11. TRAILED

2 2 0
                                    

'I would not jump into conclusion.' I chanted in my head.

Kaya nanatili ako. Hindi ko naman alam kung sino ang gusto ni Eya.

Pero malakas ang kotub ko na si...

Huwag naman sana...

"Bakit hindi pa kasi aminin na may gusto siya kay Joseph, diba?" Natatawang sabi ni Ron.

Napasinghap ako. Nanlaki ang mata ko nang matama ang hinala ko. May gusto nga si Eya kay Joseph!

"Excuse me." A soft voice interrupted my thoughts. Dadaan siguro siya sa pintuan pero nakaharang ako.

Yumoko ako at dali-daling tumango. Nakaharang kasi ako sa daan. "Sorry." I said.

At agad-agad akong umalis doon at nagpunta sa classroom ko. Kinapos ang paghinga ko nang isarado ko ang pinto. Nanlalaki ang mga mata ng mga bata nang makita ako.

"Good morning, maam ganda" they greeted me.

Napairap ako sa kanila na may ngiti sa mga labi. 'Ang aga-aga nagpapasipsip na ang mga Bata!'

Tumango lang ako. "Good morning too." I greeted back.

Agad akong pumasok sa office at sumalampak sa swivel chair. Gulong-gulo ang isip ko.

May gusto nga si Eya kay Joseph!

Hindi ko alam ang dapat kung gawin o isipin. Ano nga ba? Napakamot nalang ako ng ulo ko. Nadedepress ako.

Hindi ko alam kung bakit— pero kumuha ako ng salamin sa bag ko at iniharap sa mukha ko— tiningnan ang sarili ko. Bigla akong na-concious sa itsura ko, lalo na ngayon na may competitor na ako!

Tiningnan ko ang naka-trim kong kilay. Ang mabibilog at maiitim kong mata. My cute-pointed nose and my pouty lips at ang maliit kong mukha.

I smiled at my self.— I'm so cute!

Natigil ang pagtingin ko sa salamin at aumatikong sumimangot ako. Naalala ko noon no'ng nagpatulong ako kay Eya para mapalapit kay Joseph. Kaya siguro 'di naging kami ni Joseph noon kasi hinaharangan niya!

Napahigpit ang paghawak ko sa salamin. Nabigla ako nang bukas ang pinto. The classroom president entered. Nagtatanong ang mata kong binalingan siya.

"Pretty ma'am, Teacher Eya is here." She announced.

Ngumiti ako sa kanya. 'Iyan ang gusto ko sa mga Bata, hindi nagsinungaling!'

"Papasukin mo." I please her.

"Okay po!" She said cheerfully.

Agad namang bumukas ang pinto at pumasok si Eya. Naka-teacher uniform siya na bagay na bagay sa kanya. Napanguso ako. Nadissapiont ako sa sarili ko. Ang professional niya kasing tingnan sa suot niya. Samantalang ako feeling ko magiging manang ako kung suot ko iyon.

I pouted more.

Ngumiti siya as akin. Hindi ko maiwasang maiingit sa ngipin nya. "Nag pa-brace ka?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko nang 'di ko namalayan.

Namula ako. "Wag mo nalang sagutin—" bawi ko agad.

Tumawa naman siya. "Hindi." She answered.

'Talaga? Ang wow naman ako kasi nagbrace eh! Just to achieve fair teeth.'  muntik nang lumabas sa bibig ko mabuti nalang napigilan ko.

Napansin kong hindi siya nagtatanong pabalik sa akin. She's really matured— Hindi siya chismosa.

Unlike me...

Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya. Maganda siya— chinky eyes, pointed nose— napahawak ako sa ilong ko. Nakaka-insecure. She also have a pouted lips. Mas matangkad din siya sa akin. 5'2 lang ako, I think nasa 5'7 siya.

Mabuti pa siya maaabot ang ulo ni Joseph. Ako kasi hanggang iyong ulo niya lang sa baba—

Namula ako sa iniisip ko. Kailan pa ako naging manyak?!

Napalingon akong muli kay Eya. I feel so insecure! And given the fact that she is intelligent! Impossibleng hindi magkagusto si Joseph sa kanya no!

Hindi din siya gaanong nagmake-up, unlike me kung magmake-up parang laging may party. She's very naturally beautiful.

Samantalang ako... Ano ba ako?

Arg!

I hate this feelings! Feeling ko nalalamangan ako! And to think na nerd lang naman siya noon— someone I bully, someone I bitch out.

Napalingon ako sa kanya nang tumikhim siya. Napakurap-kurap ako. I feel really imbarrased!

"A-no nga palang ipinunta mo rito?" I can't help but to stuttered.

Ngumiti sya. Mahinhin talaga siya. At masyadong tahimik— which scares me. Kadalasa ng tahimik nasa loob ang kulo.

Nakatayo lang siya at hindi na ako nag-abalang paupo-in siya, "Partner kasi ang grade 6 at grade 1 sa darating na nutrition day celebration. And since pareho tayong teacher ng section 1 which is sampaguita and Rizal I want to conduct a meeting para makapagplano tayo." She said.

Napatango ako. Alam ko na ito dahil Ito iyong pinag-usapan sa meeting no'ng lunes. According to the meeting G-6 and grade-1 will be the partners, while g-5 and g-2 and g-4 will be partners and g-3 alone dahil maraming sections ay sila lang.

Napatitig ako sa kanya. She's really responsible. Ako kasi... Nakalimutan ko na... nakalimulatan ko nga na July pa pala ngayon? Akala ko April na eh, feeling ko kasi malapit nang magbernes santo!

Tumango lang ako, walang masabi. Hindi kasi ako sanay nang ganito na may magdedependi sa mga desisyon ko, o, hinihingi ang opinion ko sa isang bagay— Well, in fashion maaasahan naman ako no!

Natahimik ako nang magsalita ulit siya, "Ang pangit naman kung matatalo tayo nang lower grade , diba?" She said arching her brows.

Very competitive, indeed!

Tumango pa rin ako, kahit wala lang iyon sa akin. Ano ngayon kung matalo kami? Mababawasan ba ang cuteness ko? Hindi naman diba?

Ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako nang alanganin. Gustong-gusto kong tanungin siya kung may gusto ba siya kay Joseph!

"Eya..." I trailed off. She arch her brow.

Gustong-gusto kong magtanong pero, " A-anong oras tayo magmemeeting?" Di ko kaya. Ang 'bobo' ko naman siguro diba kung magtatanong ako ng mga bagay na alam ko ang sagot, diba?

At Isa pa wala ako sa position para nagtanong. Sino ba ako? 'Si hope ka!' Pamimilosopo ko sa isip ko.

Napakurap-kurap naman siya sa akin. Bago ngumiti " 3:00 pm mamaya."

Ngumiti ako sa kanya. " Okay."

Tumango naman siya sa akin at lumabas na. Sinundan ko siya ng tingin. She was greeted by my students. She greeted back.

Napailing-iling ako. Nakapagdesisyon na ako.

Gusto niya man si Joseph o hindi...

Gusto man siya ni Joseph o hindi...

Ay wala akong pakealam.

Mas mayaman at maganda naman ako sa kanya!

Kaya talo parin siya!

A BEAUTIFUL SHALLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon