17. WHY SO MANYAK?

2 2 1
                                    

A simple house. Made of some bamboo 'Amakan' and nipa for the roof but the floor is cemented. Modernized and Classic combined— That's how I described this cute rent house Joseph owned.

Huminga ako ng malalim. Kanina pa ako dito sa labas naka-upo sa isang gawa sa kahoy na upuan— naghahanap ng signal at tahimik na nagmamasid sa paligid. Ang lamig na ng simoy ng hangin. Tahimik ang buong paligid at tawanan lang nila ang nagsisilbing ingay. Malayo rin ang mga kapit bahay, kaya solo namin ang buong lugar.

Kanina pa kami dito pero nanatili lang ako sa labas samantalang iyong iba ay nagluluto at ang mga kalalakihan ay nagsimula ng mag-inuman. Nagbabarbeque ang mga girls at amoy na amoy ko iyon— sobrang bango at nakakagutom...

Pero wala akong planong lapitan sila. Galit tuloy ako sa sarili ko ngayon kung bakit ako narito. I don't belong here. Nakakaya ko 'to noon kasi andiyan naman si Joseph para i-entertain ako, pero umiiwas ako sa kanya ngayon.

Ayaw kong masaktan dahil alam kong doon ako papunta. Hindi ako tulad ng iba na nachahalenge sa mga ganito, who like chasing at masokista. Mahina lang ako.

Ako iyong pagsinabihan ng 'Ayoko' hindi ako mamimilit. Marunong akong rumespito ng mga desisyon at komonsidera ng mga nararamdaman ng iba. Hindi ako iyong tipong ' WHAT HOPE WANT, HOPE GETS.' kasi I'm more on, 'KUNG PARA SA AKIN, AKIN TALAGA. KUNG HINDI, BAKIT KO IPIPILIT?'

Napabuntong hininga ako. Tiningnan ko kung papaano nakikipag-usap si Joseph kina Karen, Katie, at Merida— he has all smiles. Mga ngiting Hindi ko nasilayan Kung kami ang magkasama. Kumbaga, exclusively for friends. Parang nagkakatuwaan pa sila.

Napalunok ako.

Nakakainggit...

Tumitig lang ako sa kanila— naiingit ako sa kanila. Asan na ba kasi Ang mga kaibigan ko ngayon?!

Nang mahagip ako ng titig ni Joseph ay Automatikong nawala ang ngiti niya. Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang titig ko sa phone kong walang signal.

Halos bayohin ang dibdib ko nang makitang papalapit siya sa akin. Agad kong inangat ang paningin ko. I fakely smiled at him.

He smiled at me too. Mapupungay na ang mata niya. " Anong ginagawa mo dito?" At umupo siya sa tabi ko, umusog ako. Kumunot ang noo niya sa ginawa Kong pag-usog.

"Are you drunk?" I ask.

Nakangiti siyang umiling-iling sa akin. Nabigla ako nang bigla niya nalang akong hinalikan sa labi. Smack lang iyon.

"Joseph!" Sinapak ko na... kahit kinikilig ako sa ginawa niya, ayaw kong maging easy Kasi gusto ko hard— Arg! Why so manyak?!

"Sorry." He giggled like a little boy.

Ngumiti ako sa kanya. "Naghahanap ako ng signal." Umiwas ako ng tingin.

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

Napakagat labi ako.
"Tatawag sana ako sa bahay, hindi kasi ako nakapagpaalam kina mommy..." I simply said.

Mahabang katahimikan ang nagdaan sa amin bago siya muling nagsalita,

" Hope." He called.

" Hmmm?"

" Galit ka ba?"

Napanganga ako. " Anong klaseng taong yan?

" Galit ka ba kasi—

"Hindi." Agap ko agad. Alam kong tungkol iyon sa ice cream kanina.

" Pero bakit ka ganyan. You seemed change. Para kanina lang ang lambing mo sa akin. Now, you seemed cold." Para siyang batang nagtatampo.

A BEAUTIFUL SHALLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon