3. CHOICE

5 3 0
                                    

Nabigla ako nang tumawa ito ng pagkalakas-lakas. Napataas ako ng kilay.

"Oh, really?" she smirked, like challenging me.

"Yes po, tita." I assured her with a wicked smile. 'Tita' na ulit baka mahimatay pa si 'mama' e. Pinasadahan niya ako ng tingin. Nailang ako bigla, parang ayaw yata ng byanan ko sa akin.

Napanguso ako.

"You're not my son's type." she declared, malumanay parin ang tono.

Namula ako. I am embarrassed. I feel so down pero hindi ko iyon pinahalata. Ngumiti ako nang alanganin, "Naku po, tita! You're joking talaga." Tinawan ko lang si tita.

Gustong-gusto ko na sanang umuwi agad pagkatapos noon dahil unti-unti nang nilulukob ng lungkot ang puso ko. Pero marami pang sinabi si 'Tita' sa akin. At pumirma pa ako ng kontrata. Binasa ko iyong mabuti bago penirmahan.

Tapos ay marami pa siyang habalin tulad ng bawal malate at magsuot ng presentableng damit sa trabaho hanggang sa hindi pa natatapos tahiin ang uniform ko. Sinukatan din ako nang araw na iyon. Kaya natagalan talaga ako.

Ngayong lunes daw ang duty ko. Ang renewal of contact ay magdedepende sa performance ko. Marami rin akong finill-upan na documents para sa credit card ko. At ni register niya rin ako sa system nila— ang sabi'y kailangan daw iyon para sa attendance dahil high tech na ang paglog-in and out.

Kinunan rin ako ng pictures for my ID na sabi niya sa martes ko na makukuha. Sinabi niya rin sa akin ang mga kakailanganin ko— mainly ang laptop. Ang mga libro ay sa lunes ko nalang daw makukuha.

Ngiti at tango lang ang sinasagot ko sa kanya. Nang natapos ang lahat ay giniya niya ako sa magiging classroom ko at iniwan ako roon. Napahinga ako ng maluwag. Masyadong enclosed ang mga classrooms— green and white motiff. Luminga-linga ako sa buong classroom.

'Wala na talagang atrasan ito.' isip ko

30 students—hindi naman siguro ganun kastress ang pagtuturo? Doon nga noon sa public school ay siksikan kami, e.

Malawak ang buong classroom. Brown chairs and tables na sakto lang para sa dalawang bata. Excited ako na parang ewan para sa lunes. I'm not really fond of kids kase.

Pumasok ako sa office ko na nasa loob ng classroom lang. May tables and chairs na roon at library rin. Pero ang problema ko ay walang C.R sa loob, nasa labas yun— Aircon kasi ang mga classroom.

Nagselfie ako roon— at masyado akong nalibang dahil hindi ko na namalayan ang oras! Paglabas ko nang classroom dahil nasa first floor lang naman ako ay kita ko na agad na medyo makulimlim na!

Gosh?!

Dali-dali akong pumunta sa parking lot kahit na hindi ko iyon masyadong kabisado. At napanganga ako nang makitang wala na ang sasakyan namin doon. Dumagundong ang kaba sa puso ko.

Asan na ba kasi si manong?!

Tiningnan ko ang phone ko at may unread messages nga ito galing kay mommy! Nanlalaki ang mata ko nang mabasa Ito.

MAMA:
We are going somewhere, Hope. Just commute.

WHAT?!

Hindi ako makapaniwala na nagawa Ito ni mommy sa akin! Nakadama na ako nang takot dahil medyo mag-gagabi na! Dali-dali akong lumabas nang school para doon sa labas maghanap nang motor. Hindi naman kasi uso dito sa probinsya ang taxi o tricycle.

Takot ang naramdaman ko paglabas ko ng school area, wala na kasing mga tao at ang ilaw lang sa waiting shed ang nagliliwanag sa buong paligid— hindi naman kasi ako sanay na mag-isa. Palagi kong kasama si mommy o di kaya'y si daddy! Kaya kinakabahan ako ng sobra ngayon.

A BEAUTIFUL SHALLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon