CHAPTER 19
"Do i look fine?"kabadong tanong nya umirap ako dahil kanina pa nga ako tinatanong simula nang magkita kami.
"Cy magprapratice ka hindi makikipagdate,Ang importante doon ang boses mo hindi ang itsura mo."sabi ko tumango tango sya habang inaayos ang suot nya.
Nakiusap sya saakin na samahan sya ngayon dahil kinakabahan sya.Hindi naman ako nagdalawang isip na pumayag dahil gusto ko ring magpasalamat kay Michael dahil sa pagtanggap kay Cy.
"Kinakabahan ako!"bahagya akong natawa sa sinabi nya huminto ako at humarap sakanya.
Hinawakan ko ang kamay nya."Hindi ka tatanggapin ni Michael kung wala kang kakayahan,Just trust yourself,ok?Ipakita mo sakanila kung ano ang kaya mo at kung gaano ka kagaling kumanta."nakangiting sabi ko pero nawala ang ngiti ko nang makita kong nakakunot ang noo nya.
"Bakit?"
"Kilala mo si Michael?"natigilan ako sa sinabi nya
Ang saya at kaba sa mukha nya kanina at napalitan ng dissapointment.
"Yesica don't tell-"
"Nirecommend lang kita sakanya dahil alam kong magaling ka,Hindi ko ginagawa toh dahil naawa ako sayo..Ginagawa ko to dahil gusto kita tulungan,At isa pa professional si Michael kung alam nyang wala kang talent kahit gaano pa kami kaclose hindi ka nya tatanggapin."paliwanag ko halata parin sa mukha nya ang kalungkutan.
"Hindi mo naman kailangang magmakaawa sakanya-"Inis kong hinagis pabalik sakanya yung kamay nya
Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi nya.Parang may pumiga rin sa puso dahil sa nakikitang dissapointment sa mata nya.
"Nagmakaawa?!Tingin mo ganun akong klaseng tao?Hindi ako magmamakaawa dahil lang sayo Cy,Ang sabi ko nirecommend kita hindi ako nagmakaawa!Kung ayaw mong maniwala edi umalis kana!Hindi ka manlang marunong magappreciate ng effort!"inis na sigaw ko bago naglakad paalis.
Nakakasama sya ng loob nageffort na nga ako dahil alam kong wala syang lakas ng loon na magaudition tapos ganto pa ang gagawin nya?Nang dahil lang doon ano aatras na sya?Napakahina nang loob!
"Bwesit!"
Imbis na umuwi dumeretso ako papunta sa studio nila Michael.Tutal ayaw nung bwesit na lalaking yun sasabihin ko nalang na maghanap sila ng bago.
Napahinto ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko.Mas lalo akong naiinis nang makita ko si Cy ang may hawak sa braso ko.Binawi ko ang braso ko at muling naglakad pero humarang sya sa harapan ko.
"Ano!?"
Binasa nya ang labi nya bago tumingin saakin.
"Sorry...I didn't mean to....Ahmm sorry."sabi nya habang nakayuko sya napailing ako.
"Umuwi ka nalang."sabi ko agad naman syang nagtumingin saakin at umiling."No!I mean i should grab this opportunity so.."nagkibit balikat sya pagtapos sabihin yun.
"So napipilitan ka?"tanong ko sunod sunod naman syang umiling.Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang bigla syang lumapit at hinawakan ang dalawang pisngi ko.
"Sorry and...Thank you i appreciate your effort."sabi nya
Hindi ako nakagalaw pagtapos nya akong nakawan nang halik at tumakbo paalis.Ilang segundo pa akong nakatulala bago nagsink in saakin ang nangyari.
Hinawakan ko ang labi ko at imbis na mainis may ngiting sumilay sa labi ko.
PAGDATING ko sa studio nila Michael naabutan ko si Cy na nakatayo sa harap ng pintuan.Agad ko syang nilapitan at pinagsisipa.
"Aww!Babe!..Ouch!"
"Napakatarantado mo talaga noh!"inis na sabi ko habang patuloy sa paghampas at pagsipa sakanya.Huminto lang ako ng bumukas ang pinto at lumabas si Michael.
Ngumiti sya
"Akala ko kung sinong nagaaway."Naiiling na sabi nya tumingin sya saakin."Napasadista mo talaga!"natatawa sabi nya.
Tinignan ko sya ng masama bago naunang pumasok sa loob ng studio nila.Binati ako nang mga kabanda nya ngiti lng ang sinagot ko.
"Wala manlang pagbati."bumalik ang tingin ko kay Michael.Nasa bewang ang kamay nya nakataas din ang kilay nya.
Napangiti ako at tumakbo papunta sakanya para yumakap.Natawa naman sya at bumawi ng yakap.
"Thank you.."bulong ko na sya lang ang makakarinig.Lumayo ako sakanya ginulo nya ang buhok ko.
"Sya lang rin ang nagustuhan ko sa lahat nang nagaudition."sabi nya tumango ako tapos pabiro syang sinuntok sa tyan.
Nahinto lang kami sa pagkukulitan nang may tumikhim.Sabay kaming napatingin kay Cy na ngayon ay madilim ang mukha.Nawala ang magaan nyang awra.
"Ahh!Michael ito si Cy...Cy si Michael."sabi ko nagkamayan naman sila.
Nanlake ang mata kong tumingin kay Cy nang hapitin nya ang bewang ko papunta sakanya.Narinig ko ang pagtawa ni Michael.
Tumingin ako sakanya kumindat naman sya.
"Mukhang magpapakasal nanaman ang next vocalist namin ah."
*******
Lumipas ang ilang linggo patuloy lang sa pagprapractice si Cy.Minsan kasama ako pero minsan hindi dahil busy rin ako sa school.Next month pa naman ang umpisa nang pagsama ni Cy sa mga gig dahil kailangan pa nyang magensayo.Masaya ako dahil mabilis nyang naging close ang mga kabandmate nya.At unti unti nakikita ko kung paano sya nagiimprove lalo na sa pagkakaroon nang tiwala sa sarili nya.
Masaya ako para sakanya pero hindi ko alam pero kumukirot ang puso ko dahil minsan nalang kami magusap at
magkasama.Masaya ako para sakanya,Maayos din ang relasyon nila Daimi ay jeskel.Masaya ako para sakanila kahit paano nagkakaroon nang dulot ang araw araw kong pagtayo sa higaan.
Napayakap ako sa braso ko dahil sa lamig nang simoy nang hangin.Malapit na palang magpasko pero wala akong nararamdamang saya.
Kasi sa mga panahong yun..Yun yung mga panahon na dapat magkakasama ang buong pamilya.Pero sa panahon na yun lagi akong magisa.
Usually kapag gantong mga panahon laging natritrigger ang asthma at anxiety ko dahil sa gantong panahon naalala ko ang araw ng kaarawan ko.
November 20....
Araw ng gusto ko laging bawiin ang buhay na binigay saakin.Natatakot akong dumating ang araw na yan dahil sa araw na yan lahat ng sakit damang dama ko.Natatakot ako dahil kapag dumadating ang araw na yan walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang bawiin ang buhay ko.
Sa araw na yan lagi akong magisa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi.Huminga ako nang malalim dahil kumikirot ang puso ko dahil sa mga bagay na nasa isip ko.Ilang linggo nalang birthday kona...
Think positive Yesica!
But there's no positive in my life...
Napahinto ako sa paglalakad nang makitang may nakaparadang kotse sa tapat nang bahay.
Nanlake ang mata ko.
Si papa!
Naalala nya kaya ang paparating na kaarawan ko kaya sya nandito?Gusto kaya nyang maging kompleto kami para maging masaya ako?
Tumakbo ako papunta sa kotse nakita ko ang isang lalake sa tabi nang kotse.Nang makita nya ako umayos sya nang pagkakatayo at humarap saakin..
"Sino ka?"
Nasaan si papa?
"Pinapatawag ka ni Mr.Austria."Mas lumaki ang ngiti ko dahil sa sinabi nya.
"Si papa!?"
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Teen FictionAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...