2. HIS FUTURE

6 3 0
                                    

Highschool ako noon nang magkagusto ako sa isang lalaking sobrang gwapo pero mahirap naman. Naging malaking dagan iyon sa bata kong puso. I'm spoiled. Lahat ng gusto ko dapat makuha ko!

Pero ayaw sa kanya ng parents ko. They said 'ano bang maipagmamalaki ng taong ganun? Mahirap lang. Malay natin may ibang habol saiyo yun!' Kontra sila dahil mahirap lang 'yong nagugustohan ko.

Kaya tinigil ko na lang, kahit masakit.

Doon ko na realize na kung para sa akin, akin talaga kung hindi, bakit ko pipilitin?

In that day, pinangako ko sa sarili kong dapat mayaman ang boyfriend ko. 'Yong may kaya at maipagmamalaki. 'Yong Kaya akong buhayin at higit sa lahat— Kaya kong iharap sa parents ko na nakataas noo.

Lahat ng manliligaw ko basted. Wala naman kasing mayaman dito sa amin e! Kaya sabi ni mommy kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral nang sa ganun ay pwede akong mag-abroad at doon na maghanap ng mapapangasawa na sinang-ayunan ko naman.

Hanggang nagkolehiyo ay ganun parin— NBSB parin. May nagtatangkang manligaw pero pagtatanungin ko kung ' Kaya niya ba akong buhayin?' umaatras. Ang sabi'y magkasintahan lang daw muna— pero umiling-iling lang ako.

Wala naman palang planong pakasalan ako, bakit nanliligaw pa? Kung sana kaya niya akong buhayin. E, 'di hindi ako malulugi kong ihaharap ko siya kay mommy at daddy! Handa akong masampal para sa kanya! Tapos siya? Wala palang plano para sa aming dalawa. Ay mali Yun!

Hanggang 3rd year college ay wala akong sinasagot at wala rin akong nagugustohan.

Not until...

May transferee na dumating— galing sa ibang bansa. At first wala naman talaga akong pakialam sa kanya. Pero no'ng nakita ko siya lumabas sa kotse niya! Parang nagkurting puso ang mga mata ko.

'Mayaman siya!' isip ko.

Doon nagsimula ang pagkahumaling ko sa kanya. Pinagtatanong ko siya— Ang sabi'y ay 'Josephius Alejandros Villanueva' daw ang pangalan at mayaman daw'ng tunay. Marami raw'ng eskwelahan ang pamilya niya sa ibat-ibang panig ng bansa, lalo akong namangha sa kanya.

Hindi naman ako sobrang mukhang pera— slight Lang. Kasi hindi lang naman iyon ang nagustuhan ko kay Joseph. Kasi kahit binata palang siya mukha na siyang mature! He has this fair white skin na malayong malayo sa akin kahit na ang dami kong apply! He is so handsome. Thick eyebrows. Hazel brown eyes. Proud nose. And kissable lips.— that hunts me in my wildest dreams.

Kaya hindi nakakapagtakang habulin siya ng babae. Well, ganun naman talaga sa probinsya— ignorante. Pag may 'transferee' agad na napapansin! Pero Joseph is not like the others who like fame and social media.

He likes books and all. Alam ko yon dahil naclassmate ko siya sa isang subject na hindi ko alam kung swerte ba ako o malas! Paano ba naman Kasi! Kung papalarin ka nga naman bobo ka na nga malas ka pa!

Nakakahiya tuwing may oral recitation! Ako lagi ang tinatawag! Nakakahiya minsan kasi siya ang sumasalo sa tanong para sa akin— kikiligin sana ako pero naisip ko na baka he just aimed bigger grades kaya ganun siya. Gustong-gusto ko siyang kausapin pero English speaking siya no'ng panahon na iyon. Kaya hindi nalang. I'm suddenly wishing na sana nag-aral nalang ako ng mabuti noon!

At dahil study person siya, Ang friends niya rin ay ganun! Nerds! Pero iba si Joseph sa kanila kasi marunong manamit si Joseph! Kumbaga, beauty with brains. Naiinis ako dahil doon, bakit niya pipiliin ang ganung kaibigan?

Kami ng mga kaibigan ko ay bully sa school kaya napagpasyahan kong abangan si Eya mamaya sa labas ng school. Si Eya ang laging kasama ni Joseph at malaki ang inggit ko sa kanya— hindi ko alam kung bakit, I just hate nerds.

A BEAUTIFUL SHALLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon