chapter 20

31 2 0
                                    

CHAPTER 20

Hindi mawala  wala ang ngiti sa labi ko habang nasa byahe kami papunta sa bahay ni papa.Ang mga malulungkot na bagay na pumasok sa isip ko kanina nawala.

Walang mapaglagyan ng saya ang puso ko ngayon dahil hindi tumitigil ang isip ko kakaisip kung anong pwede namin gawin sa araw nang birthday ko.

Pwede ko silang yayain sa pinagtatambayan namin ni Cy napakaganda doon kaya maganda kung doon kami magbobonding!

Ano kayang magandang isuot kapag dumating ang araw na yun?Dapat maganda ako kasi birthday ko yun...

Niyakap ko nang mahigpit ang bag ko habang nakapikit.Ano kayang pakiramdam nang mayakap silang dalawa?Siguro napakasarap sa pakiramdam nun.

Sa buong byahe hindi nawawala ang ngiti ko.Ang saya sa puso mas lalong  nadadagdagan habang palapit kami nang palapit sa bahay ni papa.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang pagbuksan ako nang pinto nung driver.Ngingitian ko sya gumanti naman sya nang ngiti.

"Salamat po!"masiglang sabi ko

"Inaantay napo kayo ni Mr.Austria sa opisina nya."sabi nya tumango ako bago naglakad papasok sa bahay nila.

Napanga nga ako sa ganda nang bahay nila napakalaki at napakaganda....Parang Cr lang ata nila ang bahay namin siguro kung tanggap ako ni papa baka dito ako nakatira at masaya syang kasama...kasama si mama.

"Magandang gabi hija.."napatingin ako sa nagsalita  nakita ko ang asawa ni papa na  nasa living room at umiinom nang kape.

Ngumiti ako."Magandang gabi po!"sabi ko ngumiti sya pagtapos ay tumayo.

Yung ngiti nya hindi tulad nang akin na masayang ngiti..yung kanya kasi malungkot na ngiti pakiramdam ko mabait naman sya kasi hindi nya ako inaaway kahit alam nyang anak ako sa labas ni papa.

"Pasensya kana hija ah..Nalaman kasi nang anak namin ang tungkol sayo."malungkot na sabi nya napawi ang ngiti ko dahil doon.

Nalaman?Ang tungkol saakin?

Wala akong maintindihan sa mga sinabi nya may pumapasok na idea sa usap ko pero hindi ko pinapansin yun.

"A-anong pong ibig sab-"

"Ms.Yesica pinapatawag po kayo ni Sir."nabaling ang atensyon ko sa babaeng tumawag saakin.

Bumalik ang tingin ko sa Asawa ni papa pilit akong ngumiti bago naglakad paalis.

Unti unti nalalamon na nang kakaibang emosyon ang puso ko pero pinipilit kong inaalis yun.

Marami pa kaming gagawin sa birthday ko...Magkakasama kami  sa araw nang birthday ko..

Napalunok ako nang pagbuksan ako nang pinto nung babae  papasok sa  opisina ni papa.Naabutan ko syang nakaharap sa laptop nya.Ngayon ko lang sya nakita inperson at masasabi kong magkamukhang magkamukha kami.

Umangat ang tingin nya saakin ginapang ng kaba ang puso ko pero nagawa ko paring ngumiti sakanya.

"Papa.."

"Maupo ka."sabi nya  kaya dali dali akong umupo sa kaharap nyang upuan.

Seryoso lang ang tingin nya saakin habang ako hindi inaalis ang ngiti sa labi ko.

"Ang laki mo na."may namumuong luha sa mata ko pero pinipigilan ko iyon at mas nilakihan ang ngiti.

"B-bakit nyo po ako pinatawag papa?"tanong ko naalis ang tingin nya saakin dahil may kinuha sya.

Hindi nagtagal may nilapag syang credit card sa harap ko.Taka ko syang tinignan sumandal sya sa upuan nya at matiim na nakatingin saakin.

"Take it."sabi nya."Para saan po yan?"takang tanong ko.

"Nalaman nang anak ko ang tungkol sayo and she's so mad at me."sabi nya unti unti napawi ang ngiti at saya  ko sa sinabi nya.

"A-ano pong ibig nyo sabihin pa?"tanong ko huminga sya nang malalim.

"May lamang pera ang credit card na yan.Mabubuhay kana nang perang yan sa loob nang limang taon siguro sa panahon na yun nakagraduate kana at may trabaho kaya hindi mona kailangan ang pera ko."walang buhay na sabi nya.

Parang piniga ang puso ko dahil sa sinabi nya.Edi hindi pala dahil sa Birthday ko kaya ako pinatawag dito?

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.Gusto ko nang putulin ang koneksyon ko sayo para hindi magalit saakin ang anak ko-"

"H-hindi nyo po ba ako pinatawag dito p-para batiin nang happy birthday?"mahina ang boses na tanong ko ang luha ko ay naguumpisa nang tumulo

Nakita ko ang pagdaan nang gulat sa mata nya pero bumalik din yun sa pagiging walang buhay.

"Hindi..Kunin mo na yan at umalis kana."sabi nya at binalik ang tingin sa laptop nya napahikbi ako habang nakatingi sakanya.

"A-akala ko naalala nyo...Akala ko mahal nyo na ako.."nakapikit na sabi ko.

Huminga ako nang malalim nang magumpisang sumakit ang puso ko lumunok ako at pinunasan ang pisngi ko bago tumayo.

"Hindi kopo kailangan ng pera nyo."sabi ko at tumalikod

"Kunin mo to para hindi na kita isipin..At hindi ako dalawin nang konsensya ko."hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya

Mabigat ang bawat paghinga ko habang nakatingin sakanya.Hindi ko akalain na sya ang tatay ko pano nya naaatim na gawin to sa sarili nyang anak?

Mapait akong napangiti anak nga lang pala ako sa pagkakamali.Kinuha ko ang credit card at tumingin sakanya.

"Salamat po papa."sabi ko at derederetsong lumabas nakasalubong kopa ang asawa nya pero hindi na ako nagpaalam.

Hanggang sa makalabas ako sa village nila wala akong tigil sa pagiyak ang sakit na araw araw kong nararamdaman mas domoble.

Lahat nang nasa isip ko kanina imagination  lang pala na never  matutupad.Dahil ayaw na nila saakin lahat sila gusto ay ang mawala ako...

Huminto ako sa isang bench at naupo doon dahil nahihirapan na akong huminga nilabas ko ang inhaler ko at nilagay iyon sa bibig ko.

Hindi ko alam kung nasaan ako..

Ilang minuto pa akong nanatulala lang  doon bago ako nakarinig nang boses sa tabi ko.

"Ok ka lang po ba  ate?"dahan dahan akong tumingin sa katabi kong bata.

Isa syang batang lalake madungis sya pero halata parin ang kaputian nya.Obvious na hindi talaga sya isang pulubi.

"Sino ka?"tanong ko hindi sya sumagot tumayo sya at naglakad papunta sa harap ko.

Nagulat ako nang bigla  nyang punasan ang pisngi ko.

"Sorry po marumi kamay ko...Pero dapat hindi kayo umiiyak."para may humaplos sa puso ko at bigla nalang syang niyakap.

"Ako po pala si niks.Wag na po kayong yumakap saakin madumi po ako."sabi nya humiwalay ako sakanya

Hindi ko akalain na sa isang bata pa ako makakanap ng comfort ngayon.

"Salamat.."sabi ko ngumiti naman sya saakin na nakapagpagaan nang pakiramdam ko.

"Dapat po malakas kayo!Kapag umiyak lang kayo walang mangyayare sainyo dyan."napangiti ako sa sinabi nya

"Pero masakit kasi eh.."sabi ko gamit ang maliit na kamay tinanggal nya ang buhok na humaharang sa mukha ko.

"Be strong ate don't make them smile because of your tears"

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon