chapter 33

26 3 0
                                    

Chapter 33

"Babe!!!"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa familiar na boses na yun.At kahit hindi ako lumingon alam kong mula iyon sa taong may sapak sa utak.

"Yesica babe mahal ko!"napapikit nalang ako dahil sa kahihiyan.

For god sake!Nasa gitna kami ng corridor at nasa labas pa lahat ng studyante dahil lunch time.Tapos sisigaw sya ng ganun???

Hindi ba sya nakakaramdam ng hiya?Ok lang sana kung babe lang eh.E kaso may pangalan ko na anong gagawin ko??

Sinusubukan ko na ngang lumayo sakanya tapos ganto ang gagawin nya pano?Huh!Tell me how!

Nanlake ang mata ko nang may yumakap saakin mula sa likod.Ang pabango nya ay amoy na amoy ko.

"Yesica babe mahal ko!Bakit hindi ka lumilingon???"kahit hindi ko tignan alam kong nakanguso na sya na para bang bata.Tinanggal ko ang braso nya sa bewang ko at hinila sya palayo.

Malayo sa mata ng mga tao!

Huminto lang kami ng makarating kami sa likod ng building.

"Gusto moko masolo Yesica babe mahal ko?"kunot noo ko syang tinignan..

"Ano nanamang meron at ganyan na kahaba ang tawag mo saakin?At isa pa jusko naman Cyphus!!!Wag ka namang sumigaw ng ganun sa harap ng maraming tao!"reklamo ko agad namang humaba ang nguso nya kaya napairap ako.

"Eh sa gusto ko ngang ipagsigawang mahal kita eh!Palibhasa hindi mo kaya."bulong nya pero sapat na para marinig ko.

"Bakit ko ipagsisigawan eh hindi naman kita mahal."nakataas ang kilay na sabi ko nawala ang ngiti nya at napakurap kurap sya.

Agad akong nakaramdam ng nakonsensya dahil sa sinabi ko.Yumuko sya at sinuklay ang buhok nya.Pagangat nya ng upo nya bumalik ang malaking ngiti nya pero pansin kong nawala ang kislap ng mata nya.

Bahagya akong nagulat ng hawakan nya ang kamay ko.Naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente doon."Yesica babe mahal ko,Alam kong nararamdaman mo din yun.At kahit hindi mo sabihin alam kong mahal moko!"Mayabang na sabi nya nanlake ang mata ko.

"A-anong pinagsasabi mo!I-ikaw magugustuhan ko-"Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla nya akong hilain at kinulong sa mga bisig nya.

Rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya gaya rin ng pagtibok ng puso ko.

"Wag ka ng magsalita Yesica babe mahal ko dahil masyado ka nang obvious."Sinuntok ko sya sa tyan at lumayo sakanya tumawa naman sya.

"Asa ka boy!"sabi ko nakatingin sya saakin habang nakangiti.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin ko sa kulay tsokolate na mata nya.

"Bakit ang lambot ng bag mo?"

"Yesica babe mahal ko!"

"Yesica babe mahal ko!!!"napatalon ako sa gulat dahil sa pagsigaw nya.Tinignan ko sya ng masama.

"Bakit sumisigaw ka!!!"inis na sabi ko hindi sya sumagot pumunta sya sa likod ko naramdaman ko ang pagbukas nya ng bag ko.

"Anak ko!"napangiti ako ng marinig ko ang sigaw nya.Bumalik sya sa harap ko habang yakap si Phus phus.

"Dala mo anak natin!"masayang sabi nya nahawa ako sa ngiti nya kaya nakangiti akong tumango."Ayaw kong iwan si phus phus sa bahay."sabi ko taka syang tumingin saakin.

"Phus phus?"tanong nya tumango ako."Yun ang pinangalan ko sakanya ang bulok nung Cy Jr. Kasing bulok ng pangalan mo Cyphus"sabi ko sumimangot naman sya.

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon