Chapter 13
"Ngayon ka lang ba naging masaya kasama ako?"aniya hindi ko alam kung tama ba ang rinig ko pero may bahid ng lungkot ang boses nya.
"W-what do you mean?"tanong ko umiwas sya ng tingin."Ang unfair mo alam mo ba yun?Ako excited lagi akong makita ka kaya maaga akong pumapasok tapos makita lang kita buo na ang araw ko...Tapos ikaw ngayon ka lang naging masaya."
Napatitig ako sakanya.Deretso lang ang tingin nya sa harap kahit side view lang ang nakikita ko sakanya kita ko ang bakas ng lungkot sa mukha.Parang may pumiga sa puso ko dahil doon.
Humarap sya saakin inabot nya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit."I like you Yesica,So let me show you how much i like you and please allow me to love you.Because i want to spend more time with you,i want to take care of you and love you until we end up in church."Ramdam ko ang pagiging sincere nya sa mga sinasabi nya.
Hindi ako nakaimik dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko.Lahat ng sinasabi nya ay bago sa pandinig ko kaya hindi ko alam kung anong dapat sabihin.
"I would rather be alone for the rest of my life,if you won't allowed me to court you."nakatitig lang sya saakin habang sinasabi ang mga katagang iyon.Binawi ko ang kamay ko mula sakanya at umiwas ng tingin.
"Hindi kita papayagang manligaw,Kaya ikaw na ang bahala kung pipiliin mong maging magisa habang buhay."seryosong sabi ko
May kakaibang emosyon akong nararamdaman at hindi ko gusto ang nararamdaman ko.Hindi tama na maramdaman ito dahil kapag hinayaan ko ito hindi lang ako ang mahihirapan.
"Hindi!Sa ayaw at gusto mo liligawan kita.I swear Yesica gagawin ko ang lahat mahalin mo lang rin ako."determinadong sabi nya kunot noo ko syang tinignan.
"Tumigil kana Cy!Bakit ba ayaw mong makinig?Kahit gaano mo pa ako katagal ligawan hindi kita sasagutin kasi.."
"Kasi ano Yesica?"tanong nya nagbaba ako ng tingin."Kasi ayaw ko,At wala akong tiwala dyan sa nararamdaman mo alam kong may mahahanap kang iba kapag nawala na ako."sabi ko.
"What do you mean?"tanong nya pero hindi ako umimik."Hey!Yesica babe look at me."hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sakanya.
"Bakit pakiramdam ko iba ang ibig sabihin mo?Anong mawawala?Please tell me mali ang nasa isip ko,Please babe."Natatarang sabi nya hinawakan ko ang kamay nya na nasa pisngi ko hinawakan yun ng mahigpit at tinitigan
"Tama yang nasa isip mo,Gusto ko nang mamatay...May asthma ako at madalas syang umatake dahil hindi alam ng pamilya kong may sakit ako kaya hindi sila aware na hindi ako makahinga...Walang tumutulong saakin everytime na sasapit ang gabi inaatake ako ng anxiety ko at buong gabi akong umiiyak na nauuwi sa pagatake ng asthma ko.."tumingin ako sakanya."At kung hindi man ako mamatay ng dahil doon baka ako nalang ang tatapos sa-"
"No!No..no Yesica babe!Please wag mong isipin yan ah!Please!Nandyan pa ang pamilya-"walang buhay akong tumawa binitawan ko ang kamay nya at humarap nalang sa dagat
"Wala kang alam sa pamilya ko Cyphus."walang buhay na sabi ko.
Ni hindi ko nga alam kung may matatawag ba akong pamilya eh,Hindi ko nga alam kung talagang buhay pa ako eh kasi pakiramdam ko wala akong buhay sa kahit ano mang ginagawa ko.Tuwing gigising ako pakiramdam ko may kulang...Hindi ako kompleto.
Hindi ko alam kung gano kami katagal na tahimik.Kapwa lang kami nakatingin sa karagatan hindi ko alam kung anong iniisip nya.
"Kamusta na ang magulang mo?Nagkaayos naba sila?"I ask out of nowhere naiinis kasi ako sa katahimikan eh.
"Nagkaayos na sila,nagbabalak silang magpakasal ulit at gusto nilang pumunta na ako doon."kahit hindi ko sya tignan alam kong nakangiti sya.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naluluha.Siguro kasi dahil sa inggit at sa inis.Bata rin naman ako tao ako na may karapatang maranasang mahalin.
Isa lang naman ang lagi kong hinihiling ang kahit isang araw na mabuo kahit...isang araw lang.Inggit na inggit ako sa mga batang mahal na mahal ng magulang nila.
"Dapat sumunod kana doon"huminga ako ng malalim bago ilang beses na lumunok dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.
"B-buo na ang pamilya mo kaya....kaya dapat sulitin mo na kasi alam mo?M-maraming bata dyan ang nangangarap na maranasang mabuo ang pamilya nila.Na maranasang mahalin din ng pamilya nila."nabasag ang boses ko kaya kinagat ko ang ibabang labi ko hindi narin tumigil ang luha ko sa pagtulo.
"Yesica.."tawag nya saakin pinunasan ko ang luha ko bago humarap sakanya na may pilit na ngiti.Pero trinaydor ako ng luha ko dahil isa isa nanaman silang tumulo
Bwesit na luha.
Lumunok ako at huminga ng malalim."Broken family kami.What i mean is Really really b-broken...Bunga lang ako ng isang panandaliang saya at sa huli naging kasalanan...Sinusumpa ako ng mama ko at never naman akong ginusto ng papa ko..Alam mo yun?Isa lang akong bata na gusto ng pagmamahal p-pero ayaw nilang ibigay."napapikit ako ng punasan nya ang luha ko.
"All i want is love and attention...But they can't give it to me it because i'm just a nothing...Minsan tinatanong ko nga kung deserve ko pang mabuhay dapat naging isang sakitin nalang ako para mabilis akong mamatay-"napahikbi ako ng kabigin nya ako at niyakap doon bumuhos lahat ng luha na tinago ko.
"Hush..I'm here babe..i'm here."pagpapatahan nya saakin.
That is the first time na nakahanap ako ng comfort pakiramdam ko ligtas ako sa mga bisig nya pakiramdam ko napakahalaga ko dahil sa yakap nya.
"You deserve everything Yesica..Everything...I'm here aalagan kita i promise."
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak hindi sya tumitigil sa pagpapatahan saakin at kahit huminto na ako sa pagiyak nakayakap parin ako sakanya dahil nanghihina ako.Napalayo lang ako sakanya ng may marinig akong kanta.
Tumingin ako sakanya ngumiti sya saakin pinunasan ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko .
"Ok kana?Gusto mo sumayaw?"tanong nya hindi paman ako nakakasagot hinila na nya ako patayo naramdaman ko ang panghihina ng binti ko.Napakapit ako sa braso ni Cy agad naman nyang niyakap ang braso nya sa bewang ko.
Tumugtog ang kanta ni zack tabudio na Binibini.Nagumpisa nang gumalaw si Cy at sumasabay lang ako sakanya
Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya rinig ko ang bilis ng tibok ng puso nya.
"Kahit hindi moko payagan aalagan parin kita.Hindi kona hihingiin pa ang permiso mo sapat na ang nakita ko ngayon araw para alagaan at ingatan ka."
"Just please..Stay safe."
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
TeenfikceAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...