Chapter 53
Flashback
"Kamusta na sya?"
"She's fine,Unti unti nang nagheheal ang mga sugat nya kapag nagising na sya pwede na syang madischarge."
Bahagyang kumunot ang noo ko ng makarinig ako ng naguusap na tao sa tabi ko.Hindi familiar ang boses nung lalake pero yung boses ng babae parang narinig kona.
"Well that's good,Babalik nalang ako dito kapag nagising na sya."
Yun ang huling narinig ko sakanila bago ko narinig ang pagsara ng pinto.
Unti unti kong binuksan ang mata ko at tumama ang tingin ko sa puting kisame amoy agad ng hospital ang naamoy ko.
Nang umayos ang paningin ko nilibot ko ang paningin ko.Nasa loob ako ng isang puting kwarto sinubukan kong gumalaw pero masyado akong nanghihina.
Nasaan ako?
Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyare ang huling natatandaan ko kausap ko sila Daimi tapos...
Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko ng maalala ko ang lahat ng nangyare saakin.
Tinaas ko ang kamay ko at doon ko nakita ang mga pagaling na sugat ko sa pulso ko.Kumunot ang noo ko ilang araw na ba akong tulog dito?
Bakit wala sila Daimi?Si mama si Cy?Hindi ba nila ako iniisip?
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon nakita ko ang isang nurse.Agad syang lumapit saakin.
Hindi kona maintindihan ang nangyare dahil may nagdatingan pa.
--------
LUMIPAS ang ilang araw sinabi na ng doctor na discharge na ako medyo maayos na rin ang pakiramdam ko yung sugat ko nalang sa tagiliran ang kailangan kong antaying gumaling.Nakaupo ako sa kama at tulala dahil hindi ko alam kung babalik ba ako sa bahay ako tutuloy nalang muna ako kila Daimi.Masyado narin akong late sa school.
"Finally nadischarge ka din."natuon ang paningin ko sa babaeng pumasok sa kwarto.
Kumunot ang noo ko ng makita ko ang tita ni Cy.Nakataas amg kilay nya habang naglalakad papunta saakin huminto sya sa tapat ko.
"How are you?"sabi nya habang may pekeng ngiti sa labi.
Ilang segundo akong hindi umimik seryoso lang akong nakatingin sakanya."Bakit ka nandito?Si Cy,Si Daimi nasaan sila?"sunod sunod na tanong ko pero inirapan nya lang ako kaya nakaramdam ako ng inis.
"Nandoon sila sa mga bahay nila nagluluksa sa pagkawala mo."sabi nya tumayo ako."Anong ibig sabihin mo?"tanong ko ngumisi sya.
"Malalaman mo rin hija,But for now you better get ready dahil malaking pagsubok ang dadating paglabas mo ng hospital na ito."nakangising sabi nya.
"Anong pinagsasabi mo?Uuwi ako saamin at kakausapin ko pa si Cy-"
"Ang kapal talaga ng mukha mo noh?Manhid kaba o tanga?Hindi mo ba nararamdaman na nahihirapan lang sila ng dahil sayo?Dinadamay mo pa sila dyan sa kaartehan mong depression na yan!Imbis na tahimik ang buhay nila ginugulo mo dahil sa kaartehan mo!"galit na sabi nya hindi ako nakaimik dahil doon dahil para akong sinampal ng katutuhanan.
May point sya dinadamay ko sila sa kadrama ng buhay ko samantalang masaya sila bago ako dumating.
"Lumipat na ng bahay ang kaibigan mong si Daimi,Si Cyphus naman pumunta na sa ibang bansa at masayang kasama ang pamilya nya.Now tell me gusto ko mo pa talagang guluhin sila?"tanong nya pinilit kong maging seryoso ang emosyon ko kahit sa loob loob nanghihina na ako.
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Teen FictionAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...