chaptet 58

30 2 0
                                    

Chapter 58

Narinig ko ang hiyawan ng mga tao nangyakapin ako ni Cy pagtapos nyang ilagay ang singsing sa daliri ko.

"Papakasal na tau next week!"sabi nya humiwalay ako sakanya.

Handa na sana akong daldalan sya ng makita kong umiiyak sya.Ilang beses akong kumurap bago natatawang pinunasan ang luha nya.

"Bakit ka umiiyak?"tanong ko sumimangot sya."Akala ko hindi ka papayag eh!"sabi nya natawa ako.

"Hindi na sana ako papayag eh,Lakas kasi ng amats mo!Magpropropose ka 5 am?Tapos ang kanta mo you look so beautiful in white tapos ang pinasuot mo saakin maroon?Adik kaba?"sabi ko napakamot naman sya sa batok nya.

"Basta fiance na kita!Tapos asawa na kita next week!"parang batang sabi nya.

"Sinong nagsabi?Magantay ka after 5 years!"sabi ko kumunot ang noo nya.

"5 years?Ilang years na nga ako nagantay eh!Next week ikakasal na tayo!"final na sabi nya tinaasan ko sya ng kilay.

"Magpapakalbo ako sa araw ng kasal natin!"banta ko pero ngumisi sya."Papakasalan parin kita,Mas ok yun para wala nang aagaw sa asawa ko!"sabi nya napairap ako dahil wala na akong masabi.

"Nagaaway agad kayo!"napatingin kami sa likod nakita namin ang mga importanteng tao sa buhay namin na naglalalad papalapit saaming dalawa.

Naramdaman ko ang kamay ni Cy sa bewang ko kaya sumandal ako sa dibdib nya.

"Congrats!"ngumiti ako at yumakap sa mommy and daddy ni Cy ganun din ginawa ko sa mama at papa ni Daimi.

"Masaya ako sayo anak."nakangiting sabi ni mama kita ko ang pagaalangan sakanya kaya ako na ang lumapit sakanya at yumakap.

"Gumising pa tuloy kayo ng maaga."sabi ko."Ok lang yun ate!Importanteng araw toh para sayo dapat nandito kami!"sabi ni Bella ngumiti ako at yumakap sakanya.

Napatingin ako sa anak nya.Nagsquat ako sa harap ng bata na agad namang ngumiti saakin..

"Hi tita Yesica!"sabi nya ngumiti ako bigla kong naalala si Niks sana nandito sya.

"Hey ms.Secretary!"nagangat ako ng tingin at doon nakita ang boss ko.

Tumayo ako at lumapit sakanya. "Bakit nandito ka boss?Pano yung company mo?"tanong nya nagkibit balikat sya.

"Nandun si Dad,At bawal akong mawala sa araw na ito noh!So?Congrats!"sabi nya napailing ako bago yumakap sakanya nakarinig kami ng tikhim kaya agad akong lumayo.

Agad na may pumulupot na kamay sa bewang ko."Insan,Shes mine."seryosong sabi ni Cy tumawa si Boss.

"Nah!Insan don't worry!"sabi nya

Napatingin ako kay Jeskel at Daimi na nakatayo sa isang gilid.

"Congrats Yesica!"bati ni Dave."Salamat doc quack quack!"biro ko pero ginulo nya lang ang buhok ko.

Lumapit ako kila Daimi."Para kayong mga tuod dyan!"sabi ko sabay silang napatingin saakin.

"Yesica!Congrats!!!"sabi ni Daimi bago ako sinugod ng yakap.

Natawa ako bago bumawi ng yakap sakanya."Masaya ako para sayo,Finally magiging masaya kana din!"sabi nya.

"Ikaw kaya kailan?"tanong ko bago sumulyap kay Jeskel na kausap ni Cy.

Hinampas nya ako sa braso kaya natawa ako."Itigil mo nga yan!Hindi na dapat pinipilit ang hindi pwede."napahawak ako sa dibdib ko.

"Sakit naman ng hugot mo!"sabi ko sumimangot sya kaya natawa ako.

"Yesica babe mahal ko!"hindi kona kailangan lumingon dahuil naramdaman kona ang braso nyang yumakap sa bewang ko.

Lumapit si Jeskel sa tabi ni Daimi agad naman dumistansya si Daimi.

"Nah!Naunahan na namin kayo!"sabi ni Cy.

"Hindi naman kami nagmamadali."nanlake ang mata ko sa sinabi ni Jeskel nakita ko rin kung paano lumaki ang mata ni Daimi.

"Edi babalik na ang mama at papa tandem?"tanong ni Cy kaya taka ko syang tinignan.

"Mama,papa?"tanong ko sunod sunod syang tumango."Yun yung tawagan nila kapag silang dalawa lang."bulong nya dahan dahan akong tumango.

Mama at papa naman pala.Pang magasawa naman pala agad ang nasa isip kaya hindi nagkatuluyan eh masyadong advance.

Sumunod si Jeskel kay Daimi kaya naiwan kaming dalawa ni Cy.Naglakad lakad kami hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan kami laging umuupo dati.

Umupo kami doon umakbay saakin si Cy kaya sumandal ako sakanya.Napapikit ko ng humangin ng malakas.

"Babe thank you.."sabi nya.

"Hmm?Para saan?"tanong ko hindi agad sya umimik."For saying yes..."sabi nya napangiti ako.

"I love you so i said yes."sabi ko naramdaman ko ang paghalik nya sa noo ko.

"Mahal na mahal kita."sabi nya tumingin ako sakanya ganun din sya saakin."Mahal din kita..."sabi ko.

Ngumiti sya at dahan dahang nilapit ang mukha nya saakin hanggang sa magdikit ang mga labi namin.

------------
UMUWI kaming lahat sa bahay nila Cy at doon naabutan namin ang maraming pagkain na pinahanda ni Tita.

"Ang dami tita.."sabi ko.

"Call me mommy hija and call him daddy!Anak kana namin ngayon!"ngumiti ako bago tumango.

"Kumain na tayo!"yaya ni.....mommy

Umupo kaming lahat at nagumpisang kumain.Ito ang kauna unahang kumain ako nakasama ko ang lahat ng importante saakin sa iisang lamesa.

Napakalaki ng binago ni Cy sa buhay ko kaya hindi ko maiwasang maging masaya sa bawat araw na kasama ko sya.

"So kailan ang kasal anak?"tanong ni daddy tumingin lahat kay Cy.Ngumiti sya saakin bago tumingin kay Daddy.

"Next month dad."sabi nya tumaas ang kilay ko.

Pa next week next week kapa ah!Akala mo naman kaya ng ganun kabilis.

"That's good,Ok ba sayo iyon hija?"tanong ni tito ngumiti naman ako at tumango."Opo."sabi ko.

Natapos ang almusal namin na puno ng kwentuhan at asaran.Iyon na siguro ang pinakamasayang almusal ko sa buong buhay ko.

Ngayong araw uuwi na rin ako since marami pa akong aasikasuhin sa manila.Gusto ko man manatili dito hindi pwede sa ngayon.

Kapag gusto ko magsettle dito parin ako titira dahil dito ako lumaki at dito ko gusto.

Dumaan kami sa sementeryo para magpaalam sa mga baby ko bago dumeretso sa bahay.

"Uuwi na po ako ma."sabi ko kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mata nya.

"Agad?"tanong nya tumango ako."Babalik din po ako ma,Magkikita naman po tayo sa kasal ko."sabi ko ngumiti sya saakin kahit may luha na sya sa mata.

"Sorry sa lahat ng nagawa ko anak sana maging masaya ka..Babawi si mama sayo pangako."parang may humaplos sa puso ko dahil doon yumakap ako sakanya bago tuluyang umalis.

Lahat ng problema ay natatabunan ng saya kung mananatili kang malakas at matatag.

Hindi kailangan na sa bawat oras malakas ka.Lahat ng tao may kahinaan at isa ka doon.Pahinga ka lang pero wag kang susuko.

Hindi man kasing ganda ng buhay ng iba ang buhay mo dapat masaya ka parin dahil buhay at may malaki parin ang chance na umahon ka kung tutulungan mo ang sarili mo.

Ang sarili mong problema ay sarili mo rin ang aayos nandyan ang ibang tao para gabayan ka pero ikaw dapat mismo gumawa ng paraan para lahat ng sakit at paghihirap ay mapalitan ng saya at kaginhawaan.

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon