Chapter 30

30 3 0
                                    

Chapter 30

Napabalingkwas ako ng bangon ng magising ako.Hawak ko ang dibdib ko habang naghahabol ng hininga.

Nightmare...

Napanaginipan kong may kumuha kay Niks.Umiiyak sya habang humingi ng tulong pero wala akong magawa.At yun na ang pinakanakakatakot na panaginip ko.

Pumikit ako at huminga ng malalim nang kumalma ako pabagsak akong humiga ulit.Pakiramdam ko nakipagmarathon na agad ako kahit kagigising ko lang.

Punyetang buhay toh hindi na ako naging masaya maski sa pagtulog!

Napatingin ako sa side table ko nakita ko doon si Phus-phus the husky at yung cellphone na bigay ni Cy.Ginamit ko yun dahil pinakinggang ko ang kanta ni Cy.At isang himala dahil madali akong nakatulog habang nakikinig sa boses nya.

Kahit sa simpleng bagay napakalaki talaga ng tulong nya.

Kinuha ko si phus phus,Phus na ipapangalan ko sakanya kaysa Cy Jr.napakabulok naman ng pangalan pangsinauna.

Niyakap ko si Phus at pumikit balak ko sanang bumalik sa tulog pero ilang minuto na akong nakapikit pero gising parin ako.Wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon since umaga narin naman mas maganda kung bumangon na wala akong pasok sa school at trabaho ngayon kaya balak kong magliwaliw.

"Gala tayo mamaya  Phus phus ah!"Pagkausap ko sa Stufftoy kahit hindi naman sasagot yun.

Nilapag ko sya sa higaan ko pagtapos ay dumeretso na ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.Napatingin ako sa salamin nakita ko ang sugat sa pisngi ko dahil sa pagkadapa ko nung niligtas ko si Bella.

Nakulong yung lalake dahil narin sa tulong nila Dave at Cy.Nung nawalan ako ng malay dinala ako ni Cy sa Apartment nya at doon ako pinatulog.At syempre paguwi ko naging malandi nanaman ako dahil sa hindi ko paguwi.

Hindi kona alam kung saan ako lulugar kahit ako naman ang gawin ko mali eh...

Pagtapos ko sa morning rituals ko bumalik ako sa kama ko dala ang suklay.

"I..Loveeeee..Youuuuu babe ko!!!Mwuah!mwuah!"napatalong ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita

Napako ang tingin ko kay Phus phus na naupuan ko kanina.Dahan dahan akong lumapit sakanya at pinisil sya.

"I....Loveeeee..Youuuu babe ko!!!!Mwuah!Mwuah!"

Natulala ako habang nakatingin sa Stuff toy at nakikinig sa boses ni Cy.Ilang beses kong pinindot yun hanggang sa para na akong baliw na nakangiting magisa.

Pagtapos nung kaadikan ko sa kwarto lumabas na ako para magalmusal.Pinipigilan kong ngumiti dahil kapag nakita nila ako magiging malandi nanaman ako.

Pagpasok ko sa kusina naabutan ko sila.Naghahain si mama habang Si bella at tito sa hapag nagaantay ng pagkain.At dahil hindi ako kafamily gagawa ako ng sarili kong pagkain.

Lumapit ako sa kabinet para kumuha ng kape tahimik lang ako habang nagtitimpla.

"Anak ito kain na oh!"sabi ni nanay nilapag nya ang niluto nya sa harap ni Bella.Kumunot ang noo ko ng makitang naduduwal sya.

"Anak!"

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makarating sya sa lababo at doon sumuka.Sinilip ko ang sinusuka nya at napansin kong halos tubig lang yun.Lalong kumunot ang noo ko ng maalala ko ang mga kakaiba sakanya lately.Tumaba sya tapos lagi nalang syang sumusuka kapag may kakaibang naamoy.

"Anak ayos ka lang?Lagi ka nalang ganyan gusto mo bang magpacheck up?"tanong ni mama umiling lang si Bella nagtama ang nga  mata namin.Kita ko kung pano sya namutla habang nakatingin saakin.

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon