Chapter 14
"Ihinto mo nalang dito."mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya.
"Are you sure?"tanong nya ng ihinto nya ang motor nya.Tatlong bahay pa ang layo nito bago ang bahay namin at kaya ko namang lakarin yun pauwi.
"Yeah."dahan dahan akong bumaba sa motor nya agad naman nyang hinawakan ang braso ko para alalayan bumaba rin sya sa motor nya at sumandal sa motor nya.Nang makatayo ako sa harap nya natuon na agad ang mata nya saakin kaya umiwas ako ng tingin.
Tumingin ako sa kanang bahagi ko kung saan ako dadaan mamaya.Maliwanag naman ang dadaanan ko dahil bukas pa ang ilaw ng mga kapitbahay namin may ilang mga bata paring naglalaro sa labas at ilang mga nanay na nagkwekwentuhan sa labas ng nga bahay nila.
"Pwede naman kitang ihatid sa in-"
"Thank you.."mahinang sabi ko nang hindi parin tumitingin sakanya kahit hindi ako nakatingin ramdam ko ang pagtitig nya saakin.Masyado nang maraming nangyari ngayon araw at wala na akong lakas para magtaray sakanya.
Ayaw ko ring tumingin sakanya dahil kahit hindi ko sabihin alam kung may nagiba sa pakiramdam ko ngayon sakanya lalo na dahil sa nangyare kanina.Sa lahat ng mga sinabi nya lahat yun may impact saakin.
At mas kinakatakot dahil sa lahat ng sinabi nya lahat yun pinagkakatiwalaan ko.
"Look at me."Sabi nya pero hindi ko sya sinunod binawi ko ang braso kong hawak parin pala nya."Aalis na ako,Magii-"naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng bigla nya akong yakapin.
"Lahat ng sinabi ko kanina totoo yun,Liligawan kita at aalagaan kita kasi importante ka saakin."napapikit ako ng haplusin nya ang buhok ko.
Dahan dahan kong tinaas ang kamay ko at niyakap sa bewang nya.Gusto kong sulitin ang araw na ito kung saan meron akong taong matatakbukan at masasabihan ng problema.Kung saan meron akong comfort..
"Salamat...Thank you talaga Cy."sabi ko bago tuluyang lumayo sakanya nagangat ako ng tingin sakanya ang mata nya ay puno ng hindi ko mapangalanang emosyon.
"Magiingat ka sa paguwi."sabi ko at derederetsong naglakad paalis.Hindi na ako lumingon kahit na ramdam ko parin ang titig nya saakin.
Pakiramdam ko nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko dahil sa mga nangyare ngayon.Masaya ako pero alam ko ring hindi ito pangmatagalan alam kong bukas magisa nanaman ako dahil..
Kahit gusto hindi ako pwedeng umasa sa iba na hindi naman sigurado kung magtatagal.
Pagdating ko sa tapat ng bahay huminto ako sa paglalakad at tahimik na pinagmasdan ang harap ng bahay.Tanging ang kwarto ko lang ang hindi nakabukas ang ilaw.Kung sana tanggap lang ako ni mama baka masaya ako laging umuuwi at hindi ganto na mabigat lagi sa dibdib dahil pakiramdam ko ako ang sampid sa bahay.
Napatingin ako gilid ng gate ng makarinig ako ng tahol,Hindi ko napigilang mapangiti ng makita si buddy.Palipat lipat sya ng pwesto ang buntot nya ay walang tigil sa paggalaw.
"Hey buddy!"nagsquat ako sa hindi kalayuan sakanya tumitig ako sakanya habang wala syang tigil sa kakatahol.
"Kamusta?Kumain kana?"tumahol naman sya kaya napangiti ako pero hindi nagtagal nawala ang ngiting yun.
Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa inis.Maski aso hindi ko kayang mahalin dahil hindi pwede.Tumayo na ako at derederetsong naglakad papasok sa bahay.
"Saan ka galing?Buong araw kang wala alam mo bang ang daming gawain dito na hindi mo natapos!"napatitig ako kay mama hindi kona maintindihan ang iba nyang sinasabi dahil busy ako sa pagtitig sakanya.Naalala ko yung sinabi ni Cy.Kung magkakaayos kaya sila mabubuo kami?Gugustuhin narin ba nila ako kapag nagaayos na sila?
Mararanasan ko naring bang mahalin kapag nagmahalan sila?Pero napakaimposible ng pangarap na yun dahil kapwa sila meron kanya kanyang pamilya ako at ako naiwang magisa.
"Hoy Yesica ano bang iniiyak mo!"Bumalik ako sa realidad ng marinig ang sigaw ni mama napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong basa nga yun.
Napakahina mo talaga Yesica!
Hindi ko pinansin ang sinabi ni mama at derederetso lang akong tumakbo papunta sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto dumeretso ako sa bintana ang binuksan yun para makalanghap ako ng hangin.Pinunasan ko ang pisngi ko dahil basa nanaman yun dahil sa luha.
"No one's gonna love you Yesica,That the truth."
MAAGA akong pumasok kinabukasan para hindi ko maabutan sila mama sa sala.Bilang palang ang kaklase kong nasa classroom pagdating ko.
Nagbasa lang ako ng notes habang nagpapalipas ng oras.Kahit maldita gusto ko paring makatapos ng pagaaral noh!
Isumbat na nila saakin lahat wag lang ang walang akong pinagaralan dahil yan hindi mangyayare makakapag tapos ako!
"Yesica!Si Daimi binubully ni Beatrice!"napatingin ako kay jessa nakasilip sya sa may pintuan naghahabol sya ng hininga dahil siguro sa pagtakbo.
Tumayo agad ako at naglakad palabas nagiinit agad ang ulo ko dahil sa Beatrice na yan!Nanahimik ang mga tao gustong gustong guluhin.
Kulang talaga sa aruga!
"Nasaan sila?"tanong ko sakanya.
"Nasa quadrangle sila,Nakita kasi ni Beatrice na magisa si Daimi kaya ayun pinaginitan.Hindi nya magawa kapag nandyan ka siguro dahil alam nyang wala syang laban sayo kasi marunong kang magtaekwando."sabi ni Jessa kaklase ko kasi silang dalawa ni Beatrice dati nung highschool.
Ginagawa ko lang un para makapagexcercise pero ngayon parang gusto kong sipain si Beatrice.
Nangmalapit na kami sa Quad kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan ni Cy ilang ring lang sinagit na agad nya.
"Hey babe!Namiss mo-"
"Kasama mo ba si Jeskel?Nasaan na kayo?"tanong ko ilang segundo sya natahimik bago sumagot."Tinawagan moko para hanapin sya?Alam mo bang nakakasakit ka ng puso?"napairap ako dahil sa sinabi nya.
"Kung nandyan sya ibigay mo baka ibalibag kita kapag nasaktan pa lalo si Daimi!."inis na sabi ko
Nawalan ng emosyon ang mukha ko nang makita ko si Daimi na sinasabunutan mi Beatrice mas lalo akong nakaramdam ng galit dahil sa natapong tinda ni Daimi.
Kumuha ako ng hindi kalakihang bato at binato yun kay Beatrice tumama naman iyon sa likod nya.
"Hello Yesica bakit?Papasok na kami ng Campus."rinig kong boses ni Jeskel."Gusto kong patunayan mo saakin ang nararamdaman mo para kay Daimi."walang emosyong sabi ko
"Sino yun!"galit na sabi ni Beatrice naglakad ako paabante para makita nya ako nang magtama ang mata namin nanlake ang mata nya at nabitawan ang buhok ni Daimi.
"Huh?"napapikit ako dahil sa inis."PUMUNTA KA DITO SA QUADRANGEL!PUNYETA!"Inis na sigaw ko bago binaba ang tawag.
Masama parin ang tingin ko kay Beatrice na ngayon ay bakas ang takot sa mukha lalo na ng naglakad pa ako papalapit sakanila.
"Nakalimutan mo yung sinabi ko sayo?"tanong ko umatras sya
"Diba sabi o wag mong gagalawin si Daimi?Ganyan kaba talaga kaduwag at talagang ang mahihina pa ang binubully mo?!"inis na sabi ko nakita ko sa likod nya si Cy at Jeskel.
Umatras ako.
"DAIMI!"
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Novela JuvenilAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...