14. SHALLOW

2 2 0
                                    

Nalate ako pagpasok sa duty ko- na labis na ikinatuwa ng mga estudyante ko. Nasimulan namin ang klase nang 1:45pm kaya hindi na aabot ng tatlong oras ang klase ko dahil sa gaganaping 'general meeting' para makapaghanda kami sa darating na nutrition day ngayong lunes.

Sabi ni Eya sa akin kanina dapat ay nandon na kami 3:00 pm sharp, Kasi ee-explain pa kasi ng headmaster ang mechanics bago kami magkanya-kanya ng meeting.

Nang nagbell hindi na ako nakipag-unahan sa mga bata na lumabas. Pinauna ko sila.

Nakita ko naman iyong batang couple- hawak ng batang lalaki ang kamay ng babae habang hinihintay na lumabas ang mga Batang kaklase.

Napairap ako sa kawalan. Ang hirap maging single!

Napabuntong hininga ako. Wala naman kasi kaming label ni Joseph. Everything we have is just... flirting. Gusto ko siya at alam niya iyon. Ang tanong gusto rin ba niya ako? Pero bakit naman siya nagpapahalik kung hindi, diba?

Sa last floor mage-general meeting ngayon at dahil nasa first floor ako, ay sigurado akong malalate na naman ako!

Napanguso ako.

Mage-elavator sana ako- pero nakita kung puno ang mga ito. Bumagsak ang mga balikat ko. No choice maghahagdan ako. Lalakarin ko ang hagdan hanggang 7th floor.

Nalukot ang mukha ko. Mahaba-habang lakad ito!

Nasa 2nd floor na ako- grade 2 area. Hinihingal na ako hindi naman kasi ako sanay maglakad! Ang tamad ko pa! Huminto ako saglit sa paglalakad para habulin ang hininga ko. Feeling ko hindi ko na Kaya!

Naupo ako sa hagdan nang may narinig akong tinig- ingay ng mga pamilyar na tao. I don't know what's with me today pero hindi ko sila pinansin- ayaw kong maki-chismiss.

Siguro dahil gusto kong magmadali sa pagpunta sa itaas ng building para makita si Joseph...

"Sinundan niya talaga!" Somebody exclaimed.

Nagpatuloy lang ako sa pag-akyat at hinihingal na ako kahit 2nd floor palang Ito.

"Kita mo iyong mukha niya nang makitang naghalikan kayong dalawa? Pulang-pula! Galit na galit." Tatawa-tawang sabi nito.

I don't know what gotten into me pero bigla akong naging interisado sa usapan. Sinong galit? Sinong naghahalikan? May teachers na naghahalikan? Alangan namang mga studyante, diba?

'Gusto mo na namang maki-chismiss, hope! Hindi kana nagbago!' gagad ko sa isip ko.

Napaupo ulit ako. Nakakapagod!

"You know what? Joseph, effective iyong moves mo!"

Automatikong napanteg Ang mga tenga ko at nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Joseph- ibig sabihin ay kasama nila ito!

"Yeah, mapapasagot mo na si Eya pag nagkataon. Halata naman e! Hindi ko lang alam kung bakit binasted ka niya noong manligaw ka!" The other one seconded.

WHAT?!

Napanganga ako.

Ano daw?!

Si Joseph nanliligaw kay Eya? Binasted siya ni Eya?

Mas lalong nanlaki ang mata ko. Akala ko noong una si Eya ang may gusto kay Joseph! But it turns another way around! SI JOSEPH ANG MAY GUSTO KAY EYA?!

Hindi ko alam kung bakit nangingilid ang luha sa mata ko.

Nasasaktan ka tanga!

Pero bakit naman ako masasaktan? E gusto lang naman ni Joseph si Eya. Anong masama don? Wala namang Ipinangako si Joseph sayo? Walang kayo kaya bakit ka masasaktan, Hope!

Gosh?! Bakit ang babaw ko?! May gusto lang si Joseph! Tanga! Bakit ka umiiyak?!

Wala naman silang ginawang masama sayo!

Nakarinig ako ng tawanan ma nagpabalik sa ulirat ko. "Tama ang choice mong si Hope ang gawing girl para pagselosin si Eya." Someone said.

Nalito naman ako nang marinig ang pangalan ko. Bakit ako nasali?!

Napakagat labi ako.

G-ginagamit ako? Para pagselosin si Eya?! Para mapaamin si Eya sa tunay niyang nararamdaman para kay Joseph?!

Gosh?!

Bakit ako?

"You know there past... Hope bullied Eya before and to think inagaw noon ni Hope ang boyfriend ni Eya!" They exclaimed.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Totoong naging bully ako kay Eya pero wala akong inagaw- Well, siguro iyong mga crush niya lang naman! Hindi ko naman sinagot!

I pouted. As if nagkaboyfriend ako!

"Ang pakipot naman niyan ni Eya! Si Karen nga hinalikan ko lang walang ligaw-ligaw sa Kama agad ang bagsak namin!" Tatawa-tawang sabi ng Isa. I'm not sure who among the group pero nasa kina, Ryan, Kevin, at Ron.

Napanganga ako, Hindi makagalaw. Hindi ko talaga alam kung bakit sobrang sakit...

E, ano naman ngayon kung gusto ni Joseph si Eya?

E, Wala namang sila!

E, ano ngayon kung ginagamit lang ako ni Joseph para makuha si Eya?

Napakagat labi ako.

Hindi naman dapat ako masaktan kasi hindi naman ako pinaasa ni Joseph... Hindi ko naman maalalang sinabihan niya ako na gusto niya ako o Mahal...

Siguro iyong pride at ego ko lang iyong nabasag. Akala ko kasi si Eya ang may gusto kay Joseph, pero si Joseph pala. ..

Given the idea na nerd noon si Eya- someone I looked down tapos sa kanya pa nagkagusto si Joseph...

I smiled bitterly as I feel my eyes watered....

Bakit ako iiyak?

Bakit ako magagalit?

E, Pangarap ko lang naman siya...

Pangarap na- Mahalin

A BEAUTIFUL SHALLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon