15. ACCEPT OR DECLINE

2 2 0
                                    


Song: Pangarap lang kita by Parokya Ni Edgar

Bumuntong-hininga ako. Napagpasiyahan kong hindi nalang umattend sa meeting. Nandoon naman si Eya e..

Anong gagawin ko do'n?

Makikinig?

I can sense bitterness in me .... pero ang hindi ko maiintindihan ay hindi ako makaramdam ng galit.

Siguro dahil sa kabobohan ko ay hindi mahanap ng utak ko ang rason kung bakit ako magagalit kung wala namang kami ni Joseph.

Hindi man klaro ay naiintindihan ko ang punto ng lahat...

Joseph likes Eya and I'll bet Eya like him too... And he's just using me— good plan.

Hindi ko lang alam kung anong pumipigil sa kanya. I think They deserve each other. A good match, indeed. Both achievers.

Siguro nga bagay iyong mga opposite couples tulad ng mabait na babae sa badboy na lalaki tulad ng sa kwento sa libro pero mas maganda parin iyong pareho kayong dalawa. Same goals. Same lovers.

Napabuntong hininga ako. Babalik nalang ako sa room at aalis na. I feel so exhausted... Ang dami pang problema sa bahay.

Akmang patalikod na sana sa classroom nang makita ko ang headmaster!

Halos mapatalon ako sa gulat. " Ma'am!" I exclaimed. Goshhh

Natawa naman siya at napataas ng kilay. "Saan ka pupunta?" She ask. Pinanliitan ako ng mga mata.

Namutla ako feeling ko may oral recitation sa lakas ng kabog ng puso ko. "Sa meeting!" Agap ko agad.

She arch a brow more. "Doon papunta ang last floor." Turo niya sa daan paitaas.

Namutla ako. Ngumiti ako ng alanganin.
"Ahh, opo. Tiningnan ko lang po kung may nakasunod sa akin tapos nakita ko kayo." Alibi ko agad.

Hindi naman siya umalma. Kumunot ang noo ko sa kanya. " Bakit kayo naglalakad, ma'am?" I politely ask.  Headmaster naglalakad e may hagdan naman?

Natawa siya. " Kasi may paa ako, Miss Hope." Natawa siyang muli.  Muntik na akong mapairap sa hirit niya.

"Bakit  natigil ata ang pagtawag mo sa akin ng tita?" Tanong niya sabay lakad, sumunod ako habang nag-iisip ng alibi...

"We're in a school premises po kasi..." I politely answered.

"Asan na iyong future daughter in law?" She teased.

"Ang Bata ko pa po para mag-asawa" Agap ko agad.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam na maaalala niya parin iyon. Well, it's just a week though. Pero ang dami ng nangyari e.

"Ay, ganun? Ayaw mo na sa anak ko?"

"PO!?" I exclaimed. Hindi ko alam isasagot...

Tumawa lang ang headmaster sa reaction kong parang aswang at nagpatuloy kami sa kwentuhan habang naglalakad hanggang sa umabot kami sa last floor.

Napakagat labi ako.

Sa pintuan palang ay dinig na dinig ko na ang nagsasalita— si Joseph iyon. Binuksan ko ang pinto at ang lahat ng mata'y na sa akin. Napansin ko ang masasamang tingin ng iba, of course! Late ako and I disturb there meeting!

What would I expect? Mabibilang ko Lang naman talaga sa sampong mga daliri ko Ang mga ngumingite sa akin dito, e.

Pero tumayo silang lahat nang makita ang headmaster. Pinagbigyan ko siya ng daan.

A BEAUTIFUL SHALLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon