chapter 9

33 3 0
                                    

CHAPTER 9

"Sawakas na tapos na din tayo!"sabi ni Daimi pabagsak syang umupo sa upuan dito sa kusina nila.

"Pumasok na kayo sa kwarto  Daimi,Pahiramin mo ng damit si Yesica."sabi ni tita dali dali namang pumasok si Daimi sa kwarto nya

"Mamaya  na tita tutulong muna ako dito!"sabi ko pero pinigilan nya ang akma kong pagkuha ng mangkok.

"Magpahinga kana Yesica,Alam kong pagod kana."Mahinahong sabi ni tita pero nakangiti akong umiling."Hindi ako pagod tita!Kaya ko-"

"Hindi physical na pagod nag ibigsabihin ko Yesica,Emotional ang ibig sabihin ko."natigilan ako sa sinabi ni tita

Emotional..

"Tita.."

Hinawakan ako ni tita sa braso at hinila para yakapin ako.Hindi ko napigilang pumikit at damhin ang yakap ng..isang ina.

"Ina ako Yesica kaya alam kong hindi ka ok,Hindi kita pipiliting magkwento pero tandaan mong nandito lang ako."Humiwalay ako kay Tita at tumalikod para magpunas ng luha.

Nakangiti akong humarap kay tita."Pagod lang ako sa school tita!Dami kasi arte ng prof namin!"pagdadahilan ko pero hindi umimik si tita nakangiti lang sya saakin kaya nagiwas ako ng tingin.

"S-sge po susunod na ako kay Daimi.."sabi ko tumango naman sya kaya tumalikod na ako.

Ganun ba talaga kapag nanay?Nalalaman agad ang nararamdaman ng anak?Pero bakit si mama hindi manlang makita ang paghihirap ko?Dahil ba hindi nya ako tinuturing na anak?.

"Matutulog kana?"napatingin ako kay Dave  kalalabas lang nya sa kwarto nya.

"Yup!Good night Dave!"sabi ko ngumiti sya saakin pinatong nya ang kamay nya sa ulo ko.

"Good night Yesica sweet dreams!"Ginulo pa nya ang buhok ko bago inalis ang kamay nya.

Pagpasok ko sa kwarto ni Daimi naabutan ko syang nagaayos ng damit sa ibabaw ng kama.Bumaling sya saakin at ngumiti.

"Ito na muna suotin mong damit,Yung uniform mo lalab-"

"Uuwi ako ng maaga bukas para umuwi sa bahay,Nakalimutan ko rin kasi yung project ko doon."sabi ko tumango naman sya.

"Oo nga pala,Kanina pa tunog ng tunog yung cellphone mo!"Sabi nya naglakad ako papunta sa bag ko kinuha ko yung cellphone ko doon.

From;Cy the tukmol

Anong ginagawa mo?

7;30 pm

From;Cy the tukmol

Kumain kana?

7;45 pm

From Cy the tukmol

Hey!What are you doing?Kausap mo ba yung dave na yun?Reply ka naman babe pupunta talaga ako dyan!

8;05 pm

Napairap ako sa mga text nya marami pa syang text pero hindi kona binasa.

To;Cy the tukmol

Matutulog na ako.

9;25 pm

Binaba ko agad yung cellphone ko ng matapos akong makapag text.Napatingin ako kay Daimi na kalalabas  lang sa banyo.

"Ikaw na."sabi nya tumango ako at pumasok sa banyo dala ang damit na pinahiram nya saakin.

Pagtapos kong maglinis ng katawan lumabas na ako ng banyo naabutan ko so Daimi na may kausap sa cellphone.Sino pa nga ba edi yung malandi nyang jowa.

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon