chapter 15

32 2 0
                                    

CHAPTER 15

"Talagang wala kang balak patahimikin ang buhay ko kahit weekends noh!"inis na sabi ko

Tulad ng dati cool syang nakasandal sa motor nya ang kamay nya ay nasa bulsa ng Jogging pants nya.Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa naka black t-shirt at black jogging pants nakawhite nike na tsinelas din sya.

Nakataas ang kilay ko syang tinignan."Anong meron?Bakit ganyan suot mo?May patay?"tanong ko pero pinakita nya lang saakin ang killer smile nya hinawi nya ang buhok nya bago umayos ng pagkakatayo.

"Yung puso ko...Patay na patay sayo!"Taas baba ang kilay nya habang sinasabi ang mga linyang yon napairap naman ako.

"Ako ba pinagloloko mo?Kukuha ka na nga lang ng banat sa ninuno mo pa!"sabi ko tumawa naman sya at pasimpleng umakbay saakin.

Tinanggal ko naman agad yun at lumayo sakanya."Bakit kaba nandito?At bkit ganyan suot mo?"tanong ko ngumiti sya binalik nya ang kamay nya sa loob ng bulsa nya.

"May date tayo ngayon,At ganto ang suot ko para parehas tayo,Alam ko naman kasing ganyan ulit ang damit mo."tinignan nya ako mula ulo hanggang paa nakangiting umiling sya.

"Date?Kailan ako umoo?Saka may problema ka sa suot?"nakataas ang kilay na tanong ko

Nakaoversize yellow tshirt at Black jogging pants lang ako dahil ito talaga ang pambahay ko.Nagsusuot din naman ako ng sando pero madalang lang mas ok nang balot atleast walang maakit saakin.

Taka ko syang tinignan nang lumapit sya saakin.Napangiwi ako ng pisilin nya ang pisngi ko sinuntok ko sya sa tyan kaya nabitawan nya ang pisngi ko.

Nanahimik ang pisngi ko ginugulo!Bakit hindi nya pisilin ang Pisngi nya para maranasan nya.Alam kong cute ako pero wag naman nyang ipahalata.

Bago sya tuluyang lumayo ninakawan pa nya ako ng halik sa pisngi dahilan para maestatwa ako sa kinatatayuan ko.Hindi naman ito ang unang beses nyang ginawa yun pero lagi parin akong nagugulat.

"Ang cute mo sa damit mo kaya ginaya kita para cute couple tayo!"pilit kong magmukhang mataray pero hindi ko napigilang matawa sa sinabi nya

"Hutek na yan cute couple?Ano tayo highschool?"Natatawang sabi ko gaya ko tumawa lang rin sya

Napatingin ako sakanyan ng iabot nya saakin ang helmet.Tinaasan ko sya ng kilay alam ko naman na ang ibigsabihin nya nun.

Tatlong buwan na nya akong kinukulit at kada weekends pinupuntahan nya ako dito para  sunduin.Iba't ibang lugar narin ang napuntahan namin dahil sa kaadikan nya pero hindi ko man aminin nageenjoy ako tuwing kasama kosya.

Mas nakilala namin ang isa't isa mas naging close kami.Hindi ko alam kung bakit nagtitiwala ako sa mukha nya basta sumasama nalang ako kasi alam kong sasaya rin naman ako pagsumama ako.

"May gusto akong ipakita sayo.."tinitigan ko sya pero umiwas sya hindi rin nakalagpas saakin ang pagkamot nya sa batok nya tumaas ang dalawang kilay ko ng makita ang pamumula ng tenga nya.

Nakaramdam ako ng excitement dahil doon.Kinain ako ng curiousity ko gusto kong malaman kung bakit namumula ang tenga nya at kung bakit mukha nyang nahihiya na never kong nakita sakanya.

Kinuha ko ang helmet mula sakanya."Lets go!"sabi ko bumahid ang pagkagulat sa mukha nya pero napalitan agad iyon ng ngiti.

Kumapit ako sa balikat nya ng magumpisa syang magdrive.Napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang hangin hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon.

Sa tatlong buwan na nakasama ko si Cy naging comfort ko narin ang hangin tuwing bumabyahe kami.Lagi akong narerelax tuwing tumatama saakin ang hangin.Lagi ko syang sinusungitan pero excited rin ako tuwing susunduin nya ako dahil alam kong sasaya nanaman ako kapag dumating sya.

Bawal marupok...i mean bawal maging obvious na marupok masama yun.

Dumaan kami sa Mcdo para kumain ng late lunch dahil hindi pa daw sya kumakain.Pagtapos naming kumain umalis narin kami.

Hindi nagtagal huminto ang motor  nya sa pinagdalhan nya saakin dati Sa lugar kung saan unang beses nya akong nakitang umiyak.Ang lugar na never kong makakalimutan.

Pagbaba ko tumakbo agad ako papunta sa tabing dagat tinupi ko ang  jogging pants ko hanggang tuhod napangiti ako ng mabasa ang paa ko dahil sa alon ng tubig.

Huminga ako ng malalim bago pumikit at tinaas ang dalawang kamay para salubungin ang hangin.Para saakin hangin ang naging kaibigan ko nung panahon na lagi akong malungkot hangin lang ang nakakapagpakalma saakin tuwing inaatake ang ng asthma at anxiety ko.

Napamulat ako ng maramdaman ang dalawang braso na pumulupot sa bewang ko.Lalayo na sana ako ng humigpit ang pagkakayakap nya pinatanong din nya ang baba nya sa balikat ko.

"I really love your smile...Pakiramdam ko natapos ko ang misyon ko sa buong araw tuwing nakikita ko ang ngiti mo."sabi nya masyadong magkadikit ang katawan namin kaya nagbibigay iyon ng kakaibang pakiramdam saakin.

"A-ano bang misyon mo?"tanong ko.

"To make you smile,that's my daily mission."pinilit kong lumayo sakanya hinayaan naman nya ako kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na humarap sakanya.

"Why?I mean bakit mo to ginagawa?Hindi naman importante-"

"Your smile is very important to me..Always remember that."seryosong sabi nya kinuha nya ang kamay ko at hinila ako sa paalis sa tubig.Pinaupo nya ako sa buhangin bago sya tumalikod saakin pagbalik nya ny dala na syang gitara na hindi ko alam kung saan nagmula.

Ngumiti sya saakin pagupo nya sa harap ko.Taka ko syang tinignan at tumingin sa gitara nya.

"Marunong kang maggitara?"tanong ko tumango sya."Eh kumanta?"tanong ko doon sya nagiwas ng tingin unti unting sumilay ang pilyong ngiti sa labi ko.

"Maggigitara lang ako."sabi nya pinagkrus ko ang braso ko."Kanta ka!"Nanlake ang mata nya sa sinabi ko sunod sunod syang umiling.

"Hindi ako magaling kumanta!"Pagtanggi nya sumimangot ako."Pero marunong ka!Kapag hindi ka kumanta hindi natalaga kita papansinin kahit pa pumunta ka sa bah-"

"Ok!Fine..ahm wag ka lang tumawa ah!"sabi nya sunod sunod akong tumango hindi ko alam pero excited akong marinig syang kumanta..

Ilang beses ko narin syang narinig sumabay sakanta pero hindi ko masyadong marinig kaya curious din ako.Ilang beses syang huminga ng malalim titingin sya saakin tapos hihinga ulit ng malalim.

"Pakisabi nalang kung kailan ka matatapos sa paghinga ah?"sarcastic na sabi ko bahagya syang tawa

Nagumpisa na syang magstrum ng gitara deretso lang ang tingin ko sakanga habang sya nasa gitara ang mata.

"Can i call you baby?
Can you be my friend
Can you be my lover at until the very end."nakapikit sya habang kinakanta ang mga word na un

Nanlake ang mata ko ng marinig ang boses nya hindi ko inakala na ganto pala kaganda ang boses nya.Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang kumakanta sya.Namumula ang tenga nya at hindi pa sya nagaangat ng tingin saakin.

Nang matapos ang kanta nya pumalakpak ako napakamot sya sa batok nya at parang nahihiyang tumingin saakin.

"Ang ganda ng boses mo!"

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon