chapter 39

27 3 0
                                    

Chapter 39

"Papasok ako."

"Yesica babe ok-"

"Mamaya nalang tayo magusap,Bye."hindi kona inantay ang sagot nya  binaba kona agad ang tawag.

Bumuntong hininga ako tumingin ako sa salamin na nasa harap ko.Kita ko ang mukha ko wala akong makita ni isang emosyon sa mukha ang mga mata ko ay mugto dahil sa sobrang pagiyak kagabi.Para akong zombie habang nagaasikaso wala akong lakas para kumilos pero ayaw ko ring manatili lang sa kama dahil alam kong hindi rin ako titigil sa kakaiyak.

Balak ko sanang dumeretso nalang sa burol ni Niks kaso tinawagan ako ng mama ni Niks at sinabing mamayang hapon pa sila tatanggap ng bisita.Meron din akong importanteng gagawin sa school kaya wala akong choice kung hindi ang pumasok.

Kanina pa ako tapos magasikaso pero nakaupo parin ako sa harap ng salamin.Hanggang ngayon ayaw parin magprocess saakin ang nangyare kahapon.Hanggang ngayon ayaw ko parin maniwala.

"Be strong ate don't make them smile because of your tears"

May sumilay na maliit na ngiti sa labi ko pero kasabay ng malungkot na ngiti na iyon ay ang isang butil ng luha.Napapikit ako dahil sa sunod sunod na pagtulo muli ng luha ko.

Kapag naging bigboy ako ate hahanap din ako ng girl na tulad mo!

Pinalobo ko ang pisngi ko bago huminga ng malalim.Pinunasan ko ang pisngi ko bago pinilit tumayo.

Hindi pwede toh kailangan maging malakas ako!

Pero iniwan na ako ni Niks..

Pumikit ako at ilang beses umiling bago nagpatuloy sa paglalakad.Hindi dapat ako nagmumokmok ngayon kasi kailangan pa ako ni Baby Niks.

Pagpasok ko sa kusina naabutan ko sila mama doon na kumakain.Agad silang natahimik pagpasok ko na hindi ko pinagtuonan ng pansin.Uminom ako ng tubig nagtama ang mata namin ni mama agad akong nagiwas dahil bumabalik lang ang sakit sa puso ko.

"Saan ka-"

"Wala kang pake."cold na sagot ko tinapunan ko sya ng masamang tingin bago tuluyang umalis.

----
PAGDATING ko sa school ramdam ko ang tingin saakin ng mga tao dahil siguro sa mugto kong mata at walang buhay kong mata.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko sa corridor si Daimi kaharap nya si Beatrice.Napabuntong hininga ako bago naglakad palapit sakanila.

"Ano ngayon palaban kana?Akala mo natatakot-"nagtama ang mata namin ni beatrice dahilan para mapaatras sya kasama ang mga alipores nya.

Bakas ang takot sa mga mata nya siguro dahil doon sa ginawa ko kay Jeskel malamang nakita nila yun.Tinignan nila ng masama si Daimi bago naglakad paalis.Sinundan sila ng tingin ni Daimi bago sya tumalikod dahilan para makita nya ako.

"Yesica..."hindi ako umimik naglakad lang ako ramdam ko ang pagsunod nya kaya hindi na ako umimik.Siguro naman pwede akong magopen up sakanya kasi kaibigan ko sya diba?

Kailangan ko lang ng maiiyakan ngayon kasi sobrang bigat na ng nararamdaman ko.

Nakarating kami sa likod ng building humarap ako sakanya.Napaatras ako dahil sa bigla nyang pagyakap saakin.

"Yesica akala ko kaya kong magpanggap hindi pala.."Hindi ako umimik niyakap ko lang sya pabalik at tahimik na umiyak sa balikat nya.

Lahat ng balak kong sabihin sakanya hindi ko masabi kasi may problema din sya.Kailangan din nya ng tutulong sakanya.Sanay naman na akong magdala ng problema kaya hindi kona kailangan pa ng ibang tao.

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon