20. SCARY

3 2 0
                                        

Dedicated to @MeiNime_

Nang natapos akong kumain ay bumalik agad ako doon. Sunod lang nang sunod si Joseph sa akin Hindi ko alam kung bakit...

Pagbalik namin ay iyon din ang pagtapos nilang kumain kaya tumulong nalang ako kahit nakunot ang lahat ng noo nila sa akin...siguro dahil na naman Ito sa pag sunod ni Joseph sa akin.

Mapait akong napangiti. Pinapaselos lang niya naman si Eya gamit ako eh. Ano bang bago?

Nang natapos sa pagliligpit ay nagpahinga muna kaming lahat dahil sobrang busog pa namin...

Pasado ala-una ay nagsimula na kami sa aming gagawing maliit na bahay kubo na bubuohin gamit ang kawayan at anahaw.

At tulad ng inaasahan ay wala akong naging silbi!

'Taga' lang naman nila ako dito.

Tagahatid ng tubig...

Tagahatid ng gunting...

At kung ano-ano na kakailanganin nila...

"HOPE tubig nga!" They requested.

Tumango agad ako. "Oo, wait." Goshh

" Bilisan mo please" they complain.

Halos mapairap ako. Hindi niyo ako katulong! Mga demanding!

Ngumuso ako. Padabog akong pumunta sa kusina at dali-dali akong kumuha ng petsil at nilagyan ko ng tubig. Napangiwi ako kanina pa ako nauuhaw pero bawal ako sa  ganitong tubig...

Mabilis ang lakad ko papunta sa kanila kasi nga uhaw daw sila! Pero tanginang kapalaran nga naman! Kung sinuswerta ka! Hindi lang pala ako tanga at bobo! LAMPA rin pala ako!

" AY! TANGINA!!!" Napasigaw ako nang madulas ako. Madulas kasi ang daanan. Shit ang sakit ng pwet ko!

Naramdaman ko agad na may umalalay sa akin. Goshhh ang sakit talaga sa pwet!

"Ayan! Tinulungan ka ba no'ng tinawag mo?!" Napalingon ako sa nagsalita.

Joseph...

Kunot na kunot ang noo niya. Umi-igting pa ang panga na tila iritado. Kumunot ang noo ko.

Hiwakan niya ang binti ko. Tangina nakakahiya!

Madumi na ang binti ko! Nagsisisi tuloy ako kung bakit ako nagshorts! Goshhh pati legs ko nadumihan!

Nabasag pa iyong petsil! At natapon iyong tubig! Argg!

Humigpit ang hawak niya sa mga binti ko. Napa-igik ako sa sakit.

Tumigas ang titig niya.
"Iyan kasi nagshorts pa—"

Nagdilim ang paningin ko. Ayaw ko sa lahat ang pinapagalitan ako lalo na kung ako iyong na-agrabyado! Anong connect ng shorts ko sa pagkatapon ng tubig?!

Tinabig ko siya.
"Aray nga! Umalis ka nga Joseph!"

Dumilim ang titig niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko kailangan ang tulong niya!

"Iyan din kasi tayo, hope e. Iyan na nga lang naitutulong mo sa grupo hindi mo pa magawa ng maayos!" Hindi ko namalayang andito narin pala ang iba. Akala ko tutunganga lang sila eh!

Napairap ako. Hindi ko alam kung tagasan 'tong si teacher Ann at Parang hindi niya alam ang kaartehan kong taglay!

HINDI NAMAN PO KASI AKO SANAY SA GANITO. TANGINA.

A BEAUTIFUL SHALLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon