sa kanya?

Oo nga, bakit sumama ako sa kanya?

Natigilan ako nang mapansin ang dinadaanan namin. Mapuno, madilim at lubaklubak ang daan. Pataas din ang pagunta dito.

Anong gagawin namin dito?

Kinakabahan man sa dilim na dinadaanan namin nanatili na lang ako tahimik. Ilang minuto lang ay huminto na ang kotse at pinatay niya na ang engine nito. Bumababa ito at pinagbuksan ako ng pinto.

Napaawang ako ng labi dahil sa sobrang mangha ng nakikita ko. Sa inuupuan ko kase puro mga puno at halaman lang kaya hindi ko na-appreciate. Sa side niya ay ang view ng city!

The overview of the city at night!

Nagagalak kong dinama ang lamig ng simoy ng hangin. "Do you like it?"

Nabaling ang mata ko kay Damien na nakatingin pala sa'kin kanina pa. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Napangiti siya sa sagot ko at bumaling sa harap, hindi ko maiwasang titigan siya ng matagal. Ang makinis nitong mukha ay parang hindi nadadapuan ng dumi o kaya pimples kase mas mahihiya sila na dumapo sa maganda nitong mukha.

Napataas ako ng kilay nang mapansin na nag-ahit na ito ng balbas at maayos din ang pagkakaayos ng buhok nito na sa tingin ko ay bagong gupit.

Natawa ako ng mahina at bumaling sa kabilang side habang nakatakip ang isa kong kamay sa bibig.

"Why are you laughing?" tumikhim ako at hinarap siya bago umiling. Tinaasan niya ako ng kilay, hindi naniniwala.

"Nag-ahit ka na pala..." tumaas ang tingin sa buhok nito. "Nagpagupit ka rin, ngayong ko lang napansin."


The Freedom DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon