Chapter 32
"Daimi."
"Daimi!"
Napabuntong hininga ako dahil hindi parin sya umiimik kahit ilang beses ko na syang tinatawag.Kanina pa sya nakatulala at walang imik.
Tinawagan nya ako kanina para pumunta sa bahay nila.Pagdating ko dito sinabi saakin ni tita na hindi sya kumakain at lumalabas manlang ng kwarto.
Ako na ang pinakiusapan nilang kumausap dahil maski si Dave na nagaaral ng pagiging psychiatrist ay walang magawa dahil nakalock ang pinto nya.
Pagpasok ko kanina nasa balkonahe sya ng kwarto nya nakaupo sya at nakatulala lang doon.Ilang oras na kami dito pero ni isang word wala syang sinasabi.Nagaalala na ako may clue na rin ako na si Jeskel ang problema dahil nasabi saakin ni Cy.
"Daimi!"kinalabit ko sya pero kumurap kurap lang sya napakamot ako sa ulo.
"DAIMI!!!!"Sigaw ko saka sya tinulak muntik na syang mahulog mabuti nalang nahila ko sya pabalik.
"Y-yesica?"takang tanong nya napairap ako.
"Opo ako nga!Walang hija pinapunta ako dito tapos hindi mo rin ako kakausapin?Sana sinabi mong may tutorial pala dito kung pano tumulala para aware ako!"masungit na sabi ko ngumiti sya pero hindi umabot sa mata nya.
"Pinapunta ba kita?Nakalimutan ko sorry."mahinahong sabi nya kita ko sa mata nya ang pagkapagod.
Napabuntong hininga ako.
"Makikinig ako."sabi ko ilang segundo rin syang tumahimik hanggang sa naramdaman ko ang pagsandal nya sa balikat ko.
"Hindi nya ako mahal Yesica...Hindi nya ako minahal."mahinang sabi nya kahit hindi ko tignan alam kong malapit na syang umiyak dahil sa paggaralgal ng boses nya.
"Nagtiwala ako sakanya..Sya ang kauna unahang minahal ko tapos...t-tapos niloko nya lang ako."pumiyok sya at hindi nagtagal narinig ko na ang pagiyak nya.
"Nagusap naba kayo?Alam mo na ba ung side nya?"tanong ko kaibigan ko si Daimi pero alam ko ang side ni Jeskel.
Alam ko nga ba?
"O-oo pero kasi..Kahit alam ko nasasaktan ako Yesica..Nasasaktan ako tuwing nakikita silang magkasama."
"May karapatan naman ako diba?Kasi..kasi girlfriend nya ako eh diba?"tanong nya hindi ako nakaimik dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko
Hangga't maari ayaw kong mangeelam sakanila ayaw ko syang bigyan ng false hope para lang gumaan ang loob nya.Dahil alam ko the more na aasa sya the more na mas masasaktan sya.
"Ano bang sinabi nya?"tanong ko."Sabi nya kasi magtiwala lang ako sakanya kasi gagawin daw nya ang lahat...para maayos lahat pero kasi Yesica habang tumatagal imbis na maayos mas lalo lang syang napapalayo saakin."
"Natatakot ako Yesica baka kasi paggising ko...Ayaw na nya saakin at magpakasal nalang sya.Ano ba naman kasing laban ko diba?Girlfriend lang ako Fiance sya."tumayo ako at lumuhod sa harap nya kita ko ang pamumula ng mata nya dahil siguro sa pagiyak.
Pinunasan ko ang pisngi nya."Anong gusto mo?Kasinungalingan o Katotohanan?"tanong ko yumuko sya bago sumagot.
"Pwede bang kasinungaling nalang para hindi masakit?"tanong nya huminga ako ng malalim
"Ayaw kitang bigyan ng false hope kaya katotoohanan nalang sasabihin ko."ngumuso sya habang nagaantay ng sinasabi ko.
"Tama ka wala kang laban sa mata ng ibang tao kasi girlfriend ka lang Fiance sya.Pero sa puso ni Jeskel mas lamang ka alam kong alam mo yun."sabi ko tumango naman sya."Pero hindi sa lahat ng oras puso lang ang pinapairal,Hindi sa lahat ng oras pagibig ang nanalo.Pwedeng pagsubok lang sainyo toh...pero pwede ding ito na ang huling kabanata ng pagmamahalan nyo."seryosong sabi ko kita ko kung pano tumulo ang panibagong mga luha sa mata nya.
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Teen FictionAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...