30. FEELING CLOSE!

15 1 0
                                    

"UUPO KA BA? O, BUBUHATIN KITA?" pabalik-balik ito sa isip ko kanina pa.

Naramdaman ko ulit ang pag-init ng pisngi ko. Dali-daling umayos ng upo. Nang tinaas ko ang paningin at tiningnan siya ulit, I saw a small smile creep in his face! 

Napairap ako. Ang landi! Feeling close masyado!

May araw karin sa akin!

Nagsimula ang meeting at pinag-usapan ang tungkol sa DAVRAA at ang mga kalahok sa gagawing patimpalak.

Napatango nalang ako habang nakikinig, hindi naman bago sakin 'yon. Dahil sumasali naman ako ng intramurals noon pero hanggang doon nga lang, wala e, bobo ako, e!

Favorite kong tingnan ang sports na track n field- ang dami kasing nanood sa larong iyon at magandang magpapansin doon dahil maraming dayo na taga-ibang school na gwapong highschooler!

Pero kung tatanungin ako ay paborito ko rin ang chess, my father and I used to play it. Hindi ko alam laruin pero nilalaro ko, sa sarili kong paraan!

Minsan nanalo ako pero madalas talo, ganun katalino ang daddy ko! Kaya niyang sabayan kung papaano ako maglaro!

Napangiti ako nang mapait. Parang may biglang dumagan sa puso ko. I missed those moments...

"Ikaw? Ano ang gusto mo?" Napabaling ako nang may isang babaeng biglang kuma-usap sa akin.

Ngumiti ako "Track n field." I simply say, kahit hindi kami close.

She seems nice and so young. Actually, halos lahat ng mga teachers dito parang ang babata pa at newly graduated. I think kami lang nila Leo at Joseph ang magkabatch! I haven't seen anyone familiar yet—walang Eya, Karen, Merida, old teachers, at sila Ron at Ryan.

Ano bang nangyari in past six years na wala ako?

Nanatili lang akong nakamasid hanggang sa hinati- hati na ang mga teachers sa ibat-ibang sports. May mga nagvolunter at kadalasan ang gustong hawakan na game ay basketball or volleyball pero nanatili lang akong tahimik at hinitay kung saan ako iaasign na team.

Bigla agad akong nanlumo nang may nai-asign na sa track n field kasi gusto ko doon ako alam ko kasi ang kalakaran doon- track will be runners and field will be those jumpers and throwers.

Pero I keep my calm, as if I have a choice to argue! Naghintay nalang ako na mai-asign ako kahit saan basta huwag lang sa water at snacks!

Ngunit sa kasamaang palad, natapos nalang ang lahat nang laro at nai-asign na lahat ay hindi ko parin nakikita ang pangalan ko sa greenboard!

Napakagat labi ako. Nakalimutan ba ni Joseph na may tachers pang hindi naka-assign? Nakakainis! Nakalimutan niya bang nandito ako?! Tiningnan kong muli ang blackboard, wala talaga ang pangalan ko!

Gusto kong umapila! Objection your honor!

Seryoso si Joseph sa pagsasalita kaya hindi ko masabi ang problema ko at medyo takot akong umapila baka hindi niya ako pansinin at tsaka ang bago pa lang! Nakakahiya!

"Sir Joseph?" napatingin ako sa tumawag kay Joseph, si Leo.

Kumunot ang noo ko nang bumaling ang titig ni Leo sa akin. "Si ma'am Hope, hindi pa naka-assign..." nanlaki ang mata ko "Baka pwede magkasama nalang kami?" he said politely.

Halos mapatalon ako sa tuwa. Yes!

Nilingon ko si Joseph ngunit hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"No." His face blank. " Teacher Hope, will be with me in the mind games." He said timidly.

I gasped. Gosh, sure na?!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A BEAUTIFUL SHALLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon