Chapter 52
Ilang beses akong kumurap habang nakatingin sakanya habang sya nakangiti habang nakatingin saakin.
Bumaba ang tingin ko sa hawak nyang nga damit.Yakap nya lang ang mga damit.Tumaas ang kilay ko ng makitang ang iba doon nakatupi pa
Bakit nandito to?Ang alam ko pinauwi ko sya kagabi pagtapos namin kumain?
Unti unting nanlake ang mata ko ng may marealise ako.Tumingin ako sa pintuan ng kapitbahay ko bago muling tumingin sakanya.
"I-ikaw ang kapitbahay ko?"hindi makapaniwalang tanong ko proud syang ngumiti kaya napanganga ako.
"Yes babe!"nakangiting sabi nya napalitan ng pagkainis ang pagkagulat ko kaya tinignan ko sya ng masama.
"At bakit dyan ka naman nakatira?"nakataas ang kilay na tanong ko sakanya.
Hindi sya umimik basta nalang nya nilapag sa sahig ang mga damit nya katabi ng mga damit ko.
"Naghahanap ako ng bahay-"
"Wag mokong pinagloloko Cy!Kung naghahanap ka edi sana condo ang hinanap mo hindi yung gantong apartment-"
"Bahay na malapit sayo."natigilan ako sa sinabi nya."Naghahanap ako ng bahay na malapit sayo.And lola recommend the house behind you so."nagkibit balikat sya
"Pero..pero bakit?Malayo toh sa bahay ng parents mo at sa fiance mo..Bakit dito?"tanong ko
"Kasi nandito ka,Wala na akong ibang rason kung hindi dahil nandito ka.Hindi man tayo pwedeng magdikit 24/7 atleast pwede kita makita at mahalin 24/7"sabi nya pagtapos ay kumindat.
Umiwas ako ng tingin ramdam ko ang paginit ng pisngi ko.
Bakit may pabanat?Hindi naman ako kinikilig eh hindi talaga promise!
Hindi na ako umimik inayos ko nalang ang mga labahan ko.Focus tayo sa mas importanteng bagay.
"Pano maglaba?"tumingin ako sakanya naabutan ko syang nakatingin sa ginagawa ko.
"Doon ka kay lola magpatulong."sabi ko
"Bakit kay lola pa?Pwede namang sayo?"napairap ako sa sagot nya.
Kahit kailan hindi nawawalan ng isasagot ang lalakeng toh.Laging may sagot sa lahat ng bagay.
"Kapag kinasal na tayo hindi kana maglalaba."tinasaan ko sya ng kilay."Sinong nagsabing ikakasal tayo?"tanong ko ngumiti sya.
"At sinong nagsabing hindi tayo ikakasal?"pagbabalik nya sa tanong.
Hindi na ako umimik at nagpatuloy nalang sa paglalaba nakita kong ginagaya nya lahat ng ginagawa ko.
Nanlake ang mata ko ng makitang hawak nya ang brief nya habang nakakunot ang noo.
"Saan ko ito ilalagay?"tanong nya
"H-huh?"wala sa sarili tanong ko tumaas ang dalawang kilay nya habang pabalik balik ang tingin sa ginagawa ko at sa hawak nya.
"Ano bang pinaghihiwalay mo?"nakakunot ang noong tanong nta napakurap kurap ako bago binalik ang tingin sa labahan ko.
Tumikhim ako."Paghiwalayin mo ang decolor at mga puti."sabi ko tumango sya bago sinunod ang sinabi ko.
"Tapos?"tanong nya
"Ilagay mo ang powder sa palanggana tapos lagyan mo ng isang timbang tubig."sabi ko ng hindi nakatingin sakanya dahil busy ako sa labahan ko.
"Powder?"tinignan ko sya nakahiwalay ang mga damit nya habang nakalapag sa sahid.
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Novela JuvenilAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...