Hindi pa...
Paulit-ulit na rumeristro sa isip ko sinabing iyon ni Joseph. What does he mean by that?
Nanliligaw ba siya?
Gusto niya rin ako?
I can't help but to smile at my thought!
Tulala lang ako sa kawalan, kanina matapos sabihin iyon ni Joseph ay umalis na ako at dali-daling pumunta sa classroom ko at dahil sa pagiging overreacting ko kanina ay tumakbo ako at agad-agad na pumasok sa classroom— Kaya no'ng makapasok ako kanina ay nanlalaki ang mga mata ng mga estudyante sa akin na tila natatawa at nag-aalala at the same.
May mga nagtanong kong anong nangyari sa akin— pero maski ako ay walang naisagot kung bakit ako tumakbo. Baliw na ata ako!
Parang kinilig lang e...
Hindi naman ako pinigilan ni Joseph— siguro ay may pinag-uusapan pa sila ni Eya...
Pero 'di nakatakas sa aking mga mata ang malulungkot na mata ni Eya kanina. Is she had a feelings for Joseph? Is she jealous?
Nalukot ang mukha ko.
Matagal na silang magkaibigan kaya impossibleng hindi siya nakaramdam ng affection para kay Joseph...
E, si Joseph kaya?
Umiling ako sa kawalan, I don't care Kung may feelings siya kay Joseph o may feelings si Joseph sa kanya. Ano namang pakealam ko sa nararamdaman nila para sa isat-isa?
Wala.
Wala pa...
As long as walang girlfriend si Joseph ay ipapagpatuloy ko ang paglalandi sa kanya. Pero kung may girlfriend na siya...
Well, I don't know...
Desperada man akong babae ay may respito naman ako... Maiintindihan ko.
Kahit masakit...
Dahil sa curoisity ko sa namamagitan kina Joseph at Eya ay napagdesisyonan kong puntahan si Eya sa classroom niya.
Nasa 6th floor, grade 6 kasi ang tinuturuan niya. Nag-elevator ako papunta roon. Nangingiti akong nagtungo roon. May itatanong lang naman ako...
Wala namang masama, diba?
Bukas ang classroom niya kaya pumasok agad ako. Nakita kong parang may pinagkakaguluhan sila— na para bang may pinagchi-chismisan— humahagikhik pa sila. Kumunot ang noo ko.
Tumikhim ako.
Napalingon sila sa gawi ko, para silang nakakita ng multo! Nakita ko pa kung papaano namutla ang mga mukha nila. Nalukot Lalo ang mukha ko.
Anyare?
I arch a brow at them. "Ano pinag-uusapan niyo?" I cheerfully said at lumapit sa kanila.
Kahit naman hindi ko ka-vibe ang mga teachers dito ay gusto ko parin'g sumabay. Kadalasan kasi ng nandito ay iyong mga nerd noon— na teacher na ngayon na kaibigan nila Eya at Joseph, na binubully ko dati
Ako? Kadalasan ng mga kaibigan ko ay nabuntis na, at nasa maynila kasi nandoon ang family business nila. Kaya ako nalang ang mag-isa dito sa probinsya...
Kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang sa kanila— I used to bitch them out before. Well, immaturity hits me. Hindi ko Naman gusto maka-close sila but I want to be civil. Iba na kasi sila ngayon at iba rin ang patakaran sa school na ito lahat ay pantay-pantay.
Kahit matagal na ako sa school na ito ay hindi ko parin feel na welcome ako dito. But why do I care right? As if I will need them!
Tumikhim sila at umiling-iling, " Alis na kami, ma'am Eya." Paalam nila isa-isat.
BINABASA MO ANG
A BEAUTIFUL SHALLOW
General FictionHopelyn Reeniee is a gold digger that doesn't digs, why? Because she's gold of herself. She is hated, loathed, and vanished but will do everything just to get the man she wants Joseph Alejandros. She will kneeld, beg and give her body. Even that she...