chapter 55

33 3 0
                                    

Chapter 55

Kagat kagat ko ang labi ko habang nasa byahe kami.Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko kinakabahan na may excitement na natatakot ewan ko basta ewan ko!

Pwede naman akong umuwi pero natatakot kasi ako.Iniisip ko kasi dati na wala rin akong uuwian doon at baka maabala ko ulit ang mga tao doon.

Pero ngayon na kasama ko si Cy kahit papaano may lakas ako ng loob.

"Babe matulog ka kaya muna?Malayo pa tayo get some rest,Hmm?"sabi nya habang nilalaro ang kamay ko gamit ang libreng kamay nya.

Hindi ako umimik at pumikit nalang ng tawagin nya ako.

"Babe.."

"Hmmm?"sagot ko habang nakapikit dahil nakakaramdam na ako ng antok.."Sa bahay pala  tayo tutuloy...Ipapakilala kita kila mommy and daddy."napamulat ako dahil sa sinabi nya.

Nanlalake ang mata kong tumingin sakanya."Anong sabi mo?"tanong ko.

"Don't worry wala doon si tita nasa  ibang bansa na sya-"

"No,no...Hindi ka naman seryoso sa ipapakilala moko diba?"tanong ko sumulyap sya saakin."i'm serious about that babe."sabi nya

Napasandal ako sa upuan ko mas domoble ang kaba ko ngayon.Ipapakilala nya ako?Ano nalang sasabihin nila after ilang years kong pagkawala?

Huminto ang kotse kaya napatingin ako kay Cy.Tumingin ako sa labas at nakita kong nasa tapat kami ng isang bar.Familiar saakin ung bar dahil doon ko pinupuntahan si boss.

Tumingin ako kay Cy ng bumaba sya sa kotse umikot sya para pagbuksan ako.Taka ko syang tinignan ng makababa ako sa kotse.

"Kukuha lang ako ng alak para kay daddy,And may ipapakita ako sayo."nakangiting sabi nya.

Hindi na ako umimik dahil ayaw kong mawala ang ngiti sa labi nya.Hinawakan nya ako sa bewang at inalalayan akong maglakad.

Kumunot ang noo ko ng bahagyang yumuko ang mga bouncer na nagbabantay sa entrance ng dumaan kami ni Cy.

"Good morning boss!"napahinto ako sa paglalakad ng batiin sya ng bartender.

"Boss?"gulat na tanong ko pero ngiti lang ang sinagot nya saakin bago tumingin sa bartender.

"She's my Yesica,"sabi ni Cy lumaki ang ngiti nung bartender bago kumaway saakin.

"Finally!Nice to meet you ma'am!"sabi nya tipid akong ngumiti."Yesica nalang."sabi ko ngumiti naman sya.

Kinausap ni Cy ung bartender about sa alak na gusto ng papa nya kaya nagkaroon ako ng time ilibot ang paningin ko sa paligid.

Wala pang tao mga naglilinis palang ang nandito.Napakaganda ng lugar may malaking stage din.Natigilan ako ng may marealise ako.

Humarap ako kay Cy naabutan ko syang nakangiti habang nakatingin saakin.

"Sayo toh?"gulat na tanong ko hinawakan nya ang kamay ko at pinaglaruan bago tumango.

"I told you natupad kona lahat ng pangarap ko,At isa na doon ang bar na pangarap ko na dahil sayo natupad ko."sabi nya lumapit ako sakanya  para yumakap.

"Hmm nakakaproud naman talaga ang babe ko!"Sabi ko ngumuso naman sya."Dapat may kiss reward ako!"sabi nya pinisil ko ang pisngi nya.

"Asa ka."

--------
Nagising ako dahil sa kamay na humahaplos sa pisngi ko.Dahan dahan akong nagmulat bumungad saakin si Cy.

"Cy?Nandito na tayo?"tanong ko tumango naman sya."Bakit hindi mo agad ako ginising?"tanong ko habang umaayos ng pagkakaupo.

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon