"Sorry ha! May babies are just attracted by your legs eh. Babeis! Tahimik! Nagseselos na ako! I thought you love me?" He pouted.
Napanganga ako sa kanya. " Are you a gay?"
Hindi ko mapigilang itanong. Kanina lang takot na takot pa ako pero ngayon parang ang gaan na ng lalaking ito kasama.
Nawala ang ngiti nya. " May masama ba?"
Umiling agad ako. " Hindi no! Ang gwapo mo lang kasi... sayang"
"Hoy ano ka ba married ako no!"
" Ha? Sa ibang bansa?"
Tumaas ang kilay niya.
"Bakit sa ibang bansa?! E, may Pilipinas naman?!"
"Eh, wala namang same sex marriage sa Pilipinas—
Natawa siya sa akin.
" Hindi sa lalaki, sa babae ako ikinasal! And this is our babies! Ang cute no? Mana sa akin."
Nanlaki ang mata ko. "Talaga?!"
Tumango siya. Gosh, bading pero kumakain ng tahong?!
Lumingon-lingon ako.
" Bakit parang ikaw lang yata?"
" Umalis 'yung byanan ko kasama ang asawa ko. Iniwan ako dito sa tindahan niyang wala namang bumili!" Tatawa-tawang sabi niya.
I kinda love his voice... Kahit bading parang lalaki parin boses niya
Interesting...
" So hindi kayo taga-rito?" I ask.
"Nah, Doon kami sa Centro talaga nakatira."
Kumunot ang noo ko. "Talaga?! Balita ko mayaman lang ang nakatira do'n?"
Ngumiti lang siya sa akin. "Wag kang OA ha, O, saiyo nalang yang asukal. Ako naman ang nagbili at nagsusuntento sa tindahang ito kaya okay lang."
Napatalon ako sa tuwa. "Talaga ba? Salamat ha." Thank God, wala pa naman akong dalang pera!
Nagdadalawang-isip ako kung aalis ba ako o hindi, nahihiya naman akong magpaalam na aalis na ako lalo pa't binigyan nya ako ng asukal!
Mabuti nalang ay siya mismo ang nagtaboy sa akin. "Malapit nang mag alas singko hindi ka pa ba aalis?"
Agad ko naman siyang nakuha at nagpasalamat sa kabutihan niya sa akin. Gosh, kung hindi siya bading at kasal na, nakuuu type na type ko siya kasi nakatira siya sa centro! Tiyak mayaman siya!
Nangingiti akong bumalik sa kubo kahit na ang layo nu'n sa binilhan ko ng asukal dahil sa kwentuhan namin ng lalaking bading na iyon.
Gosh! Baka marami siyang kakilalang mayaman...
Nang makarating ako ay malalakas na tawanan agad ang sumalubong sa akin— sa tingin ko ay mula ito sa loob ng kusina. Nang tingnan ko sila ay nakaupo na sila sa mga upuan at nagtatawanan.
Nangingiting sumingit ako. "Ito na ang asukal. Alam n'yo bang libre lang to? Ang bait nong tendiro!" Wala lang gusto ko lang magyabang.
Pero, unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita silang kinakain ang saging na lalagayan ko dapat nang asukal ngayon.
Uminit bigla ang ulo ko, lalo na sa panimula ni Joseph. "Babalik ka pa pala?" Sabi niya, ramdam ko ang talim nito.
TANGINA NAKAKATANGA NA SILA!
Nakaakbay si Joseph kay Eya ngayon! Habang kinakain ang saging na ako ang nagluto! Para akong tanga kakahanap ng asukal tapos 'di na pala kailangan?!
BINABASA MO ANG
A BEAUTIFUL SHALLOW
General FictionHopelyn Reeniee is a gold digger that doesn't digs, why? Because she's gold of herself. She is hated, loathed, and vanished but will do everything just to get the man she wants Joseph Alejandros. She will kneeld, beg and give her body. Even that she...
