Yaman— ito lang ang lamang ko sa kanya plus mas cute ako sa kanya, given that I'm petite!
Hindi ko man aminin ay threat si Eya para sa akin, she's Joseph best friend afterall. Mas may kapit kay Joseph kaysa sa akin na....wala lang.
Tumingin ako sa salamin as I put foundation on my face. Put small blush on and lipstik on my lips. Sinadya kong mas paliitin ang skirt ko sa araw na ito para magmukhang mataas at ma-exposed ang makikinis kong legs!
Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaganda kung kakain lang namin kami ng tanghalian ni Joseph?
Yes, inimbitahan niya ako kanina na sabay kaming magtanghalian kaya kahit wala sa plano ay manananghalian ako. At tsaka lumilevel-up na si Joseph! He texted me kanina! Mabuti nalang hindi siya nagalit kagabi dahil binabaan ko siya ng tawag!
Napabuntong hininga ako. Gusto ko sanang magtampo-tampohan kay Joseph pero hindi pwede mas lalayo lang ang loob niya sa akin...
At hindi na pwede iyon kasi may competitor na ako— well, matagal na naman akong maraming competitors dahil sa kagwapuhan ni Joseph pero kasi... ngayon lang ako na— threat ng ganito.
I pouted my lips as I see my reflection in the mirror. Ang cute ko!
Agad akong lumabas ng classroom— nagpasulat lang ako sa araw na ito kaya maagang natapos ang klase ko at nagpaganda agad ako for lunch.
Pumunta ako sa cafeteria, nakita ko agad ang grupo ni Joseph na nagtatawanan ang iingay nila, pero mas maingay parin ang mga Bata na habang kumakain ay naglalaro.
Napanguso ako. Akala ko pa naman siya lang at ako...
Automatikong napataas ako ng kilay nang makita kong magkatabi si Eya at Joseph sa iisang upuan. Tumatawa rin si Eya, pero nang magtagpo ang paningin namin ay tumikhim siya.
Agad naman silang natahimik nang dumating ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Siguro dahil ako ang pinag-uusapan nila? Diba, ganun naman talaga, kung sino ang wala siya pinag-uusapan...
I arch brow more. Siguro nga kasi napansin kong nakangisi na ang mga kalalakihan at walang imik naman ang mga babaeng kaibigan nila.
I secretly rolled my eyes.
Walang pasintabi akong umupo sa gitna ni Eya at Joseph sabay ngiti. Ipinagsawalang bahala ang mga daing at reklamo ng mga kaibigan niya. Nag-peace sign nalang ako sabay ngiti ulit. Nakitang umismid ang mga kababaihan.
Tiningnan ko si Joseph pero hindi sa akin ang atensiyon niya.
"Whoa! Hope! Gumanganda ka ata ngayon, ah? Sinong pinapagandahan mo?" Makahulugang sabi ni Ryan— kumunot ang noo ko sa kanya. Sabay kasi ng pagkakasabi niya ay ang paglingon niya kay Joseph na walang emosyon at kay Eya na nag-iwas lang ng tingin.
Pero kahit ganun ay hindi ko maiwasang pamulahan sa papuri niya. 'Totoo naman kasi!'. Kumunot muli ang noo ko nang nakita ko ang pag-irap ng mga kababaihan, siguroy may gusyo ito kay Ryan.
I bite my lower lip, sabay nakaw ng tingin kay Joseph na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Mabuti pa si Ryan napansin niya iyong efforts ko...
Napayuko ako. Hindi niya ba nagustuhan ang pag-aayos ko ngayon? Hindi siya nagagandahan sa akin?
Idiniin ko ang pagkakakagat sa labi ko.
Hindi niya kasi ako pinapansin, nakatingin lang siya sa kaibigan niya— kay Eya to be specific. Tumatawa lang siya pag may nagbibiro pero kailanman ay hindi niya ako tinapunan ng tingin— Matigas ang expression ng mukha.
Wala tuloy akong ganang kumain sa burger ko... First time kong nawalan ng gana sa burger!
Napanguso ako. Ang lapit-lapit namin pero hindi ko man lang siya kayang abutin...
BINABASA MO ANG
A BEAUTIFUL SHALLOW
General FictionHopelyn Reeniee is a gold digger that doesn't digs, why? Because she's gold of herself. She is hated, loathed, and vanished but will do everything just to get the man she wants Joseph Alejandros. She will kneeld, beg and give her body. Even that she...